Magandang umaga po sa lahat ng naririto
Sa mga taong andito sa harap ng entablado.Ang tula ko pong ito ay para doon sa taong akala ko magmamahal ng totoo,
Sa taong akala ko hindi manloloko.
Pero, hanggang akala lang pala ang natamo ko.
Salamat ha!Pinatunayan mong hindi lahat ng akala ay totoo.
Para sa'yo to, pre.
Ngayon pa lang sinasabi ko ng ang tanga mo!
Niloko mo lang ang isang tulad ko.Noong minahal kita, doon ko lang napagtanto
Na ang pag-ibig pala walang sinasanto.
Basta matuto kang magmahal, mararanasan mo ring masaktan ng husto.Oo na!
Inaamin ko ng umiyak ako.
Umiyak ako kasi na-realize ko kung bakit pa ako nagpakabobo sa isang tulad mo!Mabuti pa ang pagkain, isusubo mo lang at ngunguyain.
Hindi ka na gugutumin, 'di ka pa paiiyakin.
Pero 'yang pag-ibig mo,
Iniwan na nga ako sa hangin
Sobra pa akong nabitin!Kaya diyan ka lang kung nasaan ka man!
Kahit kamukha mo pa si Superman,
Hinding-hindi mabubura saking isipan
Na ika'y minahal ko ng lubusan
Pero ako'y iyong iniwan.Kaya pre, inuulit ko
Ang tanga mo!
Niloko mo lang ang isang tulad ko.Pre, tanong ko lang bakla ka ba?
Kasi, nilandi ka lang ng iba bumigay ka na.
Pasalamat ka hindi ko hiniling na matigok ka na.
Hiniling ko lang kay God na palayasin ka saking buhay,
Nang makahanap ako ng magmamahal sakin ng tunay,
At manirahan kami sa Boracay habang buhay.Nagtataka ka siguro kung bakit pinoproblema pa rin kita.
Kasi hanggang ngayon
Misteryo pa rin sa iba
Kung bakit pinatulan pa kita.Pre, sayang lang ng kagawapuhan mo!
Niloko mo lang naman kasi ang isang tulad ko.
At hindi ka aasenso kung patuloy kang manloloko.'Wag kang mag-alala!
Pagkatapos ng tulang 'to kakalimutan na kita.
Actually, nakalimutan na talaga kita.
Kaya 'wag kang feeling 'no!
Naalala lang naman kita kasi may performance pala kami sa asignaturang Filipino!
![](https://img.wattpad.com/cover/91065162-288-k887385.jpg)