Chapter 3:Trapped
Haiden POV
may nakita akong anino ng...
Hatakin ako ni Xyriell sa likod ng building pagkasabay non may narinig kaming sigaw at putok ng baril hindi kalayuan sa amin. Sinilip ko kung saan namin narinig ang putok. Nakita ko ang isang babaeng nakahandusay habang napapalibutan ng limang lalaki. Hinipan muna ng bumaril ang baril bago ibalik sa lalagyanan nun.
Nakita ko si Vanessa sa kabilang building doon siya nagtago.
Biglang tumingin sa direksyon namin ang bumaril kanina kaya bigla kaming napatago. Narinig ko ang mga yapak nila papalapit sa amin ng malapit na sila...
"Wahh Huli ka!!" rinig namin sigaw nung lalaki.
Tumakbo kami sa isang building at ganon din si Vanessa buti na lang hindi siya nakita, papalapit sa amin kasi kung hindi patay siya.
"Nasan yun?" rinig namin tanong nung lalaking sumigaw kanina.
"Bro, baka pusa lang yun" sabi ng kasamahan nung lalaking sumigaw kanina.
Umalis na kami sa pwesto namin pagapak pa lang namin ng 5 hakbang may biglang na lang bumulagang mga shuriken sa harap namin. Mabilis ang reflex ko kaya nakaiwas ako pagkatapos namin maiwasan ang mga shuriken tumingin ako sa baba at may nakita parang medyo baba na floor siguro may nakatapak non sa amin.
"May nasaktan ba?" Tanong ni Xyriell sa amin.
"Oo yung puso ko nasaktan" Hayss si Vanessa yun.
"Anong hugot yan? Bulok ay" bara ko sa kanya.
"Tsk. Tumigil na kayo. Baka kung saan pa mapunta yan"-Xyriell
Naglakad pa kami at ang daming traps ang nadaanan namin. Mga bulok naman yung mga gawa nilang traps pare-parehas lang tsk.
***
Sa mahabang lakaran di na namin alam kung nasaan na kami at gutom na rin ako.
*crucru*
"Gutom na ako 😯" hayss parehas tayo diyan Xyriell. Gutom na din akes.
Lumingon-lingon ako at nakakita ako ng isang food chain. Biglang nagliwanag ang mata ko.
"Wahh! Guys nakikita niyo ba ang nakikita ko?"
"Huh?" Takang tanong ni Vanessa.
Binatukan ko siya.
"Aray naman! Totoo naman di ko nakikita ang nakikita mo! Tapos magagalit ka!" Aba! Sinusumpong ata to siguro gutom lang din.
Tsk. Nagpunta na lang ako sa food chain at tinignan ko sila pero nakatingin lang sila sa akin ng parang nagtataka. Bahala sila di ba nila nakikita na may food chain. Tsk. Naglakad na lang ako ng dere-deretso at ....
"HAIDEN!!! TU-TULONG!" Bigla akong napatingin sa mga kaibigan ko at nakita kong kinuha sila ng mga nakamaskarang lalaki. Wait sila yung kanina ah.
Tumakbo ako ng mabilis na mabilis at nakita ko silang dumiretso sa isang eskinita at lumiko at lumiko na naman. Aba! Nakakapagod ah sila nakakotse at ako tumatakbo lang. Unfair naman. Kung tinatanong niyo kung bakit nagkasya ang kotse dahil hindi naman makitid yung daan kaya nagkasya.
Huminto muna ako sa pagtakbo at nakita kung huminto yung sasakyan.
Lumabas ang isang lalaki.
"Wala na yung sumusunod" sabi niya habang tumitingin-tingin sa paligid. Tsk. Akala nila maiisahan nila ako sa pagliko-liko nila pwes hindi.
YOU ARE READING
Cursed City:The Three Strangers
ActionGenre: Action /Mystery Started: March 2017 Finished: