Chapter 2👓

12 0 0
                                    

Hingal na hingal ako habang nagpapahinga ng konti sa labas ng magiging room ko. inayos ko muna ang buhok ko dahil medyo nagulo, nagpunas din ako ng pawis at inayos ang maluwang kong damit bago kumatok.

Tok! Tok! Tok!
*krik*

Good morning sir, sorry im late
sabay bow.

its okay ms...?

Montellano po sir...
sabay ngisi ko ng tipid

ah.. its okay Miss Montellano, please come inside.

Pumasok na nga ako sa loob ng magiging room ko. malaki ito at malinis, sunod kong tiningnan ang mga magiging classmate ko, sa mga itsura nila mahahalata mo talagang mga mayayaman sila at maaarte. Halos karamihan sa kanila ay magaganda at gwapo, may nakikita akong mga nakataas ang kilay sakin na pinapakitang ayaw at nadidiri sila sakin. hindi ko na lang sila pinansin.

ang iba ay nakikita kong nagtatawanan ang iba naman ay nagbubulungan tungkol sakin. hindi ko na lang ulit sila pinansin at hinintay na lamang ang hudyat ni sir na makakaupo na ako...

You can take your seat now ms. montellano. sabi ni sir.cov

Thankyou sir. sakto naman na may nakita akong mga bakanteng upuan sa pinaka dulong bahagi ng classroom, kaya doon ako dumiretso. naglalakad na ako ng may bumato sa akin ng crumpled na papel hindi naman sobrang sakit pero masakit parin kahit konti noh"

lumilingon lingon ako sa mga kaklase ko kung sino ang bumato pero hindi ko alam kung sino sa kanila ang bumato, maliban na lang sa isang grupo ng mga lalaki na nasa apat na lalaki na nagtatawanan. lahat naman sa mga kaklase ko ay nagtatawanan pero kakaiba ang grupong ito kung tumawa parang wala ng bukas, at nag ha- highfive pa silang apat. kaya malakas ang kutob ko na isa sa kanilang apat ang bumato sakin.

Tumingin sa akin ang isa sa kanila at ngumisi. yong ngisi ng nang aasar, inirapan ko na lang siya at umupo na lamang ako. gwapo sana sya eh, kung hindi lang mayabang.. tss!
nakinig na lang ako kay sir sa pagpapakilala niya...

So again good morning students i am Anton Cov  your teacher in english , call me sir.Cov. Since first day of school today. all of you are must introduce yourselves in front of  the class. para pair at wag magturuan kung sino ang mauuna. get 1/4 sheet of paper and right your name then pass it in front.

Ano ba naman tong si sir, ang daming pakulo sa buhay. may pa 1/4, 1/4 pang nalalaman, psshh... magpapakilala nanaman tuloy ako hayyysss!..,

at pagkakolekta nga ni sir.cov ng mga 1/4 na papel ay pumili na sya ng mag iintroduce, at ang una niyang nabunot ay yong mayabang na bumato ng papel sakin, paano ko nalaman? siya kasi yong tumayo nung tinawag ni sir.cov..' grabe lang yong mga classmate kong mga babae kung maka-tili , seguro hearthrob to ng school.

Mr.Quevas, please introduce yourself in front.'at  tumayo na nga yong lalaki at nagsimula na siyang magpakilala, matangkad ito na wari ko ay hanggang ilong niya lang ako, maputi rin siya, may pares ng brown na mga mata , malalantik na pilik, may matangos na ilong , mapupulang labi at perpektong panga..'

Im Kenjin Vin Quevas...

yun lang yon?' ang konti naman niya magpakilala pangalan lang tss...

kasunod naman na nabunot ni sir ay kaibigan din ng kenjin na yon, kaya tumayo na rin siya at pumunta sa unahan gwapo rin ang isang ito, una mong mapapansin sa kaniya ang wagas niyang pagngiti na parang ipinangangalandakan niya sa lahat na maganda ang mga ngipin niya at wala siyang bulok o sira sa mga ito, na wari'y endorser ng colgate ,maputi ang kutis, matangkad at ahemm.. nangangamoy playboy..'

Hi! Good morning , im Chaser Jhon torenueva , please to met you guys"

Mahahalata mo kay chaser na friendly siya sa pagngiti niya palang kaso nga lang playboy'

pagkatapos magpakilala ng iba naming mga kaklase sumunod  ang isa ulit na kaibigan ni kenjin at tinawag na siya ni sir cov para magpakilala ...

Mr. Narnia introduce yourself in front' at pumunta na nga sa harap yong lalaki'

I' am Levie Narnia and i HATE  noisy people..

pagkatapos niya magpakilala ay deritso siyang umupo. pansin ko sa isang ito na may pagkasuplado siya at pagkamasungit halata naman sa sinabi niya kanina "I hate noisy people"  ngunit hindi ko maitatanggi na gwapo rin ang isang ito, masungit nga lang.

sumunod na ring nagpakilala ang huli nilang kaibigan.

Hi guys. Im Heron Garson, it's nice to see you guys.

Sa kanilang apat ang isang ito ang wari kong palakaibigan, napansin ko yon sa kanyang awra. at gwapo rin siya, malakas rin ang kanyang appeal.

Naputol ako sa aking pag iisip dahil ako naman ang tinawag ni sir para magpakilala, sa ayaw ko man o sa  hindi,  kailangan ko nanaman pumunta sa unahan, hayssss...

Kinakabahan na nanginginig akong pumunta sa unahan. at nang sa wakas ay nasa unahan na nila ako, lahat ng kanilang pares ng mga mata ay nasa akin, na wari'y talagang inaabangan nila ako. may natatawa sa akin, may nagbubulungan at ang iba naman ay parang walang pakialam, inayos ko muna ang malaki kong salamin bago magpakilala.

nangangatal kong sabihin ang pangalan ko ... ah  I'Im J'Jucril Hope Montellano it's my pleasure to met you guys hehehe ...

pagkatapos kong magpakilala, agad akong pumunta sa upuan ko, hindi ko na lang pinansin ang mga tumatawa sa akin. at ng tapos na lahat magpakilala, nagsimula na si sir cov magdiscuss .

******
Recess na kaya nagligpit na ako ng gamit ko para pumunta sa cafeteria , palabas na sana ako ng pinto ng may biglang tumawag sa akin,"

Jucril !

Lumingon ako para malaman kong sino ang tumawag sakin, classmate ko pala ang tumawag sakin,"

Jucril right? ang tanong niya sakin, ah oo bakit mo ako tinatawag? ang tanong ko sa kaniya.  Im shania Dallia , masaya niyang sinabi at inextend ang kamay niya, syempre kinamayan ko rin siya,"

ahm ' jucril pwede bang sabay tayong kumain? wala pa kasi akong friends dito eh, mahiya niyang sabi. Oo naman wala rin naman akong kasabay eh, masaya kong tugon.

masayahin si shania, makikita mo talaga sa kanya na iba siya sa iba naming mga kaklase, hindi sya namamlastic . nakikita ko yon sa mga mata niya."

Talaga? OMG! friend na kita jucril ah? okay lang ba? masaya niyang sabi, Oo naman ayos na ayos sakin yon, akala ko nga wala akong magiging friend dito dahil puros mayayaman ang studyante dito sa TU giit ko."

Mali ka jucril. hindi naman lahat ng mayayaman snob or mataray, ibahin mo ako sa kanila. tsaka ikaw yong napili kong maging friend dahil nafifeel ko sayo na totoo ko. masaya niyang sinabi."

Salamat naman kong ganon. oh sya tara na sa cafeteria nagugutom na ako eh, di pa kasi ako kumakain , ang sabi ko"

Same! di rin ako kumain sa bahay eh, excited kasi ako pumasok, hahaha ani shania"

at pumunta na nga kami ni shania sa cafeteria, medyo malayo pa ang cafeteria ng school dahil sa kabilang building pa ito. kaya mahaba- habang lakarin pa ang lalakarin namin ni shania."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 10, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Vengeance of the NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon