Kristle POV.
Pagkagising ko tumayo kaagad ako kasi baka malate nanaman ako
"Hay!!"Sabay hikab
Naligo na ako at nagsipilyo para maka alis na
Hindi na ako kakain kasi nagyaya si Karen atsaka Mia na kumain sa labas yung mga kaibigan ko
"Mom alis na ako"Pagpapaalam ko kay mom
"Hindi ka pa kumakain ah"
"Nagyaya kasi sila Karen na kumain sa labas kasi daw minsan nalang daw kami magsama sama"
"Ah okay ingat ka ha bye"
"Sige mom alis na ako bye love you"
Naglakad na ako papunta sa garahe namin para kunin yung kotse ko
Pagkarating ko duon may nakita ako biglang ahas na naka pulupot sa puno agad akong tumakbo papunta sa bahay
"Mom may ahas duon oh"Mangiyak ngiyak kong sabi kay mom
"Saan?Kuya Erick!"Pumunta kaagad si kuya Erick sa harap ni mom
"Bakit po maam may problema ba?"
Nagtatakang tanong ni kuya Erick kay mom tapos tumingin saakin"Ano kasi kuya may ahas sa garahe sa may puno ng mangga"
"Samahan mo nga ako kung saan ba yun"Lumabas ako at sinundan naman ako ni kuya erick at mom
Itinuro ko king saan ko nakita yung ahas tapos nilapitan naman ni kuya erick at sinaksak
"Ay!!"Nagulat kami ni mom sa ginawa ni kuya erick sa ahas.Grabe ang tapang ni kuya Erick
"Sanay na ako sa ganito kasi sa probinsya namin maraming ahas kaya marunong akong mang patay ng mga ahas"
Grabe binuhat yun ni kuya Erick siguro mga ilang kilo rin yun kasi ang taba eh tapos green nakakatakot mahaba pa nilagay niya sa plastic yun at itinapon sa kanal na sobrang lalim duon sa malayo saamin
Pagkarating namin sa bahay nanginginig parin ako sa takot kahit na alam kong patay na yun
Malay mo maraming ganun dito sa bakuran namin
Ayoko na nun baka sa susunod na makakita pa ako ng ahas baka mahimatay na ako sa takot
Pumunta na ako sa garahe para makaalis na
Anong ora palang naman eh 4:05 palang nagising kasi ako 3:30 kaya maaga akong makakaalis dahil kakain pa kami nila Mia
Pagkasakay ko sa kotse ko nagpatugtog ako ng paburito kong kanta ng Got 7 yung If You Do
Nag drive na ako papunta sa Star Bucks para puntahan sila Mia at Karen
Tinawagan ko na rin sila para makasigurong nanduon na sila baka kasi mamaya paghintayin nila ako ng mag-isa duon
Pagkarating ko duon nakita ko kaagad sila
"Bhe nanjaan na si Kristle"Rinig kong sabi ni Mia kay Karen
Nilapitan ko silang dalawa tapos nakipag beso ako
"Kamusta na ang tagal na nating hindi nag kikita kita ah namiss ko kayo guys"
"Okay naman ang dami nga ng mga Projects kaya minsan nalang tayo mag kita kita,ikaw kamusta na siguro naman nakahanap ka na ng ipapalit mo sa Steve na yun"
"Hindi ko na muna iniisip yung pag-ibig pag-ibig na yan masasaktan lang naman ako"
"Okay yan gusto mo eh,nga pala may bf na ako si Mark"Masayang sabi ni Mia saamin
BINABASA MO ANG
Ang boyfriend kong artista
Novela JuvenilPaano kung ang isang artista ay magkagusto sa isang babaeng mayaman,matalino,mabait?