Circle of Love (One Shot)

542 30 20
                                    

One of the most amazing feelings in the world is having someone fall in love with you who you thought you never had a chance with. But in Audrey's case, paano kung biglang mapurnada?

Nagmamadali ako sa paglalakad palabas. Ginabi na ko sa pagre-research dahil sa term paper namin. Kaya naman halos liparin ko na ang pasilyong kanugnog ng library.

Malapit na ako sa main gate ilang hakbang na lang. When I turned to my right side, 'blaggg!' bumangga lang naman ako sa pader.

Anak ng tinapa naman oh. Sabagay anak ka naman talaga ng mag titinapa Audrey. Kung mamalasin ka nga nanan. Sa dinami-dami ng araw na pwedeng malasin bakit ngayon pa? Kung kailan naman ako nagmamadali?

Hinihimas ko ang mukha kong nasaktan habang pinupulot ang nalaglag na aklat. Aray huh.. Tumabingi na yata ang mukha ko. Sa lakas ba naman ng pakikipag daupang palad ko sa pader este daupang mukha pala ang mas tamang term sa nangyari sakin. Kung hindi ba naman kasi tanga ang pader eh hindi sinabing mababangga pala ako. Tama bang sisihin daw ang pader?

"Hey! Miss, are you okay?"

Napa tuwid ako ng tayo sa pagkakayoko ng marinig ko ang boritonong boses na yon. Handa na sana akong mamilosopo sa nagtanong. Itanong ba daw kung okay lang ako, of course I'm not okay, for pete's sake. Try niya din kayang ibangga ang sarili niya sa pader para malaman niya, bwisit! Hindi ko alam kung nang-aasar na siya o ano.

Kaya lang bigla akong napipi ng mapagpantay ang mga paningin namin. Sheeettt na malagkit! Goodness gracious! Ang gawapo! Tili ng isip ko. Kalaglag panty. Syempre joke lang yon, makalaglag panga lang. Hehe. Great, just great may nakakita pa sa kaengotan ko at ang mamang napakagwapo pa. Masimple kong kinapa ang waist line ko upang siguraduhing hindi lumuwag ang garter ng underwear ko.

Oo, tanga na ako kung tanga dahil ginawa ko talaga yun. Aba malay ko ba kung lumuwag talaga pala garter mahirap na baka malaglag, nakadress pa naman ako.

"Miss, ayos ka lang?"

Ulit niya ng hindi ko magawang tumugon agad. Paano makakasagot ang lola niyo kung tulaley siya sa biyayang bigay ng nasa itaas para sa mga kabaabaihan? Nganga na lang ang peg ko.

Tila ako nabato-balani sa lalakeng nasa harapan ko. Nakatitig lang ako dito. Hindi ko magawang kumurap man lang baka kasi kapag ginawa ko iyon bigla nalang itong maglaho.

Napalunok ako kasabay ng pasimpleng pag punas ko ng panyo sa bibig ko. Mahirap na baka tumutulo na pala laway ko. Mabuti na ang sure di ba? Ang dyahe yun.

"Yes, I'm okay. Thanks"

Sa wakas nagawa ko ring makapagsalita. Gusto kong palakpakan ang sarili ko dahil hindi ako nautal at tuwid na nakapag salita.

"Here. Nalaglag mo kanina"

Iniabot nito sakin ang notebook ko. Akala ko naman kung ano na. Siguro kasama kong tumilapon kanina.

"By the way, my name's Dave. What's yours?"

Nakangiti siya sakin habang nakalahad ang kanang kamay niya. Hindi ko alam kung bakit ko nasabi ang pangalan ko gayong ito yong unang beses na nakita ko siya that I don't usually do. Siguro dahil sa ngiti niyang nakakahalina at sa mga matang napaka ganda plus mukha namang sincere ito sa pagpapakilala.

Circle of Love (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon