Chapter 1

18 0 0
                                    

"Ikaw At Ako Parin"

Sa isang industriyalisado, matao't magulong bayan ng Estepania nakatira ang isang dalawampu't limang taong gulang na misteryosong binata. Isang binatang nakatali sa nakaraan at humahanap ng paraan upang makapag simulang muli.
Siya si Tristan Red Noss.  Isang kalahating British at kalahating pinoy.

Guwapo, makisig, maputi, matangkad at may kaakit-akit na mukha.

Kadalasan na siyang napagkakamalang modelo ng kung anong produkto dahil sa kanyang dating.

Sa katunayan, iba siya sa lahat ng pintor na makakasalamuha mo sa unibersidad na iyon.

Kadalasan kasi'y may mga mahahabang balbas, mga tila wala pang ligo at mga mahahaba ang buhok kahit lalaki dahil sa araw-araw silang nagpipinta.
Mag-isa siyang nakatira sa isang malawak na condo unit at nag-aaral nga ng fine arts sa kilalang unibersidad ng bayang iyon.

Ngayong taon ay gagraduate na siya.
Wala siyang kaibigan doon dahil hindi naman siya palakibo at kung iyong uunahang magsalita ay tatalikuran ka lang o di kaya'y titingnan ka lang ng matalim.

Kung kaya't naging misteryoso siya para sa mga nakakakilala sa kanya.

Papasok pa lamang siya sa entrada ng kanilang unibersidad ay ang lalagkit na ng tingin ng mga babaeng nadadaanan niya sa pasilyo.  Panay ang bulungan ng mga ito at ang iba ay tumitili pa na wari ba'y parang nakakita ng artista. Wag niyo nga lang dumugin dahil kung hindi, ospital ang bagsak niyo.

"Tss! " Nasambit na lamang ni Tristan sa kanyang sarili.
Sanay na siya sa ganoong eksena araw-araw ngunit hindi niya parin maiwasang mairita.

Kriiiiing... Kriiiingg...

Tunog ng bell.  Hudyat na magsisimula na ang unang klase niya sa umaga kaya't mas binilisan niya ang paghakbang.

Ng biglang:

Dogggshh!

"Aray! " Sambit ng babaeng nabangga niya habang hinimas himas nito ang ilong na nabangga sa dibdib niya.

Napatulala naman siya sa kanyang narinig. Tila ba umakyat lahat ng dugo niya sa kanyang mukha at nagsitayuan ang balahibo niya sa batok.

Ang boses na iyon...  Kilalang kilala niya ito.

"Ano?!  Tutulala ka na lang ba diyan?  Hindi mo'ko tutulungang pulutin tong mga gamit ko?  Mr.?! " Talak sa kanya ng babae. 

"A-Airis? " Wala sa sariling nasambit ni Tristan sa kaharap.  Kumakabog ng malakas ang dibdib niya.Hindi niya alam kung totoo ba yong naririnig niya.

Napakunot-noo naman ang babae dahil sa tinawag nito sa kanya.

"Anong Iris? Ganun na ba ako kaitim at kabilog para mapagkamalan mong walking iris?! Irene pangalan ko hoy! "
Sabay irap sa kanya ng nagngangalang Irene.

Tsaka lamang siya nakabalik sa katinuan. Napapilig naman siya.

Oo nga naman, magkaboses na magkaboses nga sila pero hindi naman sila magkamukha. Si Airis na nakilala niya ay maganda na,mabait pa. Samantalang ito ay masungit na, ang pangit pa.

At tsaka imposible...
Imposibleng magbalik pa ang taong pilit niya ng binabaon sa limot at ibinaon na rin siya sa limot.

Dahil sa masakit na isiping iyon ay nagpatuloy na lamang siyang maglakad at nakalimutan nang humingi ng pasensya sa babaeng binangga niya.
Nakakailang hakbang pa lamang siya'y:

"Aray!! " Daing niya't napahawak pa sa tamaang batok niya.
Napasinghap naman ang mga kumpol ng babae sa pasilyo na kanina pa sila pinapanood.
Ang tatalim ng tingin nito kay Irene dahil sa ginawa nito kay Tristan. Halatang idolo ng mga ito ang binata.

"Matapos mo akong banggain at tawaging Iris ni hindi ka man lang humingi ng patawad?!" Bulyaw sa kanya ni Irene.  Binato ba naman siya ng takong nito.

Badtrip na rin siya kaya't:
"Is that all you want?  Okay. Sorry... But not sorry. " Sabi niya at nginisihan pa si Irene ng mapang-asar sabay lakad paalis habang nakapamulsa.
"Grrrrrr!  May araw ka rin saking lalaki ka!! "  Pahabol ni Irene.  Bigla na lamang siyang napangiti sa sinabi nito. At ng mapagtanto'y binawi rin agad.

Ikaw At Ako ParinWhere stories live. Discover now