Prologue

21 1 0
                                    

(Hingang malalim Irene, kaya mo to) "Hi! Ako nga pala si Irene Manzon, 17 years old at mag-aaral  ng Grade 11 sa Palmolino Olivar Technological Academy sa strand ng STEM. Eto ang kwento paano ko nasurvive ang isang taon sa school na to, at paano ko nakilala si Karlo,  ang siyang mag-iiba ng mundo ko, ang magpapai-(huy Irene wag mo muna ikwento adik) ok fine, sisimulan ko na nga. 

-

June 13, Tuesday

Nagsimula ang araw ko ng maaga, 5:00 am to be exact. Nahirapan ako matulog kagabi dahil sa excitement pumasok, yan tuloy bangag mode ako ngayon. Sinusuot na ko yung tsinelas ko para pumunta ng banyo ng may kumatok ng malakas sa pinto,

"GISING NAAAAAAA." sigaw ni papa, yung tipong wala nang bukas magpakailanman.

"OO ETO NA, MALILIGO NA NGA EH" sigaw ko pabalik; normal lang dito sa bahay namin mag-usap ng parang magkabilang bundok kaya minsan nakabunton galit ng mga kapitbahay namin sa amin; lalo na pag gabi.

"Ay ok sige" sabi ni papa na parang dalagang birhen.

Ligo, kain ng almusal then bihis na. "Dad, saan yung plinantsang uniform ni Anti?" tanong ko habang hinuhook yung bra kong magdadalawang taon na (staying strong). "Nakasabit sa loob ng cabinet sa kwarto mo" sabi niya habang papalabas para painitin yung kotse. "Putang inang bra yan, ayaw sumara ng maayos." bulong sa sarili habang nagcacrumping para maisara ang aking salumdede. Nag susuot na ako ng blouse ng nag-pot pot si Papa ng kotse; time to go.

"ETO NA POOOOOO" sigaw ko sa key na F#.

Sumakay na ako sa kotse at nag-paalam sa kanila Anti at Lola, binuksan yung gate then umarangkada na.

"Kinakabahan ka ba?" tanong ni Dad habang ino-on yung Aircon.

"Di naman gaano" naiihi na ako sa kaba.

"Well thats good! Make new friends ha, ops andito na tayo ready ka na?" sabi niya habang pinipwesto yung kotse sa gilid.

"Opo naman, ako pa" ihatid mo na ko pauwi pls pa.

"Ilakad pa ba kita sa loob?"

" W A G  N A AMA."

"Ah ok sige see you later ha, enjoy your day!" sabi niya habang nagdadrive papalayo na.

Enjoy mo to.

Eto na Irene, first day, lets do this.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 11, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The STEM Class President.Where stories live. Discover now