Leighlagh's PoV
"Wait, wait, ano yun? Tama ba yung nakita ko? Na kay Alekhine ang notebook at libro mo?" giit ni Alice sa tabi ko. Nakita niya kasing ibinigay ni Lim sa akin lahat ng assignments na ginawa niya kagabi, siya na rin ang gumawa ng essay at reaction paper ko sa physics.
Aaminin kong mas napa-aga ang pagtulog ko kagabi hindi gaya ng nakasanayan. Pagkaalis kasi ng aking mga tutor ay natulog agad ako dahil wala na akong gagawin. Kaya siguro maganda ang gising ko kaninang umaga.
"Hoy," kinalabit niya ako. "Baka may plano ka ng magpaliwanag sa akin. Ano yun ha?" Tanong niya ulit na may halong asar. Right, I forgot. She's an editor-in-chief, sanay siyang kumalap ng balita. Sigurado akong wala akong maitatago sa kanya.
"He answered my assignments" tipid kong sagot. Ayokong idetalye pa ang nangyari dahil baka ano pang isipin niya gaya ng inisip ni Mr. Baldwin kahapon.
"What?!! He did what?"
"Narinig mo ako Alice."
"Pero bakit? Huwag mong sabihin sa akin na.---" Sinamaan ko siya ng tingin kaya hindi na niya natuloy ang sasabihin niya sana. Sa halip ay ngumiti siya ng pilyo na patuloy na inaasar ako. I know what she's thinking.
"Cut the crap Alice. I had a game with him and I won. Doing my assignments is the punishment." Paliwanag ko. Tumango-tango siya, tila kahit papaano ay naniwala na siya pero halata pa rin na may mga tanong sa isip niya.
"Anong game? Yieee falling game? Kung sino unang mafall siyang talo? Yieee." Sinindot-sindot niya ang tagiliran ko. "Ikaw Leigh ha, may tinatago pala kayo ni Alekhine. In fairness, bagay kayo."
Pinaningkitan ko siya ng mata. Ano ba itong mga iniisip niya? I'm having goosebumps.
"What the hell Alice! Kung ano ang pinagsasabi mo."
"Leigh normal lang naman iyon, huwag kang mahiya. Maging masaya ka na naramdaman mo 'yun."
"Anong nararamdaman ang sinasabi mo Alice?"
"Yung love! Ang sarap kaya sa feeling mainlove."
Freaking what? LOVE? Insane! Anong sinasabi niyang masarap na pakiramdam? What's so profound with that stupid word anyway? Love is just a chemical reaction of the brain facilitated by the Limbic system. From a neuroscience standpoint, it's the emotion experienced when oxytocin is released in the brain.
See, just a simple reaction. Most people are just stupid to make a fuss out of it.
"Stop being illogical Alice. Hindi ka pa ba natuto sa ginawa sayo ni Fritz?" sita ko sa kanya. Dapat nang matigil iyang kahibangan niya. Ang aga-aga pa para sa ganyan, dapat ay pag-aaral muna.
"Hoy, hindi lahat ng lalaki katulad ni Fritz!" pag-angal niya. "Don't generalize. May matitino pa ring lalaki gaya ni Alekhine ayieee," sinundot-sundot na naman niya ang gilid ko. Bumuntong hininga ako para pigilan ang inis at pagkadisgusto.
"Don't trust boys easily. Boys are like atoms."
"Huh? Anong boys are like atoms?" Takhang tanong niya. Inaasahan ko naman ito eh, alam kong hindi niya agad makukuha ang gusto kong sabihin. It takes too much intelligence to get it.
"Because just like atoms, boys make up everything. Hindi sila dapat pagkatiwalaan." Mapaklang napangiti si Alice.
"Hay Leighlagh Yap, stop explaining everything base on Science okay? Alam mo namang hindi ako katalinuhan gaya mo. Doon na nga tayo sa loob." Sabi niya at tuloy-tuloy kaming pumasok sa loob ng classrom.
Nakakainis naman kasi itong Lim na 'to. Sana patago niyang binigay sa akin. Hindi rin kasi nag-iisip. 'Yan tuloy, kahit anu-ano na ang inisip ng mga tao. Ang hirap-hirap kayang magpaliwanag. Hays!
BINABASA MO ANG
Graded Hearts
RomanceLeighlagh Yap has always been second to Alekhine Xenon Lim ever since. They are the known top students of Harlstone Academy, with Alekhine holding firmly to that number one spot.Leighlagh considers him as a rival and human block to her lifetime goal...