Longing

14 2 2
                                    

Nakahilig ako sa dibdib nya habang hinahaplos ng isang kamay nya ang aking buhok at nakapulupot ang kanyang kabilang braso saakin katawan.

Ang lamig ng panahon ngunit ang maapoy nyang katawan ang naging pinagmulan ko ng init.

Ramdam ko ang mabangong paghinga nya sa batok ko. Ito ang naging dahilan ng paghina ng akin systema.

Parang ayaw ko ng kumalas. Gusto ko lang dito magpakailanman.

Hinaplos ko ang bisig nyang sobrang kinis at pirmi. Dahil dun ay nakarinig ako ng mahinhin na hagikhik. Humigpit ang kanyang yakap saakin at hinalikan nya ang akin ulo.

Nilipat nya ang buhok ko sa gilid at lumantad ang aking leeg. Agad nya ito dinalo ng malambing nyang paghalik. Walang malay kong hinilig ang akin ulo at dahil dun ay mas dumiin ang kanyang mga halik.

Tumayo ang mga balahibo ko, bumilis ang pintig ng puso ko, nagkagulo ang mga paro paro sa akin tyan at humina ng todo ang aking systema.

Kinagat ko ang aking labi ngunit hindi ko naitigil ang takas na halinghing sa akin bibig sa sarap ng kanyang halik.

Damn... Im so inlove with him.

Tumigil sya at huminga ng malalim.
Hindi ko matanggal ang ngiti sa mukha ko. Mahal na mahal ko sya. Akin lang sya at sakanya lang ako. Ligtas ako sa piling nya at alam ko na mahal na mahal nya rin ako. Kung may forever man, kami na yun.

Nakaramdam ako ng tukso ng inisip ko ang kanyang mapulang labi. I want him.

Nilingon ko sya at agad nya akong hinalikan. Pumikit ako. Nanghina ulit ako. Hindi ko na naramdaman ang braso ko, ang kamay ko, dahil sa halik nya. Hinayaan ko syang paulanan ako ng malalim at mababaw na halik. Mas bumilis ang tibok ng aking puso.

Habang nagtagal ay mas naging marubdob ang halikan namin. Damang dama ko ang pagmamahal sa twing dumidikit ang aming labi.

Nagpatuloy kami sa paghalik ng bilang syang tumigil . Dumilat ako at napagtanto na magisa lamang ako sa aking kwarto.

Loneliness- plotless one shotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon