2.Hi👋

0 0 0
                                    


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Kayo na naman? Hanggang kailan ba namin sasabihin sa inyo na wag kayong mam-bubully ng new student."sabi ng lalaking may blondé ang buhok.

"Oo nga ang sama-sama niyo talaga. Tsk!"sabi ng lalaking may shade ng violet ang buhok.

Napatingin naman ako sa kinaroroonan nina Melody at ng lalakeng hawak parin siya sa buhok.

"Bitiwan mo na nga kasi siya. Kainis ka naman eh!!!!"sigaw ko. Susugurin ko na sana yung lalaking hawak si Melody pero pinigilan ako ng lalaking may brown na buhok.

Napatingin ako sa kanya. "Di ko hahayaan na ganunin nila ang bestfriend ko."mariin kong sabi.

"Kami na ang bahala dito."sabi niya.

Lumapit naman yung lalaking blonde at tiningnan lang yung lalaki ng masama, at kaboom tiklop. Yun lang pala eh, di bale sa susunod alam ko na.

"Anong kaguluhan na naman ito?"sabi ng teacher sa harapan.

Napaupo ako sa isang bakanteng upuan at si Melody naman ay inaayos ang buhok niya. Napatingin ako kay Jackielyn, mukhang nag-aalala siya. I just smile at her.

Tumayo si Mr. Blonde at nagsalita.

"Teacher, Mr. Villamor has gotten into trouble again with Melody & the new student."sabi niya.

Natahimik lang ako, kay bago-bago ko ganito agad ang nangyari, pa'no kung malaman nila mom?

"Ms. Kim, please introduce yourself to the class."sabi ng teacher.

Kahit hiyang-hiya ako sa nangyari kanina, wala akong choice.

-sigh-

"Hello, My name is Kim Grace i'm 16. Sorry for causing some trouble a while ago."sabi ko.

Ako na nga tong naagrabyado ako pa yung nag-sorry. Ako na tong nagpapakumbaba. Swerte niyo mga P*tangins kayo!!!

I bowed as a sign of apology to them. The teacher tapped my shoulder and told me to sit.

Bumalik na ako sa kinauupuan ko.

Nagsimula nang magdiscuss yung teacher at sumunod naman yung sunod na subject which is Values Education.

"For now, magpakilala muna kayo isa-isa, baka kasi may mga hindi pa kayo kilala."sabi ng teacher namin.

Nagsimula sa babaeng may pink na buhok.

"Hi, i'm Victoria Choi. 16 and my boyfriend is Jinnie!!"malandi niyang sagot. Yakk!! Kailangan pa ba niyang sabihin yun?!

Grabe siya.

Napatawa naman yung mga lalaking tumulong sakin.

Yung isang lalaking may pink din na buhok di maiwasang ngumiwi. Sino ba naman kasi ang magkakaroon ng girlfriend na mukhang hipon.

Okay ako na yung masama.

"Yucckk!!! Di tayo talo!! Ayoko sa hipon!! May allergy ako dun!!"sabi ng kung tawagin niya sa katawagang 'Jinnie'.

Hahaha told 'ya!! Hipon talaga yan!! Buahahaha!!!

Nagpout lang si Victoria. Grabe ngayon lang ako nakakita ng hipon na nagpout!! Hahahahaha!!

Grabe kung pwede lang ako tumawa sa klase baka kanina pa ako umiiyak at naglulupasay sa tuwa!!

Gosh!! Tama na... *ehem*
*ehem*

Nagpakilala naman yung lalaking humila sa buhok ni Mel kanina. Nako!! Mamaya ka, aabangan kita sa gate!!!

"Hi i'm Vinz Villamor 16."sabi niya at tinitigan si Victoria na nakatingin kay 'Jinnie'.

Mukhang nagseselos!! Buaaahahaha!!! May love triangle dito ang title "Ba't di ka Crush ng Crush mo??".

Grabe bagay!!! Hahahaha!! Akala ko boring at puro bully ang nandito mayroon palang mga bagay na ikatutuwa ng imagination ko!!!

"Psstt.. Ok ka lang? Kanina ka pa ngiti ng ngiti dyan ah??"tanong ni Mr. Brown.

(50 shades lang ang peg 'Mr. Grey' XD)

"Ah,, wala may naiisip lang."sagot ko.

"Talaga? Baka iba yang iniisip mo... Baka ako yan??"sabi niya.

Assuming naman ang isang to!!

"Siguraduhin mo lang na may damit ako ha!"sabi niya.

Hanuh hdaw??? Loading ako dun ah??

"ANOO!! NASA TAMA PA AKONG PAG-IISIP AT DI KO GAGAWIN YUN NO!!! AT KUNG MAG-IISIP AKO NG GANU'NG BAGAY SISIGURADUHIN KONG HINDI IKAW YU'N!!"sigaw ko pero di naman nila masyadong narinig .

Walangya!! Ang kapal ng balakubak niya sa mukha ahh!!! Kainis ang isang to!! >0<

Napatawa lang naman siya. Walangya!!

Pumunta na sa harap ang lalaking may makapal na balakubak sa mukha with matching eye smile pa siya ah...

Napatingin ako sa gawi ni Jackielyn, ay ?? Angyare ba't nagblublush yun??

"Hi ako pala si Park Jimin 16. Ang 'MAN OF YOUR DREAMS'."sabi niya sabay kindat at tingin sakin.

'Yuckk!!' I mouthed at him.

Feelingero talaga siya!! Sino siya? Si Superman? Si Batman?? Yun kasi ang 'MAN OF MY DREAMS' ehhh..

Si Jackielyn naman ayun todo blush. Crush ata si lalaking may makapal na balakubak sa mukha.

I admit maganda si Jackielyn di lang halata dahil sa may eyeglass siya kaya natatakpan ang kagandahan niya.

Pero kapag magtanggal yan ng salamin at mag-ayos, aysus!!

Makalaglag brief yan!!!

Pustahan!!

Sumunod na nagpakilala ay yung babaeng feel ko simple lang yung pagkamaganda niya.

May straight na itim na buhok, medyo matangkad pero may eyeglass rin siya.

"Hi i'm Ella Salvatorre, 16."sabi niya.

Siya siguro ang kakausapin ko mamaya, makikipagkaibigan ako. Friendly kasi ako!!

Wag kayo!!

Sumunod yung mukhang malandi pero may medyo maraming pimples.

"Hi I'm Rose Tyler Reid, 16"sabi niya. Okay rin naman pala.. Sige siya rin!!!

Sumunod yung babaeng may mahabang itim na buhok. As in mahaba, hanggang bewang niya!! Matangkad siya.. Katabi ni Rose.

"Hi I'm Rhoda Florentio, 16"sabi niya. Okay siya rin.

Napatingin ako sa paligid ng may mahagip ang CCTV ko.

Si guy with shade of Violet in his hair is INTENTLY LOOKING AT MY SOON TO BE FRIENDSHIP!!!

Oh my Gosh!!!! This is entitled 'Pasulyap-sulyap ka kunwaring Patingin-tingin'.

OMG!! Napatingin naman ako kay balakubak.

Aba!! Nakatingin sakin at tumatawa!!! Makakatikim talaga to sakin!!!

Inirapan ko lang siya. Medyo marami na akong nalalaman sa section na to. Sana malaman ko rin kung sino ang 'MAN OF MY DREAMS'...

~~To be Continued~~

Kaway-kaway naman dyan??

Yung part 2 ay sa next chapter na.. Okay lang??

Sana kahit papano ay nagustuhan niyo yung update!!

I'll promise, may ibobonga pa po ang mga chapters ko, abang-abang din pag may time..

Sorry if malalate yung mga update, malapit na kasing mag-recognition at moving up na si Author. Grade 11 na ako next School Year, hope you understand..:')

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Kamsa!!!:')

@marLaFriEnceSs

The Great PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon