Umuwi akong naka PE uniform , nanlalamig pero ramdam ko ang init ng katawan ko. Nakakaloka! Magkakasakit pa yata ako.
Naabutan kong may inaayos si tita na idedeliver.
"Oh mabuti naman at nandito na, ikaw na mag deliver nito dun sa mayamang matanda na suki natin , bilisan mo ah dahil pagkatapos nyan tutulungan mo pa akong magluto" sabay abot sakin ng noodles na nakahanda na.
"Opo tita" kahit masakit ang katawan ko at masama ang pakiramdam ko kailangan ko paring gawin ang inuutos ni tita dahil wala rin naman akong choice kundi sumunod."Ingatan mo yan ah ayoko ng tatanga tanga ka na naman.!" Pahabol nya.
Papaalis palang ako ng siya namang pagdating ng pinsan ko.
"Hi mommy, muahh" kiss sa pisngi.
"Oh kumusta ang first day ng anak ko? Pawis na pawis ka ah sabi ko nmn kc sau wag mong kakalimutang maglagay ng panyo sa likod ayan oh basang basa ka bka mamaya magkasakit ka nyan anak."
"Mommy ok lang ako. Saka isa pa hnd maganda yung araw ko sa school na yun e. Ayoko ko dun nangangamoy bulok na kc e.. E mommy gusto kong lumipat ng school pls"
"Saan naman gusto mo?"
"Dun sa pinapasukan ni liana plssss mommy."
Umalis na ako bago ko pa man marinig ang sagot ni tita. Alam ko naman kasi na hnd nya matitiis ang anak nya kya lahat ng hinihingi nito ay binibigay niya.
Bigla kong naalala si mama,namimis ko yung mga panahon na magkasama kami at kung pano kami maglambingan. Namimis ko yung mga panahon na inaalagaan niya ako sa twing nagkakasakit ako.
Sa kakaisip ko kay mama hnd ko namalayan nandito na pala ako sa tapat ng bahay ng matandang mayaman.
Si Madam Chen kilala siya bilang isa sa pinakamayaman sa bansa ngunit masungit at nakakatakot, maraming na akong nalalaman tungkol sa kanya, isang syang chairman ng sarili nilang kumpanya hnd lang dito sa pilipinas kundi pati sa ibang bansa.Sa sobrang laki ng mansion nila tlgang maliligaw ka tlga kung sakaling makapasok kaman sa loob. Hnd ko nga alam kung nagkikita kita paba lahat ng taong nakatira jan.
Pagkatapos kong ihatid yung order ay hnd na muna ako dumeretso ng bahay. Nagpunta ako sa isang park kung saan madalas namin puntahan ni mama noong mga panahon na mgkasama pa kami.
Marami kaming alaala dito sa park, dito ko rin nakitang umiyak si mama ng araw na yun kaming dalawa lang ang tao non. Ang dami nyang sinabi sakin nun litanya ng namamaalam, at hndi ko inaasahan na pagkatapos ng araw na yun ay bigla nya akong dinala sa bahay ni tita sandra at inihabilin. Hnd rin ako makapaniwala na yung araw na yun ang magiging huli naming pagkikita.
Flashback 5yrs ago.
"Oh ano anak malakas na ba yan?"tanong sakin ni mama habang sakay ako sa duyan.
"Opo ma ang sarap po ng hangin, ang lakas" sagot ko kay mama.Maya maya pa tumigil siya sa pagtulak ng duyan at nakita kong may tumutulong luha sa mga mata niya.
"Ma, bakit po kayo umiiyak?"
"Wala anak, masaya lang ako, masaya ako kasi magkasama tayo"
"Diba hnd po dapat kayo umiiyak kc masaya kayo e bakit po kayo ganyan?"
"Anak tandaan mo (hinawakan ni mama ang magkabilang pisngi ko) mahal na mahal kita, at kahit magkahiwalay man tayong dalwa mahal na mahal parin kita. Wag mong kalimutan si mama ah"
"Bakit po mama san po kayo pupunta. Hindi nyo naman po ako iiwan dba? Mahal na mahal ko po kayo" pati ako di ko na rin napigilan ang hnd umiyak.
"Anak, tandaan mo ang ssabihin ni mama, wag mong hahayaan na makita ka ng ibang tao na umiiyak dahil iisipin nila na mahina ka, at pagsasamantalahan ka nila. Sasamantalahin nila ang kahinaan mo. Ang gusto ko, maging malakas ka at ipakita mo na kahit wala ako sa tabi mo kaya mong ipagtanggol ang sarili mo , ayokong nakikita kang nahihirapan anak" tuloy parin sa pagiyak si mama.
"Mama bakit po kayo nagsasalita ng ganyan?"
"Lian mangako ka sakin magiging malakas ka ah
At kahit wala ako sa tabi mo para gabayan ka gusto kong tuparin mo ang mga pangarap mo para sakin"Niyakap ko si mama ng mahigpit na mahigpit at saka ko siya sinagot.
"Promise po mama hnd ako iiyak sa harap ng ibang tao, at pipilitin kong maging malakas at tutuparin ko ang mga pangarap ko para magkasama ulit tayo, mahal na mahal po kita"Nag iyakan kaming dalawa.
End of flashback:
"Kringggggg,krrriinngggg"
"Hello po tita"
"Nasaan kana bang bata ka, dapat kanina kapa nakauwi! Nasaan kna ba?" Yung halos mabasag ang eardrum ko sa lakas ng sigaw nya sa kabilang linya.
"Pauwi na po tita"
"Siguraduhin mo lang na nakauwi kna bago pa kita tawagan ulit. Kagit kailan tlga ang tigas ng ulo mong bata ka! Umuwi kana dito marami ka pang gagawin".
"Opo tita uuwi na---"
Binaba na nya ang phone ng hnd pa ako natatapos magsalita.
Nakatulog pala ako, tiningan ko ang cellphone ko halos dalawang oras na pala akong wala sa bahay , nakarami narin ng missed call si tita. Kaya pala galit na galit na naman siya.
Sa totoo lang palagi naman, minsan nga hnd ko maintindihan bakit ang init ng dugo sakin ni tita kahit nman wala akong ginwang kapalpakan lagi parin nya akong pinagtataasan ng boses.Tatayo na sana ako ng mapansin ko na may jacket na nakatakip saking katawan.
"Kanino kaya to? Ang bait naman nya, mukhang mamahalin pati tong jacket niya. Kanino nga kaya to?."
Tiningnan ko ang buong paligid wala naman akong nakikitang ibang tao, at hnd ko namamalayan nakangiti na pala ako. Inamoy ko yung jacket niya infairness ang bango ah.
Bago ako umalis nag iwan ako ng notes sa inupuan ko. Baka sakaling bumalik siya.
"Hi, hndi ko alam kung sino ka but thank you sa pagpapahiram mo sakin ng jacket mo, and dont worry iingatan ko to hanggang sa magkaroon ako ng pagkakataon na maibalik ko to sayo.
- Liana
Kahit kabado ako nakangiti parin ako habang pauwi ng bahay.

BINABASA MO ANG
Can This Be Love? (Ongoing)
Romance"Im afraid of falling inlove with someone who cant love me back, but i cant help myself from falling inlove with him" -Liana