Ito na yun. Dito na magsisimula ang lahat. Sa pagtapak ko ng aking mga paa sa magarang karwahe na ito, magsisimula na ang aking paglalakbay patungo sa pag-alam at pamamalakad ko sa sinilangan kong mundo."Mag-iingat ka doon, Rinko." maiyak iyak na sabi ni mama
"Opo, ma. Mag-ingat din po kayo dito. Babalikan ko po kayo. Pangako:)" pamamaalam ko rinNiyakap ko si mama at nakisali na rin sila kuya at ate. Kahapon pala, pumunta kami sa sementeryo at dinalaw namin si papa. Nagpaalam ako kay papa na pupunta ako sa isang lugar na wala pang kasiguraduhan..
"Mag-iingat ka doon, kapatid. Gumawa ka ng maraming kaibigan doon para hindi ka malungkot at ma-bore:)" paalam ni ate
"Opo,"
"Teka nga pala, Rinko . . ."
"Po, kuya?"
"Nasan yung bubwit mong alaga?"Speaking of bubwit . . . Oo nga pala! Muntik ko na makalimutan si Mikohi!
'Tsk, don't you dare forget me.' sabi ng isang tinig sa likod ko
At dun sa taas ng bubong ng karwahe, nakatayo ang isang dragon na naka buka ang di kalakihang pakpak. Kita sa dilaw niyang mga mata ang pagkainis.
"Di naman eh, kung san san ka lang talaga lumulusot." palusot ko
'Hmp,' yan na lang ang sinabi niya at pumasok na sa loob ng karwahe.
"Mauna na po kami, ma. Mag-iingat po kayo lagi dito ah. Miss ko na po kayo agad," di ako iiyak
"Tsk, OA mo." sabi ni kuya at nag-iwas ng tingin
"Sige na, anak. Sumakay ka na at baka mahuli kayo sa pupuntahan niyo."
At sa huling pagkakataon nandirito ako, nagyakap kaming magpamilya.
Sa pagkahiwalay namin, di ko alam kung ano ba dapat ang una kong isipin. Ano ba dapat ang una kong maramdaman. At ano ba dapat ang una kong pagbigyang pansin.
Maglalakbay ako sa isang lugar na pinangarap kong puntahan ngunit walang kasiguraduhan.
At sa pagliban ko sa bayan na ito . . . ano ang mga nakahandang susunod na mangyayari sakin . . .
Hindi ko alam . . . wala akong alam . . .
Sa paglisan ko sa aming bayan . . . ilang mga katulad ko pa ang makikilala ko?
Magpapahinga muna ako kahit di pa naman ako dinadalaw ng antok . . .
YOU ARE READING
World Officers
FantasyIt's a story about humans with extraordinary skills which is not available to other human. They were chosen to be a part of the world and to attain World Peace.