J

60 0 0
                                    

Paano nga ba?
ohluna

Paano nga ba?

Paano nga ba magmahal ang nasaktan na?

Na sa bawat halik ng iba, labi niya ang naaalala;

Ang matamis na ngiting wari'y alaala lamang sa kanya,

At sa mga gabing iba ang nais na makasama.

Paano nga ba magmahal ang nasaktan na?

Na gayong tila puso'y nawalan na ng pag-asa;

Ganito pala ang pakiramdam ng isang tanga,

Kahit ilang subok magmahal, ay babalik parin sa kanya.

Paano nga ba magmahal ang nasaktan na?

Sabi kasi nila, "kalimutan mo na at mag mahal ng iba"

Tama nga ata sila,

Hahanapin muna ang sarili kong nalimutan ko na pala.

Drown In SilenceDonde viven las historias. Descúbrelo ahora