"Mama?" Niyakap ko agad siya. Bat siya umiiyak? Diba dapat pagbirthday Masaya dapat?
"Mama ayaw niyo po ba sa birthday ko?" Malungkot Kong tugon Kay mama. Agad naman siyang napatigil at tumingin sa akin.
"Wala lang anak. May naaalala lang si mama mo. Ok."
Lumaki ako na tuwing birthday ko ay umiiyak si mama. Pero nasanay na lang ako kasi lagi niyang sinasabi wala.
"Ano , Interesado ka?" Napatingin ako sa Bakla na nag alok sa akin ng Trabaho. Modelling daw.
Tinitigan ko kung gaano kalaki ang sahod. Kasya na din para sa mga gamit ko next Sem.
"Tawagan na lang kita. Ipapaalam ko pa Kay mama e."
Napanguso naman yung Bakla at hinawakan ang buhok ko na hanggang bewang.
"Tawagan mo ko ha. Maganda ka girl, May future ka sa pagmomodel!"
NATAPOS ko ang kolehiyo ko na walang hirap salamat sa kinikita ko sa pagmomodel. Maraming nagtangkang ligawan ako pero isa lang ang nakapasa sa akin. At siya ay si Luke. Anak ng Mayor sa amin.
"Ayan nanaman yung mga tingin sayo ng mga lalaki. Sarap suntukin e." Napairap ako ng agad niyang pinatong ang kamay niya sa balikat ko.
"Hayaan mo na lang."
"Ayoko. Gusto ko akin ka lang. At naaasar ako sa tingin nila sayo. Parang binabastos ka na!" Asar nito at binilisan ang lakad namin.
Napailing na lang ako. He's so possessive!
"Anyway, Magbabakasyon tayo sa Finchy Beach, And I know that's your favorite spot here"
Napasinghap ako. Agad ko siyang niyakap sa tuwa. Gustong gusto ko talaga pumunta doon kaso nga lang mahal masyado ang Entrance, at exclusive for Rich lang yun.
"Ilang araw tayo doon?" Excited Kong tanong.
"3 days" he smiled and kiss my Cheek.
Sumakay na kami sa kotse niya at bumyahe pauwi.
"Luke, Baka maaksidente tayo." Natawa naman siya at piniga ng kaunti ang kamay ko.
"Easy my Lady, Sanay na ako magdrive na isang kamay lang ang gamit" at kinindatan niya pa ako.
"At sino Sinong kamay ng babae naman ang hinahawakan mo?" Pataray Kong tanong dito. Napanguso naman siya.
"That was the time when Im in highschool. At alam mo naman pag gwapo, Pinagkakaguluhan ng mga babae. I'm just granting their wishes!"
Napasimangot naman ako at agad siyang kinurot sa kamay. Masyadong mayabang, But kidding aside Gwapo naman talaga siya, With his natural dark brown hair, Pointed nose and lastly his Deep ocean blue eyes. Idagdag mo pa ang Makisig nitong pangangatawan. Sinong Hindi magkakandarapa sa kanya diba?
Pagkarating namin sa bahay ay magaalas nuwebe na kaya nakaramdam agad ako ng pagod at antok.
"Goodnight." Hinalikan niya ang noo ko at Ngumiti ng matamis. Napahikab naman ako at kinamot kamot ang aking mata.
He chuckled at ginulo ang akong buhok.
"You're too cute, Cassidy. Stop doing that." Napanguso na lang ako.
"Sige na uwi ka na. Maaga pa tayo bukas." Pagpapaalala ko sa kanya. Agad naman siyang tumango.
"Goodnight." Ani ko sa kanya. Ngumiti muna siya sa akin bago hinalikan ako ng panandalian sa labi.
"I loveyou" Aniya at kinurot ang tungki ng akong ilong.
"Iloveyou too, Uwi ka na. Malayo layo pa ang condo mo."
Pagkaalis niya sa harap ko ay agad na akong pumasok sa loob. At naabutan ko na umiyak ulit si mama. Napabuntong hininga na lang ako.
"Sorry baby, please forgive me." Bulong nito habang yakap yakap ang unan.
Nahihirapan man ako intindihin pero hinayaan ko na lang siya. Salamat na lang at nandyan si tiya Isabel, Ang nagtayong mama ko ng mga panahon na nagkukulong na lang si mama sa kwarto niya at iyak ng iyak. Walang may alam Kung ano ang reason, Kahit si tiya ay di alam.
"Cass, Hija nandyan ka na pala. Abat kumain ka na"
"Tapos na po Tiya. Akyat na po ako ng kwarto." Paalam ko sa kanya.
"Sige. Matulog ka na ha. Wag ng magpuyat. " bilin niya sa akin.
Kay tiya Isabel ko binibigay Ang nagiging sahod ko sa Office bilang isang manager, Malaki laki naman ang sahod ko kaso nga lang nauubos sa gamot ni mama kaya di kami makaipon.
"Syempre ikaw pa! Papayagan ka talaga nun!" Sabi sa kabilang Linya ni Andrea.
"baliw to, Siguro nakita niya talaga na kailangan ko" narinig ko naman na nagtss siya. Naiimagine ko tuloy na umiirap irap siya at nakataas ang kilay.
"Ikaw lang talaga di nakakapansin na may gusto sayo ang boss natin!" Tili nito. Napalayo ko agad ang cellphone sa tenga ko sa lakas ng Boses niya.
"Kayo lang nagiisip niyan, Nagmamagandang loob lang si boss." Ani ko.
"Ewan ko sayo, Bruha. Sinasabi ko lang! Bahala ka nga. Bye na. Goodluck sa Vacation, Ayoko pa maging ninang Cassidy ha! Gaumamit ng Proteksyon!"
"Baliw ka talaga! Bye na!"
Agad Kong binaba ang tawag.
"O namumula ka dyan?"
"Ay proteksyon!" Napatakip ako sa bibig.
"Este, kailangan ko ng lotion,tama lotion! pangproteksyon sa araw!" Tuloy tuloy Kong sabi.
Kunot noo naman niya akong tiningan. Nagtataka siguro sa mga sinabi ko.
"Di pa tayo aalis?" Tanong ko dito. Doon naman siya natauhan at biglang ngumiti.
"Oo nga, Tara na. Baka gabihin tayo e." Sabi niya at kinuha ang mga bags ko at nilagay sa Compartment ng sasakyan.
Loko ka talaga, Andrea!
Habang papunta sa Beach, Bigla akong nakaramdam ng kaba. Parang may masamang mangyayari.