F

69 0 0
                                    

Sa Gitna Ng Ulan
ohluna

Sa gitna ng makulimlim na ulap na bahagyang lumuluha
Sa kabila ng kabi-kabilang ingay ng busina
Mga paang walang saplot na nakalapat sa nagyeyelong lupa
Animo'y namanhid sa emosyong hindi mahinuha

Ang paligid ay di mahulugang karayom
Nagsisiksikan o 'di kaya'y lakad, takbo na wari'y nasa isang marapon
Di alintana ang bawat daplis ng mga payong na baon
Bagkos layon ng bawat isa'y maabot and destinasyon

Inangat ko ang ulo ko't mukha'y puno ng butil ng ulan
Hanggang kailan ito huhupa upang gumaan
Ngunit may nahagip ang aking mga mata
Mundo nga'y may paraan sa pagbalik ng mga bagay

Umangat ang gilid ng aking labi
Tak, tak, tak, tunog ng ulang pumapatak galing sa langit
Tinta ng aking sirang pluma
Unti-unting dumadaloy sa isang panibagong kabanata

Sa gitna ng makulimlim na ulap na bahagyang lumuluha
Sa kabila ng kabi-kabilang ingay ng busina
Mga paang walang saplot na nakalapat sa nagyeyelong lupa
Unti-unting tumatapak sa tuyong lupa

Drown In SilenceWhere stories live. Discover now