Chapter 6

747 25 1
                                    

The Three Playboys and Miss Piggy
Chapter 6

Ara's P.O.V.

Nagising ako dahil may naramdaman akong parang basa. Pagtingin ko si Kuya Renz! Binuhusan niya ako ng malamig na tubig! Grrrr!!! Nakakainis sya! He's so urgh! Sheda!

Bumangon na ako para sugudin sya. Pwede naman niya ako gisingin ng maayos no? Gosh.

"Hmmp!!! Kuya naman! At bakit mo ako binuhusan ng malamig na tubig?! Kainis ka naman! Ang ganda ganda ng tulog ko ehh!! Tapos binasa mo pa ako! Isusumbong nga kita kay mommy! Urghh! Buset!" Sigaw ko. Kay gandang bungad pisti!

"Eh kasi Arangtot, 'pag hindi pa kita binuhusan ng malamig na tubig 'di ka pa diyan gigising!" natatawang sabi niya.

"Tse! Kainis ka talaga kahit kelan! Basa tuloy si hello kitty baby ko! Sobrang bait mo! Tss." sigaw ko sa kanya.

"Bangon ka na kasi dyan little sis, ma-lalate ka na. Ayy ma-lalate na pala tayo. Dali! Bangon na para hindi naman ako malate sa first day ko sa Hartford Academy.  Sana madaming chicks doon. Makikinis ang legs. Basta! Yong hindi tulad ng legs mo! Eww!" Sabi nya sa akin. Tss. Kung alam mo lang kuya. Napakadami doon. Isa na ako. Charot!

"Huuwhaaaat?!! Lilipat ka H.A.?! Sino nag sabi sayong doon ka mag-aaral? Huh! At bakit ngayon mo lang sinabi sa akin?! Ikaw kuya nakakainis kana! Nagtatampo ako sa'yo ngayon. Di tayo bati hmmmp!" Ayaw ko siyang kasama! Ampanget kaya don, andaming bully tapos dadagdag pa siya.

"Oh edi huwag! Di ko sasagutin yong mga tanong mo! At dyan kana aalis na ako 7:45 na din kasi ehh. Bye baby sister I love youuuu!" Sabi ni kuya sabay alis sa kwarto ko.

At anong sabi nya?! Huwaaaat?! 7:50 na 8:00 'yong class namin.

Binilisan ko ng maligo. Naglagay na ako ng powder tapos 'di na ako nakapagsuklay.

Pag baba ko nakita ko si manang Nelly kumakain.

"Good morning manang Nelly!." bati ko kay manang.

"Good morning din anak. Ito 'yong pagkain mo ohh(sabay abot ng box) nilagay ko na iyong pagkain mo diyan para 'di ka na malate sa eskwela mo. Ingat ka ha? Mag-aral mabuti okay?" sabi ni manang sa akin.

"Thank you po manang. Sige po alis na ako. I love you po nang!" sabi ko tapos umalis na.

Pumunta na ako sa garage. Mag kokotse nalang ako para mabilis. Ano pa bang pinagbago?

"Hi manong Alex! Pwede po ba pahatid sa school late na po kasi ako ehh. Pleaseeeee. Pakibilisan na rin po ang pag-ddrive pero mag-ingat po. Thank you!" sabi ko kay manong Alex sabay sakay sa loob ng kotse.

"May magagawa pa ba ako ma'am Ara? Eh nakasakay na kayo eh. Hihi!" sabi ni manong Alex. Malapit lang naman yung H. A. dito eh.

5 minutes later!

"Ahmm, maam nandito na po tayo." Sabi ni manong Alex sakin kaya agad akong lumabas.

"Sige po ingat po kayo sa byahe! Salamat po!" sabi ko sa kanila.

Pumunta na ako sa room. Mabuti naman at wala pa 'yong teacher namin. Hay salamat hindi pa ako late. Gosh. Kung late ako neto ibilad ako sa araw or baka naman paglinisin ng corridor isang buwan.

May mga iba't ibang mundo yung mga classmates ko. May nag chichismisan, may nagbabatuhan ng papel, may mga nag memake- up, may mga nagbabasa ng libro, may mga nag hahabulan, at ibat iba pa. Ano pa ba?, Ganyan naman ang high school, masaya, nang unti? Para sa akin.

"Andiyan na si Maaaaam!!!" Sigaw nung isa kong classmate kaya itong mga classmates ko nagtransform. Inayos nila 'yong mga upuan nila sa pwesto, at inayos nila 'yong sarili nila para hindi pagalitan ni maam. Nakakatawa lang kasi ganito rin kami sa Australia.

The Three Playboys And Ms. PiggyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon