C6: First Three Students to Kill

28 2 9
                                    

Daisy's Pov

Pagka-upo namin ay agad hinanap ng mga mata ko si Gelo, may kailangan kasi siyang malaman o baka may makuha kaming mga impormasyon sa kanya. Simula kasi ng elementary ay dito na siya nag-aral.

Agad ko siyang hinanap at nakita ko naman siya.

"Angelo, may alam ka ba tungkol sa eskwelahan na ito? I mean ung sikreto ng school lalo na ung sa section natin? Ang alam ko lang kasi ung kay Ate Regina at Kuya Clinford," tanong ko sa kanya

"Sorry pero kahit ako walang alam tungkol sa eskwelahan. Siguro mamayang lunch pumunta tayo ng library baka may makuha tayong impormasyon," sagot niya sa akin

Nag-uusap pa kami at nag-iisip ng paraan para may malaman kami about sa history ng school na ito ng mahagip ng mata ko sila Lyssa, Patricia at Mark.

"Oy hi! Anong ginagawa niyo diyan? Pwedeng maki-sali?" tatawa-tawang tanong ni Patricia.

"Ahm sge pero seryoso tong pinag-uusapan namin ah?"

"Ok haha"

Nag-usap lang kami ng maisipan ko siyang tanungin tungkol sa nakaraan ng eskwelahan pati na rin yung room namin.

"Pat?"

"Oh?"

"May alam ka pa bang sikreto ng school pwera pa dun kila Ate Regina?"

"Sad to say wala na"

Gate of GehennaWhere stories live. Discover now