Two × Ninong

9 1 0
                                    

Nel's POV

Walang permanente sa mundo. Yung buhok ko ngang laging pinaplantsa kumukulot agad. Oh diba. Keme lang pang pahaba ng sasabihin hahaha

Pangalawang araw na namin dito sa Covert High. Okay lang naman yung mga kaklase ko. Meron lang talagang mga straw. Lamna? Hehe

Nagmumuni muni ako ng biglang maalala ko yung nangyari sa Jalimakdo kahapon T^T

Ereys ereys ereys! Woooh! Nakakahiya >_<

WATDAPAK!!!

*flashback*

"Ano ba yan, tagal ni James"

"Ano? Gutom na gutom ka nanaman Nel? Kakakain mo lang kanina a."

"Ay hayaan mo na ganun talaga pag walang lablayp. Lamon lang"

Ganon naman talaga diba? Pag wala kang boylet, lafang lang ng lafang mare. Yun ang nakakapagpasaya sa mga sawi sa pag-ibig. Oh ha!

"TAGAL MO NAMAN!"

"Sorry na Madam, eto na Madam ang pagkain mo Madam"

"Tigili ang pagma-Madam sakin. Lalagay kita sa Wawa dam! Makuha mo!"

"Wag ka na magsalita, gutom lang yan. Alam mo naman nagiging dragon yan pag gutom." bulong ni Carmela.

"Dami namang pinaorder nito. Pwede na panghapunan yung iba e." tugon ni James

"HOY KAYONG DALAWA. BULUNGANG BULUNGAN. KAIN NA KAYO! KUNIN KO YAN?!"

"Opo Miss Minchin" sabi pa nung dalawa.

"Miss Minchin bagang. Ulol"

Ganto talaga ako pag gutom hehe. Tabi tabi po.

Ang gwapo talaga ni kuya kanina. Haaaaayyy

San kaya yun nakaupo?

*tingin sa kaliwa't kanan*

Aba wala. Asan yun?

*tingin sa likod*

WAAAAAHHHH WATDAPAK! NASA LIKOD KO SI LABERBOY!! E ANG INGAY INGAY KO! NAKAKAHIYA ANG DAMI KONG KINAKAIN HUHU ㅠㅠ

Biglang tumayo si Future Husband! Sabay tingin sakin at sa kinakain ko. Sabay ngiti sakin ng matamis. Edi nginitian ko din. Omaygad Lord. Hulog ng langit. Siya na po ba? Kami na po ba pang habangbuhay? Omaygad! Thank you Lord! Hindi ko na po ito papakalwan. Di po ako manlalalaki. Mabait po ako. Loyal po ako Lord. Pramis! Woooh Thank you birimats Lord!

"Inyo nalang yung iba" bulong ko kila Carme at James. Sabay tingin ulit kay Bebelabs

"Beket? Ene yen?"








"Ilang months na yan Ate? Ninong ako ha"

Tugdug..

Tugdug..

Tugdug..

Tugdug..

Tugdug..

YUNG MUKHA KO KAHIT DI KO TINGNAN ALAM KO PULANG PULA NA! OMAYGAD! TAMA BA NARINIG KO?!

Aba hindi makakalampas sakin yan si Bebeboy! Kahit crush kita hindi pwede tong panlalait mo sakin! Matitikman niyo ang batas ng isang api!

Charot charot lang.

May araw ka sakin.

*end of flashback* (powerrr)

"Hoy Nel! Kanina ka pa jan. Lalim ng iniisip a. Aba kaya mo palang mag isip" si James.

Aba tamo tong taong to. Minsan nga mag iisip ako kung bakit ko naging kaibigan tong dalwa e. Napaka hard sakin!

"Grabe kayo sakin a! Kaibigan ko ba kayo? Napakasakit niyo magsalita! Huhuhu"

"Hoy wag ka na mag inarte jan. Di ka maganda. May klase na tayo ateng" sigaw sakin ni Carmela

Tamo? Ganyan sila. Maganda ako hoy! Magbe-break din kayo sa 23 ng boyfriend mo!

Lahat ng subject na pinasukan ko ngayong araw walang ibang ginawa kundi magsulat ng magsulat. Aba dinaig pa ang mga Author sa Wattpad. Matinde

Pinicturan ko nalang lahat. Sa bahay ko nalang susulatin hehe.

Pinikit ko nalang mata ko.. bayae sila jan.






"Mahal, andito na tayo"

"Wow mahal ang ganda naman dito"

"Mahal dito tayo ikakasal sa Tayabas, Quezon. Mahaba ang lalakaran mo para makakapag isip pa ako kung tatakbo na ba ako o magtatago nalang sa likod ng simbahan."

Hinampas ko siya. Aba nagawa pang sabihin yon. Bugbog sarado ka sakin ngayon kala mo!

"Hindi, joke lang mahal. Syempre di ko gagawin yon"

"Aba dapat lang".

Lumuhod ito. Pero bakit di ko maaninaw ang mukha niya? May hawak siyang maliit na pulang box. May laman na singsing..

"Nel... "


















"Hoy Zhanel Caparros gising na! Uwian na!" Sigaw ni Carmela habang niyuyugyog ako.

Nakatulog pala ako. Kingina yung singsing asan? Pagtingin ko sa kamay ko wala.

Nakatulog pala ako. Grabe!!! Yun na yon! May sasabihin pa si Bebelab di ko na nakinig! Bwisit to ginising pa ako. Akala ko may nagbigay talaga sakin ng singsing T^T

Sana naman dumating na talaga yung totoong Bebeboy ko T^T

----------

Jay's POV

Di ko parin maalis sa isip ko yung babae kahapon sa Jalimakdo. Laptrip yung mukha parang nireregla sa sobrang pula! HAHAHAHA

"Hoy anong nginingisi mo jan. May natripan ka nanaman ano?"

Si Ash bestfriend ko. May tatlo pa kong kaibigan. Sina Mike, Luke at Cal. Awan kung nasan yun. Nang chichicks ata

"Naalala mo yung babae kahapon na kinuwento ko sayo? Kinuhaan ko siya ng picture ng palihim at nagtanong tanong ako kung anong pangalan niya. Ayon may nakakilala. Galing ko no?"

"Ah oo. Maganda siya ha" sabi ni Ash ng makita ang litratong kinuha ko kahapon.

"May naisip ako na pwedeng ikaguho ng mundo niya bwahahahaha."

"Nadedemonyo ka nanaman. Para kang timang" sabi pa ni Ash.

Kala mo ginawa ko yun para asarin ka? Pwedeng oo, para mapalapit ka sakin. May bago nanaman akong target.

Maghanda ka na Nel Caparros.

Dito Lang AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon