Faith Bautista's Point of View
“I love you Babe..” malambing na bati sa akin ni Andrei. Boyfriend ko. 5 years na kaming mag-kasintahan at kasalukuyang nasa fourth year college kami pareho sa parehong kursong Accountancy.
Sanay na rin ako sa kanya, tuwing umaga pagkagising niya ay tinatawagan niya ako para lang magsabing 'I Love You Babe'.
Ganyan din siya tuwing magkasama kami, bago siya umuwi, bago siya matulog, ay tatawag siya para lang magsabi ng I Love You... Bagay na hinding-hindi ko makakalimutan at pagsasawaan sa kanya... Bagay na pipilitin kong dalhin sa kabilang buhay...“Babe may problema ba?” nag-aalalang tanong niya. Hindi ko man lang namalayan ang pag-bagsak ng mga luha ko.
“H-Ha?.. Wala..” nakangiting sagot ko at saka tumayo.
“Tara na Babe.. Kailangan na nating umuwi, may pasok pa tayo bukas..” nakangiting usal ko. Agad rin siyang tumayo at umakbay sa akin. Ang totoo ay maaga pa naman dahil nine a.m. pa ang first class namin, pero kailangan ko kasing magpa check-up. Oo may sakit ako... Hindi ito alam ni Andrei, wala na akong balak pang sabihin. Tina-ni-ngan na ako ng ng doktor last six months na meron nalang daw akong seven months, so from now I only have a month to live.
Nung una ay hindi pa ako naniniwala dahil wala namang nakapag-didikta kung hanggang saan ang buhay ng tao.
But months later, nararamdaman ko na ang unti-unting panghihina ng katawan ko.
Every thursday ay hindi ako pumapasok dahil nagpapa-chemo theraphy ako. I have stage four cancer...luekemnia.
***
Pagkatapos akong ihatid ni Andrei sa bahay ay agad akong nagbihis dahil araw ngayon ng theraphy. Pagkatapos ko magbihis ay agad kaming pumunta sa ospital ni mommy.“Alam na ba niya..” pag-basag ni mommy sa katahimikan. Batid kong si Andrei ang tinutukoy niya.
“Ayaw ko na pong malaman niya..” usal ko na ikinatahimik niya. Pagkatapos ng ilang minuto ay nakarating na rin agad kami sa ospital. Agad kaming pumunta sa opisina ni Dr. Jayvee Acosta. Doktor ko.
“Hija, kailangan mo na talaga magpa-confine... Dahil kung hindi ay tuluyan na maghihina ang katawan mo... Pumapasok ka pa ba?” tanong niya.
“Yes, Dok..” nakatungong sagot ko.
“Hindi ba't sinabi ko na wag ka nang pumasok dahil kapag pinagpatuloy mo yan mas lalong mang-hihina ang katawan mo..” paliwanag niya.
“Eh, Dok sayang naman po kasi malapit na po ako mag-graduate..” sabu ko sa nagmamakaawang tono.
Napabuntong hininga nalang siya at saka nag-iwas ng tingin.
“Bibigyan kita ng bagong gamot, take this every 8 hrs.” paghahabilin niya. Kinuha ko nalang agad ang riseta na ibinigay niya.
“Salamat po..” sambit ko at agad na tumayo. Agad kaming lumabas ng kaniyang opisina dahil kailangan pa namin bumili ng gamot na ineriseta sa akin ni Dok.
Pagdating ko sa bahay ay agad akong umakyat sa kwarto ko at nagpalit. Pagkatapos ay inilabas ko ang cellphone ko at saka nag-record.
Recording**
Hi babe, kagagaling ko lang ngayon kay Dok Jayvee. May ibinigay na naman siya sa aking gamot. Mahal na mahal kita babe p-pag wala na ako aalagaan mo lagi yang sarili mo ha? Wag kang magpapagutom...wag magpapa-ambon baka magkasakit ka... Pagpatuloy mo pangarap natin... sayang noh? Hindi na ako makakasama sa graduation natin... Nanghihina na rin kasi ako eh, hindi ko lang sinasabi kay mommy at daddy pero alam kong malapit nang matapos ang misyon ko sa mundo. Sorry talaga babe kasi naglihim ako sayo, hindi ko na sinabi kasi alam kong mag-aalala ka hehe I Love You Very Very Very much babe, tandaan mo yan ha? I will always love you... Thank you babe for the five years, four months, and twenty four days that is full of love you've given to me, that was the best gift I received from you. I Love You.
Muah.
**toot**