"NEEEEL MALIGO KA NA ALASYETE NA. MALE-LATE KA SA UNA MONG KLASE"
Nagising ako sa sigaw ni motherdear. Aba alasyete daw? Pag tingin ko sa phone ko 6am palang. Grabe talaga ang orasan ng mga nanay.
Ako nga pala si Zhanel Caparros. Nel tawag nila sakin. Keber lang haha
"Opo ma. Bababa na" *hikab*
"Kumain ka muna bago ka maligo. Ikaw talagang bata ka. Kanina pa kita tinatawag" wika ni Nay Abe. Kasambahay namin.
"E nay napuyat po ako kagabi kakabasa ng Silent Scream e. Wag mo po ako isusumbong kay mama ha?"
"Oo na sige na. Kain na"
"Okay po"
Tapos na ko kumain. Naligo na ko. Pagkatapos nagbihis na ko ng uniform ko, nag kilay at kung ano ano pa. Syempre kilay iz layp.
"Ma! Alis na po ako."
"Sige nak. Mag iingat ka"
Binilisan ko na pagda-drive. Dadaan pa ko kila Carmela at James. Para sabay sabay kami pag pasok. Alam ko namang excited na yung dalawa. Syempre ako din. Hahanap ng lablayp haha
Pagkadating ko sa bahay nila Carmela aba nakaabang na agad sa gate nila. Kasama na niya si James. Nakalabas na agad ang kotse ng ate mo. Sabi na nga ba at excited tong mga to e.
"Neeeeeeel"
"Hindi kayo excited no?"
"Hindi naman masyado" aba hindi daw haha.
"Tara na!" wika ni James
Kararating lang namin sa school. Malalaki ang building dito. Bawat strand merong sariling building.
BM ang kinuha namin nila James at Carmela. Grade 11 na kami ngayon. Ang mga parents kasi namin ay may sari-sariling kumpanya.
Pumunta kami sa bulletin board para hanapin ang section namin.
"Ako na titingin" wika ni James.
Madami kasing mga estudyanteng naghahanap din ng kani-kanilang section.
"Nel! Carme! Magkaklase tayong tatloooo!"
"Yas naman" -carmela
"Buti nalang talaga kaklase natin si James. May magagayahan ako" totoo naman kase haha
"BM- Maria Orosa Ylagan section natin guys"
"Tara na sa Gym. May orientation pa nga pala"
Pagdating namin sa Gym. May isang babae ang nakatalikod samin. Katamtaman lang ang tangkad. Medyo mahaba ang buhok. Maganda siya ha.
"Hi guys. I'm Angel Bornolla adviser niyo ako for the whole year. Punta na tayo sa room niyo. By the way nakuha niyo na ba yung number ng dorm niyo at kung sino ang makakasama niyo?"
"Yeeeessss ma'aaaam"
Pagkadating namin sa room. Namigay lang ng schedule si Ma'am para sa first semester.
"Now, magpakilala kayo isa isa sa unahan"
"Hi, I'm Carmela Blanco, 16 y.o"
"Ako si James Julius Gregorio from Sariaya."
"Hi guys. I'm Zhanel Caparros. Nel nalang hehe"
Okay bulok pagpapakilala ko ㅠㅠ
Pagkatapos namin magpakilalang lahat. Tumunog na ang bell. Okay recess na! Pumunta kami sa Jalimakdo.
Pagpasok namin umorder na si James ng pagkain.
Nakatitig lang ako sa pinto ng biglang may dumating...
OMO MY FUTURE HUSBAND...
BINABASA MO ANG
Dito Lang Ako
Fiksi RemajaDito lang ako sa dati nating tagpuan. Dito lang ako kung saan nabuo ang pagmamahalan. Pagmamahalan nga ba o kahibangan? Dito lang ako maghihintay at maghihintay at maghihintay parin, mahal. Dito lang ako... magpakailanman.