Chapter 5

5 0 0
                                    

Mata sa matang binitiwan iyon ng dalaga.

Hindi na nila napigilan ang kanilang sarili at napayakap na sa isa't isa.

"Airis ko...  "

"Red, mahal na mahal kita. "

Pareho silang umiiyak. Halo-halo ngayon ang nararamdaman ni Tristan.

Bumitaw sila sa pagyayakapan at hinalikan ng masuyo ni Tristan ang dalaga.

"hindi mo alam kung paano ako namamatay araw-araw nang mawala ka sakin Airis.  Huwag ka ng mawawala pa sakin.. " At niyakap na naman niya ito.  Wari bang ayaw na ayaw niyang mawala ito sa kanyang muli.

"Mahal na mahal.. Mahal kita Airis.. "



Lumipas ang ilang linggo at unti-unti ng bumabalik si Tristan sa kanyang totoong ugali.  Palangiti, madaldal at napakakulit, pero kay Airis lang naman siya ganyan.  😂

Palagi na silang magkasama ni Airis tuwing may vacant sila. 
Hindi naman nalalayo ang department nina Airis na Business Ad.
Kapag walang pasok ay gala dito't gala doon.
Hindi na rin ulit sinumpong si Airis ng pananakit ng ulo niya.
Wala na rin siyang napapaginipang kakaiba.

Samantalang pinili nalang ni Tristan na hindi tanungin ang kanyang Tita Sylvea kung bakit pinili nitong ilihim siya kay Airis noong mga panahong hindi makaalala si Airis.
Masaya na sila ngayon at ayaw na niyang sirain iyon.
Nagpasya siyang ibaon nalang sa limot ang lahat sa mapait na nangyari sa kanila ni Airis.

Ngunit naroon parin ang kanyang kagustuhang makamit ang hustisya para sa kanyang mga nasawing pamilya.

Kapag nakatapos na siya ng pag-aaral at may sapat na pera ay sisimulan niyang pa imbistigahan ang kaso ng kanyang mga magulang.

Dalawang kurso na ang natapos niya, ang una'y Business Administration at ngayon ay Fine arts.

Ngayon ay susunduin niya si Airis sa room nito upang maihatid na niya pauwi dahil uwian na naman.

Ngunit ng dumating siya sa room nila'y sinabi ng isang classmate ni Airis na pagkatapos niya itong ihatid kaninang tanghali ay di ito nagtagal sa room nila at nagpaalam na mag C-Cr ngunit hindi na ito nakabalik pa.

Nagtataka naman si Tristan dahil hindi man lang ito nag paalam sa kanya.  Unang pagkakataon iyong nangyari kaya nag-aalala siya ngayon.

Agad niyang pinuntahan ang bahay nina Airis.

Pinagbuksan siya ng kasambahay nina Airis at sinabing papuntahin na lamang sa sala dahil andon ang mag-ina.

Bukas ang pinto kaya hindi na siya kumatok at pumasok na lamang.

"Mommy hindi ko na kaya... " Airis. Habang ito'y umiiyak.

Hindi alam ni Tristan kung  bakit bigla siyang na curious sa pinag-uusapan ng mag-ina,dahil na rin siguro sa umiiyak si Airis.

"Ito ang ibig kong sabihin na masasaktan lang kayo pareho anak,  dahil sa ang daddy mo ang pumatay sa tatay ni Tristan. " Tita Sylvea.

Parang binuhusan si Tristan ng isang balding tubig at napanting ang kanyang tainga dahil sa kanyang narinig.

Napakuyom na lamang siya at pinipigilan ang sarili mula sa pag-iyak.
Paano naitago ni Airis iyon sa kanya?

Pinagloloko ba siya nito? 

Alam ni Airis kung gaano niya kagustong makamit ang hustisya para sa kanyang pamilya .

Ngunit pagkatapos pala ng lahat ay pagsisinungalingan siya nito?

At ang masakit, bakit nagawa iyon ng tatay ni Airis? 
Anong kasalanan ng pamilya nito sa ama niya.?

Bakit itinira pa siya nito?

Bigla namang natabig ni Tristan ang isang pigurin kaya't nakuha noon ang atensyon ng mag-ina.

Ikaw At Ako ParinWhere stories live. Discover now