C1: First Day of School

55 4 13
                                    


Someone's Pov

Unang araw ng klase ngayon sa Stanford University. Nakatatawa talagang pagmasdan ang mga estudyante naririto, lalong-lalo na ang PREMIER SECTION.

Masayang-masaya ang mga estudyanteng naririto ngunit hindi ako kasama doon. Napaka-laki ng kasalanan ng mga estudyanteng naririto lalong-lalo na yang lintek na PREMIER SECTION na yan.

Wala silang kaalam-alam na ang inaakala nilang masayang school year ay magiging isang kalbaryo at bangungot sa mga buhay nila na madadala nila hanggang impyerno, kung saan nababagay ang mga hayop at mga gagong katulad nila.

Angelo's Pov

First day of school ngayon, naglalakad na ako sa may hallway papuntang room. Naka-salubong ko si Lyssa.

"Hi, Lyssa! Good Morning! Tara, sabay na tayo," sabi ko sa kanya

"Hello, Angelo! Good Morning din. Sige sabay na tayo na-miss din kita e HAHAHA" sagot naman niya.

Sabay kaming naglakad. Pumunta kami sa may canteen at nag ikot-ikot muna kami tutal hindi pa naman time tyaka na-miss ko rin itong babae na to lalo na ung kakulitan nito haha.

Kwentuhan dito.

Kwentuhan doon ng hanggang....

KRIIIINGGGG!

Tiningnan ko ung relo ko, 7:20 am na pala. 10 minutes na lang start na ng klase namin.

Naglakad na kami papuntang classroom.

Papasok na kami ni Lyssa sa room ng makita namin sila Shane, Mark at Patricia.

"Hey guys! Good Morning!" bati ko sa kanilang tatlo.

"Yowww," tanging nasabi ni Lyssa.

"Good Morning din sa inyo" sabi nilang tatlo.

Agad na kaming naglakad at pumasok sa room. Umupo kami malapit sa dulo. Hindi naman kasi puwedeng sa harapan, masyado kaming matangkad at gwapo and maganda lols.

Wala pa si Ma'am Agatha Torres.

Puro kwentuhan at tawanan lang ang maririnig mo sa apat na sulok ng room.

Nakikinig lang ako sa music ng tablet ko. Hays, puro kwentuhan about sa bakasyon ang maririnig mo. Nakakasawa.

~ after 30 minutes ~

May naririnig kaming tunog ng heels. Tuloy-tuloy sa paglakad hanggang may bumungad sa amin ang isang maganda at sexy na teacher. Pumunta siya sa harapan at nagpakilala. Psh, kilala na nga namin sya e.

Gate of GehennaWhere stories live. Discover now