1.2

1.1K 9 0
                                    

Hindi ko ipagkakaila na may mga bumabagabag din naman sa aking isipan. Nang ika'y dumating sa aking buhay, mayroon akong kasintahan na ilang taon ko ding nakasama. Mayroon ka din namang nobyo. Pero dahil sa hindi pa lubos ang nadarama, kaibigan lang ang turing sa isa't-isa. Gayunpaman, di naglaon, ika'y umalis din ng bansa at ginamit ang iyong tinapos na propesyon. Sa pagpapatuloy ng ating kanya-kanyang buhay maraming napag-uusapan at mayroong mga planong hinimay na nang panahon. Hindi natigil ang ating binuong relasyon kahit na tayo'y malayo sa isa't-isa. Ika'y aking naging sandalan sa tuwing mayroon akong hinanakit sa mga bagay-bagay sa mundo. Sa dami ng nangyari sa aking buhay, sayo ko lahat unang sinasabi ang mga saya, lungkot, at sakit na aking dinaranas.

Ako'y lubos na nagpapasalamat dahil andito ka sa mga panahon na kailangan ko ng kausap, ng matalik na kaibigan, ng taong makakaintindi sa akin. Ikaw ang andiyan para sa akin. Kahit na nagkaroon ako ng pansamantalang kasintahan sa malayo, at ng taong nagugustuhan at inakalang mahal ko talaga. Ikaw ang taong nagsabing panandalian lamang ang aking nadarama dahil sa lungkot at pangungulila. Ikaw lamang ang taong nagbigay sa akin ng makabuluhan na realisasyon sa sitwasyong aking pinasukan. Ikaw ang nagmulat sa aking mga mata. Tama ka. Kahit naman ibinaling ko sa ibang tao ang aking damdamin, ni minsan ay hindi nawala ang aking nadarama para sa iyo. Minsan mang natabunan, pero ni minsan ay hindi nawala.

Madalas kong naiisip ang sinasabi ng aking mga ibang kaibigan, tungkol sayo. At ngiti ang lumalarawan sa aking mga labi. Bakit hindi? Baka sakali, na sa lahat ng aking mali, ikaw ang maging tama. Buong buhay ko, hinangad ko ang pagmamahal na tunay at buo at walang pag-aalinlangan. Pilit kong hinahanap sa mga taong ginagamit ang aking kahinaan, ang magmahal at mahalin. Sa halip, sa bandang huli ako pa rin ang naiwang luhaan, hanggang ngayon. Nuong dumating ang araw na sinabi mong mahal mo ako, hindi ako nagdalawang isip na sumagot naaayon sa aking nararamdaman. Maaaring akala mo, 'i love you too' lang ng isang kaibigan. Pero hindi, taos sa kaibuturan ang aking sinabing mahal din kita. Siguro sa iyo wala lang yon, pero sa akin malaking bagay ang mga katagang yon.Mga katagang nais kong marinig mismo sa iyong mga labi. Pero malabo na atang mangyari ang aking pinapangarap lalo na't may pinaglalaanan ka na ng iyong pagmamahal.

BAKA SAKALIWhere stories live. Discover now