PSYCHE's Point of View
Hindi ko inaasahan na magiging stalker ako ng ganito katagal--na masyado ko nang ginawang hobby ang pang-stalk sa kanya.
Kay Edward Allen Erios.
"Hey! Ano na naman yan, Psyc?" Halos mapatalon ako sa gulat ng bumulaga si Louie sa gilid ko. Diyosmiyo.
"J-just browsing," sagot ko.
"Browsing nga ba? O STALKING?" binigyang diin pa talaga niya yung last word. Nabuko na naman niya ko.
Hindi ko na siya sinagot, basta tumango na lang ako total naman ay huli na ko sa akto. Nakita na niya yung Facebook timeline ni Allen sa laptop na gamit ko.
"Tss, siya na naman..." Bulong niya, "Ilang taon mo na ba 'yang ini-stalk? Schoolmate mo 'yan diba? Bakit hanggang ngayon hindi ka parin niyan pinapansin?" Sunud-sunod niyang tanong.
"Two years na," simpleng sagot ko.
"And?" Tanong ulit niya ng ilang minuto na ay hindi ko parin sinasagot yung iba sa tanong niya.
"Oo schoolmate ko. Hindi niya ko pinapansin kasi...kasi h-hindi niya naman ako kilala," that's the truth. We're schoolmate but he never noticed my existence. Dahil stalker lang talaga ko ay natatakot akong lumapit sa kanya. Baka kasi hindi niya ko magustuhan kahit bilang kaibigan lang.
Friend ko siya sa facebook, oo. Pero hanggang doon lang yun. Never kong sinubukan na-imessage siya, hanggang like lang ako sa mga post niya.
"Alam mo bang pang 798 days ko ng stalker ngayon? Pero hindi ako nawawalan ng pag-asang mapapansin niya rin ako," today is March 08, 2017.
"Hay nako, Psyc. Wait 'til the right time come. Don't worry I'll make some move para mapansin ka niyang crush mo--o kaya--" he paused.
"O kaya ano?" Excited kong tanong.
"Or use your grandma's magic fan," he then winked.
Napaisip ako. Yung pamaypay ni Lola. Naikuwento ko kay Louie yung tungkol sa kung anong gamit noon. Ang sabi ni Lola makapangyarihan daw 'yon. Once na ipaypay iyon ng tatlong beses pataas sa taong gusto mo ay 100% mamahalin ka rin nito. At kapag ipinamaypay mo naman sa kanya ng tatlong beses pa-baba, mawawalan ng bisa ang kapangyarihan nito.
Natahimik ako at napaisip.
"Ano? Susubukan mo?" Hindi ko siya sinagot, kinuha ko yung pamaypay ni Lola sa baul na nasa bodega tsaka bumalik sa kwarto ko at inilagay sa bag.
"Tara, pasok na tayo baka ma-late pa tayo," sabay kaming pumapasok ni Louie every Wednesday-Friday, kahit na magkaiba kami ng school. Pareho namang pang 10am ang class namin.
"Haha, Psych. Kapag hindi gumana 'yan, baka sign na talaga na tigilan mo yang pagiging stalker mo," biro nito habang inililiko ang manibela ng sasakyan niya sa tapat ng pinapasukan kong Unibersidad.
"Sus, haha. Sabi ni Lola effective daw 'to e. But anyways, siguro nga dapat ko ng tigilan kapag hindi umubra 'to."
Agad akong napatago sa likod ng bulletin board ng nakita ko na makakasalubong ko si Allen. Yung tibok ng puso ko grabe ang bilis parang noong first time ko siyang makita sa simbahan. January 01, 2015, his beautiful eyes has this cold stare but it really caught my heart and attention. This also the first day I stalked him.
Everytime na makikita ko siya mas lumalakas at bumibilis pa lalo ang tibok ng puso ko. Ganito ang epekto niya sa akin.
Lunch break na at nandito na ako sa cafeteria, malapit sa usual place ni Allen tuwing kumakain. May plano kasi ako.