KEAN SALVADOR
"Mukhang napapadalas ang pagiging late natin, Mr. Salvador?"
Agad akong napatayo mula sa pagkakagapang papasok ng room nang marinig ang kalmado ngunit makamandag na boses ng aming propesor. Napasuklay tuloy ako sa magulo ko pang buhok at sinubukang gawing disente ang ayos niyon.
"Ay, sir! Good morning!"
Naniningkit ang mga mata nitong sinuri ang aking mukha. Mahigpit na napakapit ako sa dala-dala kong bag. Dahil sa nangyayari ngayon, naging center of attention tuloy ako ng bloc namin. Kapag sinu-swerte ka nga naman talaga.
"You're fifteen minutes late, Mr. Salvador."
"Actually, thirteen minutes pa lang po, sir. Mukhang na-miscalculate po kayo."
Napapalatak ang ilan kong kaklase habang lihim naman akong napangiti. Isa kasi sa mga paborito kong gawain ay ang itama ang mali ng iba. Mapa-english grammar or tagalog man at maski math calculations. Gigil ako kapag mali ang sinasabi eh. Sabi sa internet isang uri raw ito ng OCD.
Napabuntong hininga ang may katandaan na naming propesor at nilagpasan na lamang ako. Wala naman siyang sinabi kung sa labas ba ako ng classroom magka-klase kaya sumunod na lang ako sa kaniya papasok. Nakangiti kong pinuntahan ang puwesto ko na walang laman. Nang makaupo, agad kong inilabas ang isang notebook at bagong biling ballpen. Nawala ko kasi 'yong isa kahapon na bagong bili pa. Tsk, tsk, iba talaga kapag maganda ang panulat mo. Sa isang kisapmata, wala na agad kapag hindi mo binantayan maigi.
"Open your books on page asdfghjkl..."
Hindi na ako nag-abala pang makinig sa lecture namin ngayon. Sa halip, nag-doodle na lang ako ng mga characters ng Adventure Time sa likod ng notebook ko. Good student kasi ako.
Dahil may pagka-bida bida ang aking mga classmates, diretsong nakatingin naman sila sa propesor namin. May pa-sulat sulat effect pa sa notebook. Heh, akala mo naman mga tunay.
Sa ikatlong bell, nag-dismiss na rin sa wakas ang huling morning professor namin. Mamayang alas two pa naman ang next class ko kaya naisipan kong tumambay muna sa kung saan komportable. Puno ang cafeteria ng mga estudyanteng nagpapanggap na gutom when the truth is nagpapahangin lang naman kaya pumunta naman ako sa kabilang building dahil naroroon ang library. Sa kasamaang palad, medyo puno rin ang library ng mga pa-cool kids na kunwari nerds. Mga mapagpanggap.
No choice ako kaya dumiretso na lang ako sa clubroom instead na sayangin ko ang oras ko kalilibot sa buong campus. Sana lang walang tao roon ngayon.
Pagbukas ko ng pintuan ng pinakamamahal kong club (pwe), sinalubong ako ng mabagong amoy ng katahimikan (kung scented man siya). Finally, may matutulugan na ako. Agad kong binuksan ang aircon at iniladlad ang kurtina. Inihilera ko ang mga upuan para makagawa ng maliit na kama kuno at inilabas ang mahiwagang blanket na maayos na nakatupi sa lihim na cabinet ng club.
Ang club na kinabibilangan ko ay ang 'marangal' na Polemistis Club. Isang uri ng club kung saan idinudulog ang mga kaso. Kung maganda at interesting ang mga ito'y tinatanggap naman namin iyon. Kapag boring naman, ewan ko ba pero tinatanggap pa rin ng presidente namin. Siguro kasi madalang kaming makatanggap ng cases. Kadalasan pa nga mga nawawalang hayop ang idinudulog sa amin.
Sa totoo lang, hindi naman talaga ako tumutulong dito, minsan lang. Nag-sign up lang ako dahil compulsory na sumali ang bawat estudyante sa kahit anong club. In other words, no choice. Mababa ang bilang ng members, tatlo lang. Ako, ang president ng club at ang kaibigan niya na roommate ko.
BINABASA MO ANG
SHATTERED
غموض / إثارةA mystery writer goes missing, leaving nothing but only his unfinished manuscript. Kean Salvador a fine arts major, who part times as a voice writer, was asked to complete the story. Because of financial problems, he took the offer and agreed to hel...