Chapterbels 52: Realizations

8.1K 143 51
                                    

Chapterbels 52: Realizations

Macy's POV

Hellooooo sembreak. Ahhh. Ang saya naman ng sembreak ko. Walang kahit anong pag-aalala. Tipong everything is in the right place... well uhh, maliban nalang siguro kay Amber na ngayon ay hindi ko alam kung saan pumunta. Ang sabi ni Trex, she took off siguro gusto munang mapag-isa.

"Ano ba, ayaw mo pa kasing sundan. Dun na kayo mag-honeymoon! Push niyo na ang Ambrex babies! Go!" etong si Peyton, magsa-suggest nalang yung wala pang kwenta.

Kaming Team Ambrex lang ang nandito. Namely Peyton, Henry, Arki, Dave and me. Syempre si Trex na may-ari ng bahay.

"Eh kung ikaw buntisin ko dyan? Dami mong alam." tsaka hinampas ng dyaryo si Macy sa ulo. "Hayaan niyo na si Amber. She needs time to heal." dagdag pa ni Trex.

"Tama. Tama yan." sabat ni Arki. Oo, pansin niyo? Nawala na alitan nila ni Trex? Aww. Cousin loveee.

"Tangna moArki. Bat ka ba nandito? Ang FC mo talaga." tsaka inirapan ni Trex si Arki. Well the thing is, sobrang tsundere talaga nitong si Trex pagdating kay Arki.

Nakilala ko si Arki while Trex and the rest of the Varsity are having their training noon sa US. Yung kakasagot palang ni Amber kay Kris? In OTP sense, noong lumubog ang barko ko. Doon ko siya nakilala. Naghost kasi ang mom ko ng dinner at kasama siya noon. Nalaman ko first cousin siya ni Trex at interested siya sa babaeng gusto nito.

Habang tumagal mukhang napasama na din siya sa mga trip namin. At nagkakasundo talaga sila ni Henry. Siguro dahil parehong laki sa States.

"Kuya! I'm home na!" dumiretcho agad si Cleo sa table kung saan lahat kami nakaupo. "Grabe Kuya, Joffer's Mom and Dad is so baet. Bet nila ako." masayang kwento samin ni Cleo.

Nakita naming pumasok din si Joffer. Kasama niya ang buong Varsity. Nahuli siya dahil siguro nag park ng kotse. Tumingin siya sa aming lahat at ngumiti. "Yo. Mukhang perfect attendance na naman tayo ah." nag high five silang lahat sa amin.

"Hindi perfect kasi wala si Amber." malungkot na sabi ni Oliver. "Tara na Trex, sundan na natin si Amber." sabi pa niya.

"Hindi nga natin pwedeng gawin yun. Tanga mo eh. Hayaan mo na lang siya. Uuwi din yun."

"At sana maging okay na siya 'pag uwi niya." sabay sabay naming sagot sa sinabi ni Trex.

(O_____O)

Nagkatinginan kaming lahat dahil pare-parehas yung nasabi namin pero agad din kaming napahagalpak ng tawa. Siguro nga lahat kami worried para kay Amber.

***

Buong araw kaming na kina Trex. Ang saya. Unofficial headquarters na siguro namin ang bahay nila. Ang sarap kasing magluto ng maid nila. Nasa harap kami ng bahay ngayon. Hinatid ako ni Dave. Pinakahuli kaming umalis sa bahay nila Trex.

Still A GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon