Four: February 07 2304

0 0 0
                                    


Ngayon ang araw na dadalaw ang mga tauhan ng Magnolia palace ayun sa nakasulat sa letter na pinadala nila tatlong araw na ang nakakalipas.

"Maayos na ba ang suot ko, Mikohi?" tanong ko sa kanya na kasalukuyang nakaupo sa kama namin.

'Oo naman. Bagay sayo ang damit mo.' sagot niya

"Tara labas na tayo."

Gumayak na kami sa salas at naabutan kong nag-aayos si mama ng ilang kagamitan. Kita sa kanyang mukha ang halo halong emosyon. Nilapitan ko siya at niyakap.

"Ma, ayos ka lang?" tanong ko
"Oo naman, anak. Bakit mo naman natanong?"
"Ahm, wala lang:)"

Bumitaw si mama sa yakap at hinarap ako.

"Tandaan mo, Rinko, na kahit anong gawin mo, proud si mama sayo:)"

Tumango lamang ako bilang sagot. Simula noong araw na malaman namin na hindi ako ordinaryong tao, na may kakayahan ako, ay naging supportive and protective sila mama sakin. Pinuno nila ako ng pagmamahal at ibinigay lahat ng pangangailangan ko. Bagay na bumusog sakin sa apat na taong pasan ang sekreto na ang pamilya lang namin ang nakakaalam.

Hindi ako nag-iisang anak lamang. Meron akong kuya at ate. Magkakasundo naman kami at walang nagbago sa trato nila sakin simula ang pinaka araw na malaman naming 'water bender' ako.

Oo, tama. 'Water bender' o 'Water mermaid' ang tawag sakin ng pamilya ko. Dahil na rin sa kakayahan kong manipulahin ang elemento ng tubig. Noong una ay natakot ako para sa sarili ko at sa pamilya ko. Pero nang malaman nila ang tungkol sa kakayahan ko ay hindi man lang sila natakot o lumayo man lang, ang ginawa pa nga nila ay araw araw akong sinailalim sa tinatawag nilang 'Water skill training.'

Sa training nayun ay lalo pang nagkalapit ang pamilya namin. Kasama na rin si Mikohi na nakita ko sa kakahuyan sa likod bahay namin.

Sa araw na to ay masasabi kong kontrolado ko na ng maayos ang paggamit ng kapangyarihan ko. Apat na taon akong sinanay ng pamilya ko. Pero sa araw na rin na ito ay nanatiling sekreto pa rin ang pagiging 'water mermaid' ko.

'Masarap ang pagkain,'

Nabalik lang ako sa ulirat nang sumabat si Mikohi at ginulo ang utak ko.

"Kukunin ko lang ma yung pagkain:)" paalam ko.

Tinungo ko na ang kusina kasunod ang dragon na nanggugulo ng utak. Naghanda pala ng cookies si mama. Makatikim nga ng isa:D

Pagbalik ko sa sala ay nilapag ko na agad ang pagkaing nakuha ko sa kusina at bago ko lang napansin na may kausap pala si mama sa may pinto.

Lalaki lang ang nakita ko na nakasuot ng . . . jacket ata na may mga balahibo. . . mainit kaya sa Pilipinas!

"Anak," tawag ni mama at sumenyas sakin gamit ang ulo niya

"Good day, young girl. You must be Rinko Sanggin." sabi nung lalaki
"Uh, yes it's me. How can I help you?"
"I'm Sabame Lukén from Spania and I'm here to form a full paragraph from the . . . Magnolia Palace:)"

World OfficersWhere stories live. Discover now