Unang Kabanata.

683 26 8
                                    

"Waaaaaah!" (ー∀ー;) pagbuntong hininga ko ng maalis ko ang napakalaking ulo ng mascot ko. Tapete yan oh! Na sa kalagitnaan ako ng katangahalian sa napakainit na araw ngayong Mayo. Halos kaninang alas diyis pa ako nagsimulang mang-aliw ng mga bata at isip batang nagsisidaan dito sa may Luneta. Kahit na mukha akong tanga eh push lang para sa pang enroll ko sa college. Imagine niyo nga?! Pandang mataba na may dala-dalang mga lobo, saan kayo nakakita nun ha?! Ang abnoy lang, panda sa mainit na lugar katulad ng Pilipinas? Pero syempre, yaan naman mga ganyang yung gustong gusto ng mga Pinoy eh. Yung weird sa panignin. Yung mukhang timang ganoon. Hay buhay. Kung mayaman lang kami di ko kailangan magmukhang shunga. Kahit na sabagay eh hindi naman nila nakikita kung sino yung tao sa likod ng matabang panda na ito 

Kailangan kong sumilong sa ilalim ng punong ito upang kahit papano ay makapagtago sa mainit na sinag ng araw. Halos ala-una na ngunit hindi pa rin ako nagkakaroon ng pagkakataong kumain.

"Wait lang kayong mga alaga ko, pag naubos ko na tong mga lobo, pramis lafang mode na tayo" muntimang na pakikipag-usap ko sa tyan ko. Hay. mahigit bente pa itong dapat kong ibenta eh (〒ó〒) huhuhu. Hindi ako pwedeng bumalik sa company habang hindi ito ubos. Huhuhu. Sino pa ba naman kasi ang magpapauto sa pandang nag titinda ng lobo diba? (-_____-)

Sa sobrang kahirapan at kasaklapan ng buhay ko eh itong laway ko na lang ang paulit-ulit kong nilulunok. Ohh wag kayong maarte diyan! Mabuti kayo may mga iced tea pang nalalaman sa mga mahal niyong prigider, eh ako? Ni pambili ng ice tubig kailangang tipirin para lang makapag kolehiyo ako. 

Pagkaraang punasan ang mga pawis na tumutulo sa gilid ng aking mukha at makapagpaypay ng bahagya ay muli ko ng isinuot ang mabigat na ulo ng costume ko.

"Ipush mo na 'to Victonara! Alang-alang sa ngalan ng mga Galang na hindi marunong magpatalo sa buhay!" pangungumbinsi ko sa aking sarili. 

Tumayo na ako sa aking kinauupuan at nagtungo sa gitna ng plaza. Nang mapansin na marami na ang mga taong nagdadaanan ay inilabas ko na ang huli ko pang natitirang lakas upang magsasayaw. 

"Don't drop that thun-thunun eyy! Don't drop that thun-thunun" pagkanta ko habang nagsasayaw. Marami na ang tumigil, marami na rin ang nagsimulang pagtawanan at kantyawan ako. Ngunit anong pakealam ko? Hindi naman nila kilala kung sino ako eh. Hmmp.

Pagkatapos ng ilang kendang, ilang mukang tangang pagsasayaw eh pilit ko silang inalok ng lobong natitira sa mga kamay ko.

Kung anong dami ng pangangatyaw at pagtututya sa akin ay yun naman ang konti ng mga bumili sa akin.Doon sa mahigit benteng hawak ko ay tatlo lamang ang nabawas. Oh diba happy?! Jusko day.

"Bibili ako niyan, basta ba kumembot ka ng sexy na kembot" sigaw ng isang lalaking na sa mga edad deisi nueve anyos. Mayroon siyang sigarilyo sa bibig katulad ng limang kalalakihang kasama niya.

"Aba, bastos ang hinayupak na ito ah -____--" naisip isip ko. Gusto atang makalasap ng jombang ko eh >___<

"Ano ha? Isang kembot lang ate oh! Sa mga giling mo naman halatang halata na maalam ka talaga. Giling na! Giling! Giling. Hahahahha!" malademonyong tawa nito.

Nais kong maiyak. Bakit ko kailangan magtiis sa mga pambabastos nila? Bakit ko kailangang ibaba ang sarili ko ng ganito? Hindi ba ako pwedeng mabuhay ng normal? Nang hindi nahihirapan? Punyemas naman kasi oh! Bakit ba ako kailangang iwan ng mga tunay kong magulang? 

Tumalikod na lamang ako sa mga gagong nambabastos sa akin. Hahanap na lamang ako ng mga normal na tao na kaya akong irespeto sa kabila ng trabaho ko.

"Miss naman, dodoblehin ko pa bayad jan sa tinitinda mo gumigiling ka lang ng pinakasexy mong giling. Alam ko naman na kailangan mo ng pera eh. Papalampasin mo na lang yung ganitong oportyunidad?" natigilan ako sa sinabi nung lalaki.

What If I Say I Love You? ( ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon