Duguang Apoy at Luntiang Hangin

12 0 0
                                    


Sa bahay ni Roberto...

Roberto: Mama...Nandito na ako..

Rosita: Oh bakit ganyan damit mo... At bakit dumudugo yang kamay mo?

Roberto: Nakalaban ko po ang Babaylan at Gigantes...

Rosita: Ano?

Roberto: Nagsanib na sila ng pwersa...

Rosita: Mahirap yun...

Roberto: Oo nga po...

Rosita: "Ubunto Ganus" (At pinagaling ang kamay ni Roberto) Yan ok na yan...

Roberto: Salamat mama...

Rosita: Anong balita sa Anim?

Roberto: May improvement... Nakita ko na po ang Gintong Lupa at Kakampi ko na ngayon ang Bughaw na Tubig...

Rosita: Good...

Roberto: Kain na po ako...

Rosita: Ok...

Kinabukasan... Dahil sa maagang umuwi si Roberto ay nagpunta muna si Roberto sa Dimensyon ng Apoy para Makita ang pagsasanay ni Aldrin at Ace... Sa dimensyon na iyon ang isang taon ay katumbas lang ng isang segundo sa mundo...

Roberto: Ano na nangyayari sa pagiinsayo ninyo?

Renzo: Grabe ang galing na ni Aldrin...

Aldrin: Matagal na di ba Bobby..

Roberto: Naman... "Bronto" (At napalitan ang damit nya) Tara game...

Aldrin: "Bronto Pyre" (Nagkaroon ng Kuryente sa kamay nya...)

Roberto: Wow... Nakokontrol mo na ang Highest Fire Power...

Aldrin: oo nga eh...

Renzo: Ako nagturo nun...

Roberto: Magaling.. "Kairos Gangun" (at biglang umulan)

Aldrin: (Sumugod si Aldrin)

Roberto: "Bronto Pyre" (Nagkaroon ng kuryente sa kamay tulad ni Aldrin... At sinangga ang kapangyarihan ni Aldrin...)

At tumalsik sa malayo si Aldrin dahil sa pagsabog...


Roberto: Kaya mo ba pa?

Aldrin: Ang lakas mo talaga...

Roberto: Ako pa...

Aldrin: Irelease ko kaya ang Fire Falcon?

Roberto: Ikaw... Dito naman tayo sa Fire Dimension... Ok lang tayo maglabas ng maraming enerhiya...

Aldrin: Ok.. "Fire Falcon Release" (At biglang nag-iba ang apoy sa katawan niya nagging asul... At humaba ang buhok nya at nagkaroon ng pulang tinta sa mukha niya...) Mas malakas sa pakiramdam...

Roberto: Mukha nga... At ang init pa... Ang ganda ng "Floga" mode mo...

Aldrin: Oo nga eh... "Floga Satra" (Isang napakalakas na enerhiya ang pinatama ni Aldrin kay Roberto)

Roberto: "Nero Dutche" (Isang water ball ang ginawa niya kaso nagging hangin lang iyon at nawala...) Aba... (Inilagan na lang...)

Aldrin: Galingan mo Mahal na Argos... Ahahaha...

Roberto: Seryoso ka ha... Geh... "Wolf-Snake Formation Release" (At biglang dumilim ang paligid ni Roberto at nagkaroon siya ng mga mata ng ahas at nagkaroon din siya ng napaka-itim na eyeliner... At ang kamay niya ay nagkaroon nag mga itim na tattoo at nagkaroon siya ng mga matatalas na kuko...)

ARGOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon