Part 1 Facebook Friend Request

29 2 0
                                    

Nasa hallway si Zac kasama ang mga kaibigan niya para pag-usapan ang nalalapit na programming competition nang may grupo ng mga guro ang naglalakad palapit sa kanila. Sa isip niya parang papuntang cafeteria ang mga ito to take their lunch.

Isa sa mga babaeng kasama ng grupo ang napansin niya. Maamo ang mukha, maputi, mataas ang buhok at sa palagay niya first year pa sa university dahil batang-bata pa ang mukha kung titingnan.

"Good morning sirs, maams", bati ng mga kaibigan ni Zac habang siya ay nakangiting tiningnan ang mga guro.

"Ganda ni maam Deb!", narinig niyang sabi ni Kim habang palayo ang mga guro.
"Oh nga eh, minsan nga tulala ako sa klase niya kakatitig sa kanya", sabi naman ni Bart.
"Di pa ako na under kay maam Deb, magaling daw sa machine learning si maam", ani Paul.

Nakikinig lang si Zac sa pinag-uusapan ng grupo. Mag-iisang taon na din siya sa university as transferee, pero parang di niya napansin ang pinag-uusapan nilang si maam Deb. Inakala pa niyang estudyante ito.

Talaga din namang maganda ang guro. Katamtaman ang laki ng pangangatawan, tantiya niya nasa 5 ft lang ang tangkad pero kung titingnan matangkad siyang babae. Marahil dahil 'yon sa long legs niya.

Balak niya sana itanong ang complete name ng pinangunahan siya ni Paul.

"Anong complete name ni maam?".

"Why are you asking, Paul?", tanong ni .

"Wala, gusto ko lang malaman. E-a-add ko sa facebook".

"Asa ka pang e-confirm ka ni maam", sabi ni Bart sabay tawa.

"Kaya nga! Give me the name, i mean the complete name, para malaman natin kung mag'co-confirm ba si ma'am".

Napapatawa si Zac sa pinag-uusapan nila.

"Debby Jane Alcantara!", pasigaw na sagot ni Bart.

"So, ano na? Kelan ang practice?", sabat ni Zac.

Napagkasunduan ng grupo na mamayang gabi na agad sa bahay nina Zac.

~o0o~

Habang hinihintay ang members ng group kumuha siya ng makakain sa fridge at naupo sa kanyang study table. Sa left side nga table ay ang laptop niyang almost one week ng walang tulog dahil sa ginagawa niyang software program.

Naisip niyang e'shutdown muna ng makita niya ang pulang notification sa facebook account niya.

Nang tiningnan niya ito agad siyang na disappoint dahil nakitang game app request lang naman pala.

Sa inis niya'y itinuon niya ang mouse pointer sa close control nga facebook window. Saktong na click niya ito saka niya naalala si maam Deb.

Muli niya en-activate ang browser niya pati ang facebook account niya.

"Wala naman siguro masama kung tingnan ko profile ni maam", natatawang sabi niya sa isip.

Muli ay dismayado si Zac sa pagkakita ng search results. There are hundreds of fb accounts named somewhat like Debby Alcantara. Panigurado dadating na ang mga friends niya ay di pa niya mahahanap ang real account ni maam.

Instead of checking each profile, he refreshed his account's newsfeed to get updates of his friends' posts. There he saw one of his professors named Daniella posted about a new update of mobile phones. He clicked her profile and navigated to her friends list to find Debby Alcantara.

Bigla siyang kinabahan ng makita niya ang naka ngiting profile picture ni maam Deb. He viewed her profile but to his dismay, he slapped the laptop's screen upon finding all her posts and photos were restricted to only friends. :-\

He was checking every detail of Debby's face by hovering the mouse pointer into the image when someone from outside the house shouted his name, and that triggered his hand to chill and accidentally clicked the "add friend" option.

Being anxious of what he did, he clicked once again the option to cancel the request when again a shout from outside was heard.

"Ano ba, ang iingay n'yo!", galit na sabi ni Zac pagkabukas niya ng pinto.

"Where were you? Tagal masyado pre, kanina pa kami dito ah", ani Paul.

"Pasok na!", sabi ni Zac.

Binalikan nya ang laptop niya to check if na cancel ang request. Nagulat siya ng makitang di nya pala na click kanina. Kaya muli niya pinindot ang option pero di lang maka-isa kundi maraming beses.

Mas nagulat siya ng mapansin niyang wala na ang option at unti-unting lumulutang ang mga posts ni Debby.

"Oh my...!!! Nakakahiya!", sigaw ni Zac.

Napatingin sa kanya ang mga kaibigan.

~o0o~



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 25, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Untitled RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon