Chapter 18

585 21 7
                                    

The Three Playboys and Miss Piggy
Chapter 18

Ara' s P. O. V.

*bell rings

Habang inaayos ko ang mga books ko, dumating sila Ana. Sabay kasi kaming magbabarkada ngayong Science Class kasi nabago na ng schedule and teacher namin. Pinaghalo ang class one sa class two kaya same ang room namin.

"Ara, sorry hindi kami makakasabay mamaya sa uwian ha? May lakad kasi kami ni mommy." Pagpapaalam ni Ana habang naglalakad kami papuntang room.

"Ahh, okay. Sayang naman kasi may dare pa sana ako sa inyo. Exciting sana, kaso may lakad ka." Sabi ko at nginitian siya.

"Sorry talaga Ara, maybe tomorrow matutuloy tayo. Kasi si Val, they have a family meeting today also kaya hindi rin makakapunta. Tomorrow talaga, we promise." Sabi nito at niyakap ako.

"Hays. Okay. Aasahan ko yan ha?" Sabi ko at nagpatuloy na kami sa paglalakad.

"Oh? Bakit Zy? Masakit ba ang suntok ng Andrei na yon?" Pang-aasar ni Ana kay Zy.

"Tss. Hindi ko naman kasi inaasahan yong suntok niya. Dapat nagpaalam muna siya bago sumuntok sa napakagwapo kong mukha.." Sabi ng loko at napasimangot.

"Ikaw nga sinuntok mo rin ng walang paalam e. Binawian ka lang gaya nga ng sinabi ko kanina." Asar ko sakanya.

"Hays, love talaga." Sabi nito at umaastang nagtatampo.

"Ewan ko sa iyo Zy Mendes, matampuhing loko to." Sabi ni Val at nagtawanan kami.

"Tss. Pake niyo ba? Bakit, nasaan ang mga jowa niyo at nangingi-alam kayo sa life namin." Sabi ni Zy at nagtataray na naman.

Bading ata itong boyfriend ko e.

"Tss. Ewan namin sa mga yon, nagbababad na naman." Sabi ni Ana at nagkabit-balikat.

"Tss. Quiet na, mamaya nasermunan pa tayo ng matandang ito." Sabi ni Val at nanahimik na nga kami.

•••

After an hour, natapos rin ang science class. May gagawin kaming experiment, mabuti ay kasama ko si Grace. Btw, wala si Grace ngayon. Absent daw sabi nila Maundy, yong bagong kasama ni Grace. Madalang na namin siyang kasama, silang dalawa ni James. Nagtatampo nga ako sa kanya kasi she never told me na mayroon na siyang new friends, nalaman nalang namin nong lagi namin silang nakikita.

Okay, back to the topic. So ayon kasama ko si Grace sa grupo pati na rin si James at dalawa naming classmate. Gagawa kami ng experiment, kaya magpapasama ko kay Zy na bumili ng mga kailangan.

"Love,."

"Hmm?" tanging sagot ko.

"Nothing." loko talaga itong boypren kong to.

"Sus. Tara na nga." Pag-aayos ko at naglakad na kami papuntang parking lot. Naiilang akong sumakay kasi nakamotor siya ngayon tapos nakapalda ako. Hays. Okay lang yan Ara, di naman lilipad ng bonggang bongga yang palda mo e. Isinuot ko na ang helmet para safe.

Sumakay na ako at kumapit sakanya.

"Tss. Love, why don't you hug me?" naku po, nagtanong pa siya e nahihiya nga ako e.

"Don't be shy, para ka namang others." sabi nito at tumawa, niyakap ko siya para hindi ako mahulog. Ay, nahulog na pala ako sa kanya.

After five minutes, nakarating na rin kami. Nag-park na kami at naglakad papuntang National Bookstore. Nang makarating kami ay agad ko ng hinahanap ang mga kakailanganin namin. Bumili rin ako ng bagong release na mga libro. At pagkatapos ay uuwi na kami.

Habang nasa daan kami, napansin kong iba ang way na tinahak ni Zy. San mo ako dadalhin Zy? Tanong ko sa aking isip. Hinayaan ko nalang siya kasi may tiwala naman ako sakanya, malay mo unti nalang gas niya.

After three minutes nakarating na rin kami. Nagulat ako dahil dinala niya sa may tabi ng dagat. Sobrang hangin dito, at sobrang dami ng tao, isama mo pa ang mga titig nila.

Ang daming mga foodcart dito. Mga barbeques, palamig, fruit shakes, qwek qwek, and my all time favorite, calamares. Madami pang iba!

"I'm sure you're already hungry that's why I drove you here." he said. Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Ikaw talaga, diet ako e." Bulong ko sakanya habang nakayakap, pero tumawa lang siya.

"Haha! Come on love, ngayon lang naman e. At para na rin mabawasan iyang stress mo, sa akin."

"Sus. Tara na nga." Sabi ko at namili na ng makakain.

Sa totoo lang, dito rin sana balak kong i-dare sila Ana and Val, alam ko kasing they don't eat isaw and yong parang chocolate na inihaw. Basta, hindi ko alam tawag don e, at saka mukha namang chocolate kaya chocolate na inihaw, it's so good kaya! Tapos I also love fried chicken's liver, it tastes good lalo na isawsaw  mo sa sauce na may suka. I've been craving all these for a week haha! The best boyfriend talaga!

"Love, do you eat chicken intestine?" Tanong ko kay Zy.

"Hmm, nope love. Ayaw ko niyan." He explained.

"What? Then bakit mo ako dito dinala?" Tanong ko sakanya.

"Okay, okay. I'll try."

"Go lovie! I love you!" Cheer ko sakanya. Sumawsaw niya sa suka and then kinain niya.

"Ano? Masarap ba?" Tanong ko.

"Hmm. Y-yes. Yes."

"I told you! Gusto mo ng fried isaw? Or fried chicken skin nalang?" Tanong ko sakanya.

"Kahit ano love." Sabi niya kaya bumili nalang kami ng kung ano ano.

"Wow! Love! There's tempura here!" Sabi ko sakanya.

I bought two for me and for him.

"Hmm, okay. I'll eat this." Sabi niya at parang nanginginig ang loko.

Bumili kami ng iba pa at saka naglakad lakad sa tabing dagat. Napakasarap ng simoy ng hangin. Para bang nakalutang ka. Tapos napakaganda pa ng sunset. Super ganda.

"Love, ang ganda ng sunset." I told him.

"You're like a sunset." Tipid na sabi nito. Kinilig naman ako.

"Let me take a picture of you love. If you want." He suggest.

Gosh. I'm so blessed to have him as my boyfriend. I pray that we'll last until the end of my life.

"Okay love. I love you!" I said to him and hug him tightly.

After how many shots, tapos na. I also took a picture of him with the sunset. Balak na sana naming umalis ng biglang May nagtanong sa amin.

"Hello po! Gusto niyo po bang picturan ko kayo?" Tanong ng isang guy.

Blessing. Thank you Lord.

"Yeah! That's great!" Sabi ko naman at ibinigay ang phone ko.

"You're a perfect couple. Sana all ganyan kaswerte." Sabi ni kuya.

"No kuya, hindi kami swerte. We're blessed." Sabi ni Zy kay kuya.

•••

7:00 na siguro ng makarating ako sa bahay. Stressful day pero napakaganda ng ending. Hays. I'm so blessed.

•••

Hephep! Hooray! New Update! Thank you for reading loves!

-ajjjjaaaaa

The Three Playboys And Ms. PiggyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon