Prologue

7 0 0
                                    

Naaninag ko na ang taong papalapit sa akin. Si luke. Umiling iling na lang ako at naglakad ulit.

"Cassidy, sandali lang!"

Hindi ko siya pinansin at patuloy pa din sa paglalakad. I'm done with his Prank. Tama ba namang nagkukunyaring malunod at di na humihinga! Napasinghap ako ng may marahas na kamay ang humawak sa braso ko.

"Ano ba Luke tigilan mo muna ako. Di ka na nakakatuwa!" Sigaw ko sa kanya. But to my surprised Hindi mukha ni Luke ang nakita ko.

"Really? Carol? Katatapos mo lang sa hayop Kong best friend may bago ka nanaman!? At dito? Dito kayo nagtatago?! Ha!?"

Pulang pula ang mukha nito at kitang kita ang mga ugat niya sa noo. Nakakatakot din ang galit nitong hazelnut eyes. Napakagat ako ng labi ng maramdaman ang sobrang diin sa braso ko.

"Ano ba! Bitawan mo ako!" Nagpumiglas ako sa hawak niya.

"Magkano!? Magkano nanaman ngayon ang binayad sayo ha!? Three million? Four? Five!?"

Buti na lang at dumating na si Luke at agad na inilayo ako sa estrangherong lalaki.

"Anong ginagawa mo sa Girlfriend ko?" Napatingin ako Kay Luke. Kita ang galit at selos sa kanya.

Napatiim bagang naman yung lalaki at tumingin sa akin bago sa lalaki.

"Siya bago mo? E Bakla naman e!" Nagmura ng malakas si Luke bago siya sugurin. Ngunit bago pa lang makaabot sa pisngi ng lalaki ang kamao ni Luke ay nagsipulsutan ang ilang bodyguards. What the hell.

Sino ba siya!? At bakit yun yung mga sinasabi niya sa akin. Anong kagaguhan ito!

"Bitawan niyo ako mga gago! " sigaw ni Luke habang pilit na kumakawala sa kapit ng isang malaking bodyguard.

"Boss, Malikot masyado. Tuluyan ko na?" Asar na sabi nung bodyguard.  Tumango lang yung lalaki sa kanya at binalik ang tingin sa akin.

Nakita ko naman na naglabas ng baril yung may hawak Kay Luke at itinapat sa gilid ng ulo ni Luke. Napasinghap ako.

"Luke!" Nagaalalang sigaw ko.

"Sino ka ba ha!? Sino kayo!? Bat kayo nandito at ginugulo ako!" Sigaw ko sa lalaki. Tumawa lang siya ng malakas bago lumapit sa akin at inilapit ang kanyang sarili sa akin.

"Sorry my wife. Hindi tatalab sa akin yan. At ngayon nahanap na kita, Mamamatay muna ako bago ka makalayo ulit sa akin." He whisper and lick my Ear.

And I collapse.

Mr.Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon