Prolouge

11 0 0
                                    

"Mahal na mahal kita.. Lahat kaya kong isakripisyo.. Maging buhay ko man.. Hanggang sa kabilang buhay mamahalin parin kita Jessica"

Wika ng lalakeng nasa panaginip ko.. Oo. Alam kong panaginip ito. Palagi kong napapanaginipan ang dalawang ito.. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makapagsalita.. Pinipilit kong gumising pero hindi ko magawa.

Punong puno ng mga dugo ang mga mukha at katawan nila dahil sa pagpapahirap sakanila.



"Mahal na mahal rin kita Jerome... Hindi yan magbabago"

Yan ang mga huli nilang salita bago sila binaril ng ilang beses.Tuluyan na silang naligo sa sarili nilang dugo at dahil sa magkalapit lang sila, naghalo ang kanilang dugo



Inilagay sila sa sako ng mga taong pumatay sakanila. Lima sila puro naka maskara ng itim. Ang isa ay babae. Tinapon sila sa kalapit na dagat at mabilisang tumakas.


Habang nakikita kong palayo ng palayo ang sako na pinaglagyan nila... Isang tinig ang narinig ko mula sa babae..


"hanggang sa muli nating pagkikita..."

Yan ang mga huling salita na narinig ko bago ako nagising.

Sanay nako sa panaginip ko nayun.. Pero nananatili paring tanong sa isip ko kung sino ba talaga ang dalawang yun? Bakit ko sila laging napapanaginipan at bakit sila walang awa-ng pinatay?

Nagsimula ang pananaginip ko mula noong mag 16 years old ako. 18 years old nako at halos tuwing linggo dalawang beses ko yung napapanaginipan... Nakakabahala lang na baka sa susunod hindi nako magising.

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

A/N:

Hi guys! So New story ko ito. Di ko na itutuloy yung My Beckie Boyfie since maraming silent readers at Walang masyadong nagbabasa so hopefully wala nang silent readers at Madami dami na ang magbasa. Hindi tulad ng ibang stories ko hindi nato KathNiel soooo yun. Enjoy!

Reincarnated Love Where stories live. Discover now