Chapter 7

1K 27 3
                                    

Natagpuan ko naman sina Lovely at Stephen sa isang kweba ngunit lubhang sugatan si Lovely.

"Stephen! Anong nangyari sa inyo?" Pagtatanong ko sa kanilang dalawa. Abala naman sa paghahanap ng mapapainom kay Lovely si Stephen. Nakita ko na lamang na sugatan at mayroong dugo na dumadaloy sa kaliwang noo ni Lovely, kaya naman agad akong lumapit sa kanya.


"Lovely!" Naghanap naman ako ng mga gamot sa aking bag na pwedeng mailagay sa noo niyang dumudugo at pinahiga ko ang kanyang ulo sa aking mga hita.

"Kasabay ng iyong pagkawala ay mayroong mga rabisu na umatake sa amin." Sabi sa akin ni Stephen, habang abala pa rin siyang naghahalo ng halamang gamot na maiinom ni Lovely.

"Ano ang mga rabisu?" Pagtatanong ko naman. Ngayon ko lamang ito narinig at kung pakikinggan mo pa lamang ay nakakapanindig balahibo na.

"Isa itong dark creature na alaga ng mga darkainians." Sagot naman ni Stephen, kaya naman simula sa aking binti hangang sa aking mga braso ay naramdaman ako ang paninindig ng aking mga balahibo.

"Sa libro lamang namin nakikita ko ang mga nilalang na iyon ngunit nang makita at makalaban ko sila kanina ay para bang nanghina agad ang aking mga katawan at parang mabilis na naubos ang aking enerhiya." Dagdag pa niya sa kanyang sinabi.

"Nasaan sila kuya JC?" Pagtatanong ko naman.


"Hi-hindi ko alam, lahat kami ay nagkahiwalay dahil bawat isa sa amin ay mayroong kinakalaban na rabisu." Natapos na ni Stephen ang gamot na hinalo niya kanina, kaya naman pinaupo ko muna si Lovely at ipinainom ko sa kanya ang gamot na hinalo ni Stephen.

Pagkatapos kong mapainom sa kanya ang gamot ay namangha ako sa aking nakita dahil nakita ko na nawala ang ilan sa mga galos at sugat sa katawan ng aking kaibigan.


"Pansamantala lamang iyong gamot na pinainom ko sa kanya, nakatulong lamang ang gamot upang mawala ang kanyang ibang mga sugat at matigil o mabawasan ang lason na kumakalat sa kanyang katawan." Tumango naman ako bilang pagsagot habang pinipigilan ang mga luha na gustong kumawala sa aking mga mata. Alalang-alala ako kay Lovely dahil tumama daw ang kanyang ulo sa bato dahil sa malakas na mahika na itinapon sa kanya ng mga rabisu.


"Sa pagkakaalam ko kanina ay mayroong 10 na mga rabisu kami na kalaban." Sabi sa akin ni Stephen. Nakita ko naman ang ilang mga sugat at galos sa kanyabg katawan, kaya naman kumuha ako ng healing candy sa aking bag at pinakain ko ito sa kanya.


Nagpasalamat naman sa akin si Stephen, nginitian ko naman siya bilang pagsagot. Naubos na daw ang kanilang healing candies dahil na rin sa matagal na raw silang nakikipaglaban at marami na rin sa maing mga kasamahan ay sugatan.


"Dito ka na lang muna Bianca, bantayan mo si Lovely aalis muna ako para hahanapin ko sina kuya JC at tutulong ako sa kanila." Pipigilan ko sana si Stephen ngunit dali-dali na itong umalis. Ilang minuto na ang lumipas at hindi pa rin nakakabalik si Stephen, kaya naman tumayo na ako at paalis na sana ako nang tawagin ni Lovely ang aking pangalan.


"Bi-bianca." Pagtawag sa akin ni Lovely, lumingon naman ako sa kanya at pinuntahan siya.


"Lovely! Mas mabuti gising kana." Sabi ko naman, agad naman akong naghanap ng tubig upang mapinom ko sa kanya.


THE LONG LOST LEGENDARY PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon