CHAPTER|| 67

42 4 0
                                    

Mariella: Grabeeeeeee bahang baha messenger kooooo

Dale: Ilang linggo ka ba naman na comatose eh

Mariella: Ilang linggo ba?

Dale: Almost 4 weeks

Mariella: Jusme nag ala Sleeping Beauty pala ako demn

Dale: Oo

Mariella: Kiniss mo ko?

Mariella: Huy! Nalalaki na mata mo sagutin mo ko

Dale: Hindi eh. Punyeta kasi yung mga makinang nakakabit sayo -.-

Dale: Kaya kiss mo ko

Mariella: Lapit ka dito. Ako pa magaadjust?

Dale: Eto na~~

Dale: Charap naman labi mo

Mariella: Syempre~

Mariella: Btw. Kamusta kayo nung nacomatose ako? Si Isabel? Nasa Impyerno na ba?

Dale: Woyyy watch your words. Si Isabel ang sumagot ng hospital expenses mo and nagsorry na siya.

Dale: Then kami? Yung mga kapatid mo tulala lang at di sila kumain. Yung Hokagirls di talaga umalis ng ospital tas di rin sila nagsasalita, pwera nalang kung trip ka nilang kausapin habang tulog ka

Dale: Habang ako...... Di ako umalis ng ospital, nagpapadala lang ako kay kuya ng damit. Yung the rest of TG salit salitan sa pagbili ng kung ano ano

Mariella: Infernes bumabait siya huh? Realtalk naiyak ako dun sa ginawa niyo

Dale: Kita ko nga~

☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆

Mariella's POV

Kakasabi ko nga lang ayun. Naiyak ako sa nangyari sa kanila nung na-coma ako. Pinunasan ni Dale ang mga luha ko. Gusto ko talaga siyang yakapin ng mahigpit. Kaso punyetang braso to, fractured pala

"Yabu~" tawag ko sa kanya naghum lang siya bilang tugon "Yakapin mo ko please" pagpout ko sa kanya. Kahit puro sugat at injuries ako maganda padin ako.

Bigla nalang niya kong niyakap. Niyakap ko siya pabalik pero hindi gaanong mahigpit dahil baka matanggal yung dextrose ko at yung parang sipit na para sa heartbeat.

Bigla nga lang may kumatok sa pinto. Potangina panira ng moment. Binuksan naman ni Dale ang pinto at nakita ko si Isabel, may dalang prutas at cake.

"Hi?" awkward na pagkakasabi niya. "Hello~" Nakangiti kong sabi. "Uhmm Mariella? Sorry sa mga ginawa ko ah? Ako at ang pamilya ko na nagbayad ng bills mo. And sayo Dale, sorry kung masyado akong naging selfish. Magpapaka Good Girl na ako. Promise" Haba ng speech nalula ako demn

"Naiintindihan ko naman kung gaano mo kamahal si Dale noon na handa mong gawin ang lahat para makuha mo siya" Sabi ko "So okay na? Friends na tayo?" Sabi ko

"Lika nga. Yakapin mo ko, nacomatose lang ako naadik na ako sa mga hugs"sabi ko at niyakap naman ako

"Kain tayo cake huta gutom na ako" Napatawa lang kami ni Isabel "Ikaw na maghiwa ng cake para kay Dale dang hirap gumalaw eh" napatawa lang siya at sabay sabay kami kumain ng cake

RS Tayo? || h.mm ✔Where stories live. Discover now