"I-Iho, huminahon ka..
Magpapaliwanag kami." sabi ng ginang sa malumanay na boses at hinawakan ang kamay ng binata."Halika, gising na si Airis. " sabi ng ginang at iginaya siya paloob.
Pagkapasok niya'y gustong gusto niyang dambahan ng yakap ang dalaga ngunit pinipigilan lang niya ang kanyang nararamdaman . Miss na miss na niya na ito. Napatingin ito sa may gawing pinto kung saan sila pumasok.
Namumula ang mga mata nito at halatang umiiyak pa."Red... " sambit ng dalaga sa dating tawag nito sa kanya't humagulgol ito.
Lumapit siya dito at umupo sa gilid ng kama nito.
"Red,patawarin mo'ko. " Usal nito sa pagitan ng paghikbi ng dalaga.
Ilang sandaling hindi umimik si Tristan."Sa tingin ko'y hindi makakabuti sayo ang mapagod. " Pag-iiba ng usapan ni Tristan. Ewan ba niya! Kani-kanina lang gusto niyang sumbatan at malaman lahat ng nangyari kay Airis pero ngayong nakikita niyang umiiyak ang dalaga ay parang hinihiwa ang puso niya.
"H-hindi.. Red patawarin mo ako." Alam ni Tristan na pinipigilan lang ni Airis na lumakas ang hagulgol nito.
Bumuntong hininga si Tristan.
"Isa-isa mong ipaliwanag sakin ang mga dahilan kung bakit mo'ko iniwan ng walang paalam. " Diretsahang saad niya sa dalaga.
"Ahmmm.. Maiwan ko na muna kayo. " Paalam ng ginang sa kanila upang bigyan sila ng privacy para makapag-usap ng maayos.
Ng makaalis ang ina ay sobrang naging tahimik ng atmospera.
Walang nagsasalita. Bawat isa'y nagpapakiramdaman. Mabigat ang bawat loob.
"May amnesia ako. " Diretsong saad ng dalaga na nakapagpagulat sa binata.
"Tatlong taon na ang nakakaraan. Patungo sana kami ni daddy sa ospital kung saan nandoon ka at ang n-nasawi mong pamilya. " Mapait na pahayag ng dalaga..
Nanatili lang tahimik at nakikinig lamang ang binata."Pero bigla nalang kaming nawalan ng preno hanggang nabunggo kami sa isang truck. A-ako lang ang nakaligtas. W-wala na si daddy. 😭"
Humihikbi parin ang dalaga.Sa mga narinig ng binata ay para bang gusto na niyang bumigay at kalimutan nalang lahat. Hindi niya maipagkakailang mahal na mahal parin niya ang dalaga at gusto niyang makapagsimulang muli kasama ang babaeng ito.
""Pero paggising ko, wala na akong maalala. Maski sarili ko,hindi ko kilala. Matagal na akong naghahanap sa sarili ko dahil alam kong may kulang sa pagkatao ko. Kahit ikwene-kwento ni mommy ang mga napagdaanan ko parang may kulang parin.
May nabanggit siyang tungkol sa naging kasintahan ko pero hindi ko maintindihan dahil sa tuwing tinatanong ko kung sino ay umiiwas siya. Sinabi niyang mas makabubuting kalimutan ko na daw iyon dahil masasaktan lang tayo pareho.
Gabi-gabi kong napapanaginipan yung kahapon natin. Pero hindi ko maaninang yung mukha ng kasama ko sa panaginip na iyon at lagi nalang sumasakit ang ulo ko kapag may mga naaalala ako." Napakunot ang noo ni Tristan sa kanyang natuklasan.Sa pagkakatanda niya wala naman siyang nagawa na masama sa pamilya nina Airis. Sa katunayan botong boto pa nga ang mga magulang nito sa kanya noon.
Pero bakit yun nasabi ng Tita Sylvea niya?
"Sinabi yun ni Tita? Bakit naman tayo masasaktan pareho? Alam natin parehong kailangan natin ang isa't isa. " Tristan.
"H-hindi ko rin alam. Hindi pa kami nagkapag-usap ni mommy tungkol diyan. Kanina nung sinumpong ako ng sakit ng ulo, doon ko naalala ang tungkol sa atin. ..
Yung mga panahong masaya pa tayo ,Red."
YOU ARE READING
Ikaw At Ako Parin
Short StoryIto po'y one shot story lamang.. Nalilito pa po kasi ako sa plot nung ongoing story ko ehh kaya ganitooooo.. 😢 Pero enjoy sa mga mag babasa 😂😂