Kabanata 35:
Tamad akong bumangon mula sa pagkakahiga sa kama. Kinuha ko iyong phone ko at tinawagan ang sekretarya ko.
"Glen, hindi ako papasok."
"Ha? Ano kamo, sir? Mali yata pagkakarinig ko!"
Kinusot ko ang mga mata ko at saka humikab.
"Wala ako sa mood pumasok ngayon, pwede bang ikaw muna ang bahala?"
Narinig ko pa ang mahinang mura nya sa kabilang linya. Mukhang hindi makapaniwala na hindi ako papasok.
"Oo naman, sige sir! Magpahinga muna kayo. Nagulat lang ako, kasi unang beses na a-absent ka. Sige sir! Good morning nga po pala."
Pinatay ko na ang tawag at muling humiga sa kama. Lumunok ako ng ilang beses, pakiramdam ko tuyong tuyo ang lalamunan ko.
Tumayo ako sa kama at lumabas ng kwarto. Pagkasara ko pa lamang ng pinto ng kwarto ay nangunot na ang noo ko ng may marinig na mumunting kaluskos.
"Oh, shit."
Ni minsan, hindi pa naman ako nalooban dito. Pero sino naman kaya iyon? Baka si mama o kaya si Alvin? Sila lang naman ang mahilig pumunta dito sa unit.
Nagkibit balikat ako at naglakad papunta sa kusina. Pero halos ma-estatwa ako ng makita doon ang isang babae. Nakatalikod sya sa direksyon ko kaya hindi ko makita. Mahaba ang buhok nito, hanggang puwitan. Maputi rin sya at nakalagay ang dalawa nyang kamay sa kanyang likuran. Nakasuot sya ng kulay maroon na dress. Nangunot ang noo ko, sino naman kaya ito?
"Excuse me? Sino ka?"
Nakita ko kung paano sya maestatwa sa kinatatayuan nya. Hindi sya humarap sa akin kaya naglakad na ako palapit sa kanya.
"Excuse me, miss. Who are you? And what are you doing here?"
Hinawakan ko ang balikat nya at pinaharap sya sa akin. Nagulat ako ng makita ang mukha nya. Naging mas matured ang mukha nya, mas naging maganda kaysa noong teenager palang kami. Ang ganda ganda nya.
"Madeline! Baby, you're back!"
Mabilis ko syang niyakap. Gusto kong maiyak. Dahil buong akala ko, hindi na nya ako babalikan. Buong akala ko, hindi na sya babalik sa akin.
Nangunot ang noo ko ng hindi manlang nya ako niyakap pabalik, kaya humiwalay ako sa yakap.
"Babe?"
Walang kahit anong emosyon ang kanyang mga mata kaya nabahala ako.
"Shivan, nandito lang ako para sana makipag usap sa'yo at ipakilala si Vanesa. Gusto ka kasi nyang makilala."
"W-what?"
Tama ba ang pagkakarinig ko? Nandito lang sya dahil gusto akong makilala ng anak namin?
"Yes, Vanesa wanted to see you. Gusto ko sana mag schedule tayo ng araw kung kailan ka pwede at ng makapag usap na kayo."
Namuo ang inis sa aking dibdib. Ano raw? Mag-schedule?!
"Wait, pwede naman tayong magsama ulit at maging buo. Bakit mag-schedule pa?" Inis na tanong ko.
Bumaba ang tingin nya sa aking dibdib pababa sa aking tiyan pero nag iwas din agad sya ng tingin. Sa simpleng kilos nya na iyon ay tila nag init ako. Topless at nakaboxers nga lang pala ako.
BINABASA MO ANG
Wrong Decisions
Fiction généraleSi Madeline Holmes ay isang simpleng teenager na may simpleng buhay. Bilang isang huwarang anak, ni minsan ay hindi niya binigo ang kaniyang mga magulang. Hindi katulad ng mga kaibigan niyang mga pasaway at sakit sa ulo ng kanilang mga magulang, si...