Chapterbels 30: Courtside Insecurities

9.6K 126 23
                                    

Chapterbels 30: Courtside Insecurities

Eren’s POV

Ang tagal namang dumating nun. Grabe. Malalate na ako sa first subject ko, ganun ba talaga pag may kotse laging in-time sa pagpasok? Dahil lang may kotse dapat saktong 9:30 ang pasok? Ang outlook ko kasi sa buhay, dapat lagi kang ON-TIME, para mas madami kang nagagawa at—

“Eren.” Napalingon ako sa tumawag saken. At ayieee, si Trex nga ito, ang pogi naman niya ngayon. Magkano kaya mga damit nito? Ang gara eh.

“Trex!” ngisi ko dito. “Grabe kanina pa ako naghihintay sayo. Bagal mong kumilos.” Sabi ko.

“Sinabi ko bang maghintay ka?” nakalagay pa yung kamay niya sa bulsa at may malaki siyang bag. Ang alam ko nandyan lahat ng damit na gamit niya pang-practice.

“Wala. Pero kasi pinapabigay toh sayo ng nanay ko.” Inabot ko sa kanya yung ginawa ng nanay ko. Kinuwento ko kasi si Trex kay Nanay at sobrang natuwa siya sa kanya, ayan ginawan siya ng pack lunch.

“S-Saken?” turo nito sa sarili niya.

“Oo! Sayo toh, nakwento ko kasi sa nanay ko na nilibre kita sa turo-turo. Nakakahiya daw saken at—“

“Oo naman noh, nakakahiya talaga. Naikwento mo rin ba na ako din ang nagbayad? Kasi ang kapal ng mukha mong magkwento na nanlibre ka pero ako din yung nagbayad.” Poker face niyang sabi.

“HAHAHAHA. Oo, kumpleto yung kwento ko. Basta nahiya yung nanay ko dahil sa ginawa ko at—“

“Oo dapat ka talagang mahiya.”

(=_____=)#

“Oo na, kailangang paulit-ulit? Shunga-ers na ako okay fine.” Inabot ko sa kanya yung binalot. “Special yan ah! Adobong manok yan! Nagkatay pa ang tatay ko ng native chicken para sayo!” pagyayabang ko.

Tinignan niya yung balutan, may dahon pa nga iyon ng saging para fresh. XD

“Salamat ah. Sige,sabay ulit tayong maglunch halata naman na gusto mo din tumikim nito eh. Kulang nalang maglaway ka.” Hinampas ko naman siya agad dahil sa sinabi niya.

“HAHAHAHAHAHA. Oo gusto ko talaga! Minsan lang kami magkatay ng manok noh! Tuwing pasko lang! Umayos ka!” naglakad na kami sa hallway habang nagkukwentuhan pa ng mga sinabi ng nanay at tatay ko tungkol sa kanya.

Natapos ang klase ko ng maayos. As usual, utusan ako ng mga profs sa kung saan-saan. Eh yung feeling major na Physics teacher ko eh may pinabitbit saken na box papunta sa Chem Lab. Jusko, halos manhid na braso ko sa sobrang bigat ng dala ko.

Still A GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon