Sorry ngayon lang continuation. Busy eh hahaha:>
-----
Pinaharurot nya ang sasakyan para mabilis na makarating sa opisina ni Joshua sa Alabang.
Nang makarating ay agad na tinawagan ni Jacob ang kaibigan para pumunta sa parking lot, di kalayuan sa opisina nito.
"Tol, anong meron?" Tanong ni Joshua nang makita si Jacob na nakasandal sa pintuan ng kotse nito.
Lumapit si Jacob, salubong ang mga kilay.
"Na'san 'yong Nathan?!"
Bahagyang napaatras si Josh, nagulat sya. Ramdam nya ang galit sa boses ng kaibigan at sa tingin nya, kahit anong oras kaya nitong manapak.
"Teka Jacob. Wag dito." hinarang pa nito ang magkabilang kamay.
Pero parang walang narinig si Jacob, binunggo pa nito si Josh, na parang may susugurin.
"Jacob, pare." Pigil ni Josh. "Hindi ko pa nakikita si Nathan ngayong araw. Hindi ako sigurado kung pumasok sya."
Natigilan si Jacob sa narinig at hinarap si Josh. "Tawagan mo 'yong gagong Nathan nayon! Sabihin mong nandito ang asawa ng babae nya!"
"Jacob, umuwi ka muna. Huwag kang gumawa ng gulo dito."
Sinusubukang kalmahin ni Josh ang kaibigan. Mahirap itong awatin pag galit, lalo na kapag ang asawa nito ang pinaguusapan.
"Hindi ako uuwi! Alam mo ba kung anong nagawa ko kay Quin dahil lang sa pesteng lalaking yon!?"
"Tsk. Hindi ko alam Jacob. Pero hindi talaga ako sigurado kung pumasok si--" natigilan si Josh.
Nahagip kasi ng mata nya si Nathan na naglalakad sa parking lot di kalayuan sa kinatatayuan nila, may kasama itong babae.
Napayuko si Josh. Hindi nya alam kung sasabihin nya sa kaibigan na nasa lugar ding iyon ang hinahanap nya. Kahit papano ay ayaw ny ring masaktan ang empleyado.
"Bakit?" Nagtatkang tanong ni Jacob nang mapansin biglang nanahimik si Josh.
Huminga ng malalim si Josh. Alam nyang kailangan nyang gawin ito. Dahan dahan syang tumingin sa direksyon ni Nathan. Sumunod ng tingin si Jacob.
"Putangina!"
Hindi man sigurado, pero parang kilala na nya kung sino ang tinitignan ng kaibigan. Mabilis nitong nilapitan ang pakay, nanginginig ang kamay sa sobrang galit.
Wala ng ibang nagawa si Josh kundi ang sumunod nalang habang kinakamot ang batok nito. Alam nyang gulo ang mangyayari dito.
"Ikaw ba si Nathan?" Pasigaw na tanong ni Jacob ng makalapit ito sa pwesto nila Nathan.
Napa-oo nalang ang binata kahit na ang totoo ay nagtataka ito kung bakit sya kilala ng taong kaharap nya.
"Tangina mo!"
Kasunod ng sigaw na yon, ay isang malakas na sapak galing kay Jacob.
Napahiga si Nathan sa simento, sapo sapo ang gilid ng labi nito na kasalukuyang magdudugo.
"Jacob!" Sigaw ni josh mula sa likod. Agad nitong inawat ang kaibigan.
"Oh my god! Nathan!" Sigaw naman ng kasamang babae ni Nathan.
Lumuhod ito at hinimas himas ang mukha ng binata. "A-are you alright?"
"Jacob, tama na" pag-awat ni Josh.
Pero nagpupumiglas padin si Jacob, mumhang hindi sapat sakanya ang isang sapak lang. Pilit nitong pinagsisipa ang nakahigang si Nathan. Todo hila naman si Josh kay Jacob.
"SIRAULO KA!" Bulyaw ni Jacob. "LAYUAN MO ANG ASAWA KO! KUNG HINDI, DI LANG YAN MATATANGGAP MO! MAGHANAP KA NG SARILI MONG BABAE! WAG KANG MANIRA NG PAMILYA!"
"How dare you do that to Nathan! Sino ka ba ha?!"
Napatingin ang magkaibigang Jacob at Joshua sa sumigaw na babae.
Paregas na natigilan ang dalawa, lalo na si Jacob. Nanlaki ang mata nito sa nakita.
'Yong babaeng nakaluhod sa tabi ni Nathan, kamukhang kamukha ang asawa nyang si Quin. Ang kutis, ang lapad ng katawan, ang kulay at haba ng buhok, pati ang ibang mga facial features nito, katulad na katulad kay Quin.
Nakaramdam ng panghihina si Jacob, hindi nya nagustuhan ang konklusyong nabuo sa isip nya.
Gulat rin sa nakita, bahagyang nilapitan ni josh ang babae.
"T-teka? Ikaw bayung kasamang babae ni Nathan sa Alabang few weeks ago?" Tanong nito. Tila kinakabahan sa maaaring sagot ng dalaga.
"MALAMANG?! Meron pa ba dapat iba?! Im his fiance! Now can you tell me what's happening?!" Sigaw ng dalaga, habang haplos haplos ang nagdudugong labi ni Nathan.
Napako si Kacob sa kinatatayuan. Pakiramdam nya binuhusan sya ng nagyeyelong tubig.
Nalipat ang tingin nya sa kaibigang si Josh, tila ba naghihintay ng paliwanag nito.
Pinatong ni Josh ang kanyang kamay sa balikat ni Jacob. Nagipon muna ito ng lakas ng loob bago magsalita. "S-sorry Jacob, akala ko sya si Quin. Magkamukha kasi sila. S-sorry"
------
TO BE CONTINUED MUNA HAHAHA :> LOVELOTS! MWA~
YOU ARE READING
Second Chance For The Both Of Us
RomanceSHORT SAD LOVESTORY -- NAGING BROKEN ANG AUTHOR KAYA NAGAWA NYA TO. YUN LANG K HAHAHA