chapter 6

1.4K 53 3
                                    

"Malayo pa ba?" Pagtatanong ni Lovely. Agad namang tinignan ni kuya JC ang mapa.

"Sabi dito sa mapa medyo malapit na tayo sa gitna ng Mount Dolby." Sabi ni kuya JC.

Kanina pa iyang malapit na ah kuya JC.

"Pagod na ako." Reklamo ni Lovely. Medyo pagod na rin ako pero keri pa naman, bawal sumuko! Baka nga lumabas na ang magi ko dahil sa mission na ito.

Sana nga.

"Parang hindi ka naman sanay ah." Sagot naman ni Stephen kay Lovely. Pinaikot naman ni Lovely ang kanyang mga mata at sasagot pa sana, ngunit pinutol na ni kuya JC ang kanyang sasabihin nang may naramdaman kami pag galaw sa mga damo.

"Guys tahimik muna." Sabi sa amin ni kuya JC. Humangin ng malakas dahil dito mas lalong nag sigalawan ang mga damo at ang mga dahon ng mga puno.

"Maghanda kayo sa magiging pag atake." Sabi sa amin ni Andrew, agad naman silang pumwesto.

"Bianca dito ka sa likod namin." Sabi sa akin ni kuya JC, kaya naman pumwesto ako sa likod at inihanda ko ang aking sandata na katana.

Mas naging alerto kami nang lumabas na ang hayop o tao na nagtatago sa mga damo.

"Oh tuta lang naman pala eh." Sabi ko sa kanila kaya naman pinuntahan ko ang tuta upang tignan ng malapitan at upang mahawakan.

"Huwag!!" Pagpigil nila sa akin ngunit huli na, dahil nahawakan ko na ang tuta.

Nakalimutan ko na wala pala ako sa mundo ko. Haist Bianca, gurang ka na talaga.

Nang hawakan ko ang tuta ay nawala na sa aking paningin sina Lovely at nagiba ang enchanted forest o mount dolby.

Kaya naman naglakad-lakad ako na nagbabakasakali na may taong makasalubong ngunit wala, pero may boses akong narinig.

"Ikinagagalak kong makita ka muli mahal na princessa." Sabi ng boses. Hindi ko naman malaman kung saang direksyon ito nagmumula at kung sino o kanino ito galing.

"Si-sino ka? Nasaan ako?" Pagtatanong ko ngunit hindi ito sumagot.

"Magpakita ka sa akin!"nakita ko ang tuta na hinawakan ko kanina at pinuntahan ko ito ngunit nagiba ang anyo nito. Ang dating cute na tuta ay naging isang katawan ng leon na may dalawang ulo ng aso.

Kaya naman agad akong naghanap ng aking sandata na pwede kong gawin na pangdepensa sa hayop, at nakakita ako ng isang mahaba at matulis na kahoy.

"Tulungan niyo ako! Huwag kang lalapit!" Paghingi ko ng tulong ngunit lumalapit sa akin ang nakakatakot na hayop, kaya naman itinutok ko sa kanya ang kahoy na napulot ko.

Agad namang natakot ang mahiwagang hayop at nagtago muli sa damuhan. Medyo naawa naman ako dahil mukha mabit nga naman ang mahiwagang hayop ngunit hindi pa rin dapat ako mag tiwala agad-agad.

"Wala pong makakarinig sa iyo mahal na princessa dahil nasa ibang mundo tayo." Sabi sa akin habang siya ay nakatago pa rin. Kaya naman itinanong ko sa kanya kung nasaan ako at kung ano ang kailangan niya sa akin.

Lumabas muli ang nagtatagong hayop at itinutok ko pa rin sa kanya ang kahoy na napulot ko, kaya naman hindi na siya muling nagtangka na lumapit sa akin.

"Nandito po tayo sa doerandia, ito po ang mundo o kaharian namin at wala po akong kailangan sa iyo mahal na princessa, kayo po ang may kailangan sa akin." Sagot ng mahiwagang hayop.

Doerandia? Parang narinig ko na iyon, hindi ko lang mantandaan kung saan o kanino ko iyon nalaman.

"Ha? Wala naman akong kailangan sa iyo eh." Sabi ko, pero nagisip pa rin ako kung ano nga ba ang kailangan ko.

THE LONG LOST LEGENDARY PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon