1.Newbie♡

1 0 0
                                    

"Wakey, wakey baby!!"rinig kong sabi ni mom.

"gggrrrrnnn.."

"Baby, first day niyo ngayon!!!"sabi ni mom sabay yugyog sakin.

"Fine."sabi ko saka ako umupo. Hinalikan ako ni mom sa pisngi.

A new day for school, last na to, 4th year na kasi.

"Morning mom"sabi ko at bumangon na.

Hi!! Me iz Kim Grace 16y/o. My mom is a Filipina and my dad is a Korean that's why my name is like that. They are arranged by my grandparents but eventually fall inlove w/ each other.

English nosebleed  meh. First day ngayon at mukhang malalate ako.

Bumaba ako at kumain na. I'm an only child pero kahit na mag-isa keri lang...

*toot toot toot*

"Hello?"

"Hi grace andito na kami sa labas. Bilisan mo!!"

"Whattt!!! Di pa ako naliligo!!!"

"Huh? hayysss bilisan mo maghihintay akech. Bye"

-end call-

Ang ganda lang....

Naligo na ako at nagbihis.

Wahhhh,,, sana mahintay pa ako ng babaeng yun, pero pag hindi makakatikim sakin yun!!

"Hooyyyy,, bilisan mo na late na tayo!"sigaw ni Melody, a dearest friend of mine. Business partners ang family namin kaya friends narin kami.

"Eto na nga ,, binibilisan ko na nga!"sigaw ko pabalik.

Wala na sila mom kasi maagang pumapasok kaya di na ako nahahatid pero naiintindihan ko naman sila.

"Tara na."sambit ko saka binuksan yung kotse.

"O, ready ka na ba sa new school at new classmates?"tanong ni Melody.

"Medyo,,"tipid kong sagot.

Napatingin naman ako sa hotel ng pamilya ko, malayo na talaga ang naabot ng pamilya ko at mukhang hindi pa ako handang hawakan lahat ng responsibilidad ng mga magulang ko. Syempre only child ako at expected na ako ang hahawak ng iba't-ibang pag-aari ng pamiya namin.

"Hoy! ok kalang girl? Tulalay ka nanaman."sabi niya.

"Ahh,, ok lang ako naisip ko lang kasi balang araw magiging CEO rin ako ng mga properties namin. Ikaw ba di ka ba nag-aalala sa magiging kahihinatnan nu'n mahilig ka pa namang mag-shoopping."sagot ko at tumingin sa labas.

"Grabe ka naman Grace magbabago rin naman ako, pagdating ng araw may makakatuwang ako sa lahat ng to."sagot niya.

Napatingin naman ako sa kanya, sure siya sa sinabi niya. Kelan pa siya nagsalita ng ganyan? Dati naman ang bitter niyan eh. Kinunotan ko lang siya ng noo.

"Bakit?"tanong niya.

"Dati kasi di ka nagsasalita ng ganyan, alam mo nasusuka ako sa sinabi mo. Akala ko pareho tayong bitter."sabi ko saka nagpout.

Kinurot naman ng pakalakas-lakas ang pisngi ko.

"Ahhhh langya karin no! Masakit kaya!"sabi ko saka hinimas ang pisngi ko, ang sakit talaga niyang kumurot.

"Andito na po tayo ma'am."sabi ng driver.

"Thanks manong."sabi ko

"Ready?"

"Ready."

—————————————

Pumasok kami sa gate, at wow lang ang ganda.

School to ng mga parents ni Melody at co-owner din ang parents ko pero ngayon lang ako nakapunta dito. Madalas makwento ni Melody ang school na to, dati pa siyang nag-aaral dito kaya medyo may background na ako.

Kainis naman tong si Melody naunang naglakad...
"Mel!!"

Di na ako nilingon, di pa naman ako sanay dito. First time ko nga dito diba?!

May nakita akong babae sa may bench papunta atang gym.

"Hi pwedeng magtanong?"sabi ko.
"A-ahh hi, ano yun?"sagot niya.
"Bago lang kasi ako dito, san nga ba yung room 4A?"tanong ko.
"Room 4A?"
"Oo bakit may problema ba?"
"A-ahh wala, samahan na kita."
"Talaga?! salamat!!"
Naglakad kami hanggang sa dumating kami sa likod ng building. Nag-isa lang building na nakita ko.

Palasyo?! Tama ba tong nakikita ko o nagmamalikmata ako.
Literal akong napanganga..

WOW!! ANG GONDO!!!!

"Psstt... okay ka lang? Baka magkalangaw yang bibig mo."sabi niya
Nagbalik ang ulirat ko ng marinig ko siya.

"Tara na."sabi niya.
"Tara."sagot ko.

Napaisip ako, di ko pala alam ang pangalan niya.

"Ano palang pangalan mo?"tanong ko.
"A-Ahh Jackielyn ang pangalan ko."sabi niya.
"Ako pala si Grace, Kim Grace."nakangiting tugon ko.
"Anong section ka?"tanong ko.
"Ah di ko pa pala nasasabi sayo na iisa lang ang section per grade dito."sabi niya.
"Ahh."
"Andito na tayo."nakangiting sabi niya.
Napatingin ako sa harapan at ang nakita ko ay isang napakalaking pinto na kulay puti at may gold na doorknob.

Binuksan niya ang pinto at bumungad ang napakaingay na room. Akala ko mga educated people ang nandito, hindi pala.

Nakita ko ang Melody na iniwan akong nag-iisa.

"HOY!! MELODY BA'T MO AKO INIWAN. ALAM MO BANG NAWALA AKO!! DI KA BA NAAWA SA'KIN!! HUH!!"sigaw ko.

Biglang natahimik ang lahat.

Gumawa ba ako ng iskandalo??

WAHHH!! KILL ME NOW!!
LAMUNIN NA SANA AKO NG LUPA!!
NAKAKAHIYA!!!😨😨

"Hoy miss bago ka lang no, pero di ka na nahiya."sabi ng isang lalaki na may rainbow na buhok.

"Kabago-bago nagsisigaw, di ka na nahiya."sabi ng babaeng may pink na buhok with her disgusting face on me.

Sobra sila kung manglait. Di ata nila kilala kung sino ako. Pag talaga malaman niyo, luluhod kayo sa harapan ko.

"Tumigil nga kay--"natigil yung sasabihin ni Melody ng sabunutan sya ng isang lalake.
"Bitiwan mo nga si Melody!"sigaw ko.
"Mukhang nagdala ka na naman ng bagong lampa dito katulad mo Melody."sabi ng lalake.

Magsasalita sana ako nang sininyasan ako ni Melody na ok lang siya.

Naawa ako kay Melody, halatang nasasaktan siya.

"Pagsisihan niyo kung malaman niyo kung sino kami."sabi ko. Seryoso talaga ako ngayon. Nakakabaog ang mga tao dito.

Pumunta ako para tulungan si Melody.

"Bitiwan mo na nga siya."inis kong sabi.

Nagsmirk lang siya. Sabay hila sa kamay ko.

Mashakit dre!!

"Bakit sino ka ba?"tanong niya.
Napangisi lang ako.
"Ako ay--"

"New student? wala namang nasabi sakin si dad?"sabi ng isang lalake na may orange na buhok.

"Yahh!! bitiwan mo nga siya!!"sigaw ng isang lalakeng may kulay brown na buhok.

Tumakbo siya sa kinaroroonan ko at hinablot ang kamay ko sa lalaking humablot sakin.

"Ok ka lang ba?"tanong niya.

Sino sila??

***************
Hahaha sana nagustuhan niyo yung first chapter!!!

Love you!!!

사랑해요!!!😘😘❤❤
 

The Great PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon