Mahal nya ako, mahal kita, mahal mo sya </3
mahirap daw magmahal ng taong iba ang gusto. pero mas mahirap magmahal ng taong akala mo ikaw ang gusto!
minsan kase ang pagmamahal, para lang yang pagsusuot ng sapatos na hindi naman kasya sayo. pinipilit mong pagkasyahin dahil gusto mo. pero sa sobrang pag pupumilit mo na pagkasyahin ito, masasaktan at masasaktan ka lang. kaya mas pipiliin mo na lang lumayo at iwan ito dahil alam mo namang hindi ito para sayo at maging masaya kanalang para sa taong nakatakdang magmay ari nito.
--
ako nga pala si Alex Cabrera. 16 yearsold 4thyear high school. nag aaral ako sa Yverdon Academy. private sya. Loyal ako sa school na 'to kase simula Grade 1 ehh dito na ako nag aral. okay Enough said na :)
--
(june 10,2013) KRINGGGGGG!!! nag bell na! it means time na para pumunta sa kani-kaniyang pila. well, 1st day of school kase ngayon! just so you know! :)
"sakto dating natin pa!" hinatid kase ako ni papa e! hahhaha bata pa daw ako :(
"sige alis nako nak!"
"sige po pa! (kiss)"
habang papasok ako sa gate ng school namin, naririnig ko na ang inggay na nanggagaling sa bibig ng mga kapwa ko studyante!
"grabe! ang gwapo padin ni gino! walang pinagbago! kung meron man? mas lalo syang gumwapo! ^_^"
narinig kong sinabi ng isang 3rdyear student!
"tss. gwapo nga nagpapakatanga naman! hays sayang lang! -_-"
*ARAY! siong bumatok sakin? >.<
"ako baket? may angal ka? :P"
"cha! ikaw pala :)"
--
sya naman si Charity Barroa. bestfriend ko :) since grade1 :)
--
"ano nanamang binubulong-bulong mo jan kanina ha?"
"eh yung mga third year kase na yun! kakapasok palang e landi agad ang inuuna!"
"ahh! let me guess. si GINO ba yung no?"
"sino paba? -_-"
"nako! wag mo nalang pansinin. actually di ko panga sya nakikita e! tara na nga sa pila natin. magsisimula nadaw ang program e.!"
"okay! -_-"
--
si Gino, Gino Tuazon. Gwapo, magaling mag volleyball. matangkad mabait magaling mag gitara pero ang pinaka sa pinaka.. nag papakaTANGA sa babaeng pinapaasa lang sya, pinagmumukhang tanga, pinaglalaruan, pang past time lang. -_- Classmate ko sya since grade 3. at kaibigan ko sya. K-A-I-B-I-G-A-N!! ewan ko ba kung bakey lagi ko syang nakaka group sa mga group work twing may mga pinapagawang group act.
hanggang sa nag 1st year na kami tapos since magkakaibigan naman kami eh alam namin kung sino ang nagugustuhan ni gino sa Yverdon. at walang iba kundi si Celeen Fabre. ang babaeng walang ibang alam kundi magpaikot, paglaruan, paasahin ang mga lalake dahil sa angkin nyang kagandahan. pero kahit ganun yun, mabuti padin ang pakikitungo sakanya ng mga studyante sa Yverdon kase pinaplastik sya! alam nyo bang wala yang tinuturing na bestfriend. kumbaga open sya sa lahat. nakikipag usap, nakikipag kwentuhan, medyo mabait naman sya! ang galing nga e! sa dinami-dami ng nabasa kong libro, lahat ng mean girl ay may kanya-kanyang alipores! haha pero si Celeen kakaiba! sabagay! hindi naman kase namin alam ang buong buhay nya. kaya hinahayan nalang namin!
