--------
"Shit!" Hinampas ni jacob ang manibela ng sasakyan nya.
Sa dinami rami ng araw ba naman kasi na pwedeng magtraffic, bakit ngayon pa kung kelan nagmamadali sya para sunduin ang asawa nya.
Oo, alam na nya. Inumaga na sya ng uwi kanina, at laking gulat nya nang walang Quin na sumalubong sa kanya. Hinanap nya ito sa buong bahay, wala. Nang buksan nya ang closet ng asawa, tsaka nya lang napagtantong naglayas ito. Karamihan kasi ng mga damit nito ay wala na sa closet.
Alam na nya agad kung san tumuloy ang misis. Isang tao lang naman kasi ang lagi nitong pinupuntahan sa mga ganitong pangyayari, ang kanyang kambal, si King. Galit na galit si jacob. Para sa kanya, si Quin na nga ang unang nagloko, sya pa ang may ganang mag alsa-balutan.
"Damn-it!" Hinagis ni jacob ang cellphone nya. Kanina nya pa kinokontak ang numero ni Quin at ang kambal nitong si King pero parehas na walang sumasagot.
Sa bigat ng traffic sa edsa, halos dalawang oras din bago nakatungtong si Jacob sa makati, kung san nakatira si King.
Nang makarating sa tapat ng bahay nila, ay mabilis na bumaba si Jacob ng kotse at sunod sunod na na pinindot ang doorbell.
"Nasaan si Quin!? Alam kong nandito sya! Iuuwi ko na sya!" Madiin na saad ni Jacob nang pagbuksan sya ng gate ni King.
"Aba'y gago ka pala eh!" Sigaw ni king at sinuntok sa panga si jacob dahilan ng pagkatumba nito.
"Hoy jacob, wag kang magiskandalo dito. Ang aga aga nagwawala ka. Nasa teritoryo kita kaya umayos ka!" Sigaw ulit ni king kay jacob na halatang nagpipigil muli na suntukin si jacob.
Bumangon si jacob at pinunasan ang dugo sa labi nito sa pagkakalakas ng pagkasapak ni king dito.
"I dont care" sabi nalang ni jacob at dere deretsong pumasok sa bahay ni king upang kaladkarin pauwi ang asawa.
Hinarangan agad ni king ang pintuan kung nasaan si Quin.
"Hindi sasama sayo ang kapatid ko. Pag katapos mo syang kunin samin tatratuhin mo lang na parang basura si Quin? Tangina mo pala eh" kalmang sabi ni king ngunit halata mo sa boses nito ang pagkainis.
"Wag kang makialam sa away naming magasawa!" Sigaw ni jacob kay king.
Ngunit hindi natinag si king. Bagkus ay sumagot pa ito.
"Ako ang kambal at pamilya ni Quin kaya may karapatan akong makialam sa away--" nahinto ang pagsagot ni king dahil lumabas ng kwarto si Quin.
"Twin! Bakit ka lumabas? Diba sabi ko wag na wag kang lalabas? Tigas talaga ng ulo mo!" Sabi ni King sakanyang kambal.
"Quinhaley halika na umuwi na tayo" at kinaladkad ni jacob si quin.
"Hoy Jacob! Wag mong kaladkarin ang kapatid ko!" Angil ni King habang hinihigit pabalik ang kambal nya.
"Its okay kuya." Kinalma ni quin si king sa pamamagitan ng paghawak sa kamay nito.
"Sasama na ako sa kanya twin. Babalikan ko nalang mga damit ko some other time"
"W-what? Are y-you sure? Sasama ka sa kanya?"
"Oh cmon King! Of course she's sure! Im her husband after all" singit ni jacob.
"Hindi ikaw ang kausap ko. Wag na wag mong sasaktan ang kapatid ko ulit. Dahil kung hindi, hinding hindi ako magdadalawang isip na ako mismo maglalayo kay quin sayo." Banta ni king sa asawa ng kanyang kambal.
YOU ARE READING
Second Chance For The Both Of Us
RomanceSHORT SAD LOVESTORY -- NAGING BROKEN ANG AUTHOR KAYA NAGAWA NYA TO. YUN LANG K HAHAHA