Chapter 1

519 21 26
                                    

(No Prolouge! Sorry)

Chapter 1:

Yhayie’s P.O.V.:

“Yhayie!”

Tawag sakin ng aking bestfriend. Ang lakas talaga ng boses nito. Kahit kelan. Haha. Agad ko naman siyang nilapitan.

“Yes?”

Pacute kung sabi. Hahahaha.

“Uwi ka na ba?”

“Aba’y malamang. Alangan namang maglakwatsa pa ko eh exam na bukas.”

Magaling. Sobrang galing. Kailangan ko kayang magaral. Dahil sa totoo lang wala pa kong nauumpishaang ireview. Ano nalang isasagot ko bukas.

(_ _”)

Goodluck naman sakin.

“Sabay na ko.”

Sabi niya saakin.

“Sure. Ayun! Libre pamasahe.”

“Anong libre ka dyan? Sige na nga. Tutal malakas ka naman sakin”

Pagrereact niya. Aba! Dapat ilibre ako nito. Hahaha. Bihira lang sumabay e. Buti nalang hindi ako matiis nito.

Siya nga pala. Ako si Yhayie Villanueva. Isang 17 years old na college student. Actually I’m taking BS Accountancy. Di ako matalino sa math or what. May alam lang. Pero nung natake ko ang Accounting 1 dun ko narealize na walang math dito. Puro analyze, nakakadugo lang naman ng utak pero keri ko pa naman. Nga pala, yung bestfriend ko si Samuel Benedict Ramos, isang BSBA student. Malay ko ba dito kung bakit yun ang kinuha. Pero nung highschool jusko, maloloka ka sa grade nitong taong to. Napakagaling pumapasa dahil sa pangongopya at syempre saakin yun. Pasalamat nga siya’t bestfriend ko siya e. Kung hindi nako, baka hinayaan ko siyang bumagsak.

Magkaibigan ang mga magulang naming dalawa, syempre kasi magkapit bahay kami. Kilala ko na sya since elementary. At simula palang noon ay makapal na ang mukha nitong taong to. Sabagay, gwapo naman siya e. matangkad, maputi, matangos ang ilong at may kissable lips. Yun nga lang ang ugali. Nako! Over! Mayabang kung minsan, feeler nga e. major feeler. Makulit pa, dapat di mo tinatanggihan. Pero he’s nice naman. MALAKAS NGA PALA TO SA CHIX. Araw araw ibang babae ang kasama o kaya kadate. Minsan naguuwi pa sa bahay nila. Ewan ko ba kay tita kung bakit napayag na ganun tong lalaking to. Palibahsa lalaki kaya hinahayaan nalang.

“Hoy! Ang lalim yata ng iniisip mo. Sabi ko sayo e, wag mo kong masyadong isipin. Masama yan. Nakakabaliw.”

See! Sabi ko sainyo e. Ang kapal na ng kalyo nito sa mukha e.

“Eh kung sinasapak kita ng makita mo kung ano hinahanap mo.”

“Di na. Nakita nanaman kita e. Bakit pa ko maghahanap ng iba?”

-_______-“

ABA NAMAN!

“Aray naman!”

Reklamo niya. Binatukan ko kasi. Sira ulo kasi e. Akala niya yata gaya ako ng mga babae niya na nadadaan sa bola. JUSKO! Bakit ba ko may ganitong bestfriend.

Eto na nakarating na kami ng bahay KO! Take note KO! Andito ang mokong. Ayaw pa daw umuwi sakanila eh samantalang nasa kabilang bahay lang ang bahay nito. Sira ulo talaga.  Nga pala. Nilibre niya talaga ako kanina. Sabi na eh, di ako matitiis nitong mokong na to.

“Penge tubig”

(_ _”)

Utos ng mahal na prinsipe. Pumunta naman ako sa kusina at kumuha ng tubig. Magaling, instant muchacha ako ng loko.

“ETO!”

Sabay abot ng tubig sa aking boss.

“Salamat Honey”

ANAKNGTOKNENENG! Honey ka diyan!

“A-a-aray! Tama na ui! Isa! Yhayhie! Mashaket!”

Reklamo niya. Kinurot-kurot ko kasi. Ang kapal talaga ng apog nitong taong to kahit kelan.

“Umuwi ka na nga. Dyan lang sa kabila bahay niyo di ka pa umuwi.”

Pagtataboy ko sakanya. Paano ba ko makakap[agaral kung andito to at manggugulo sa buhay ko? Sasapakin ko na talaga tong taong to.

“Grabe ka naman. Prang di mo naman ako namiss.”

“Patampo-tampo ka pa diyan. Upakan kaya kita. Pano kaya kita mamimiss eh araw araw andito ka sa bahay at nanggugulo.”

Reklamo ko. True naman e. JUSKO. Nagdidilim paningin ko sa lalaking to. Maya maya nagring ang phone niya. Kaya iniwan ko muna siya sa sala. Mukhang isa sa mga babae nanaman niya yun. Nakangiti pa ang loko. Parang aso.

Pumunta muna ko sa kusina para maghanda ng meryenda. Nakakahiya naman sa boss ko, baka nagugutom na.

“Anak, dito ka na pala.”

Si mama na may dala-dalang grocery.

“Saan ka galing ma?”

“Sa grocery lang nak, kasama ko si Tita Cheska mo.”

Si Tita Cheska ang mama ni Sammy ( Samuel ). Ang asawa ni Tita Cheska ay isang seaman so madalas wala diyan same lang ng trabaho si papa and si Tito.

After kong maihanda ang pagkain ni Sir, hinatid ko an sakanya ang food.

“Sir, eto na. Pagtapos, pwede ka na umuwi. Akyat nako ng makapagreview ako.”

Umakyat na ako sa kwarto ko at naglock ng pinto dahil kapag di ko nilock yun, guguluhin lang ako ng magaling na si Sammy. Dakila pa man din yun. Di talaga ako makakapgaral kapag nasa paligid yun.

After 2 hours ng pagrereview ko ay may kumakatok sa bintana. SNOB lang muna. PLEASE LANG! pero habang tumatagal ankakairita ang katok. Pinuntahan ko na.

 “Ano nanaman ba?”

Iritado kong tanung.

“To naman ang sungit. Bakit? Meron ka?”

(_ _”)

Kung di lang masama pumatay baka matagal ko na tong pinatay.

“Ewan ko sayo. Ano nanaman kailangan mo?”

Pare-pareho lang ang design ng bahay namin dito sa subdivision namin. Yung kwarto ko ay may terrace, ang terrace ko at terrace ng kwarto ni Sammy ay halos magkadikit lang. Kaya siya nakakapunta dito sa pagtawid lang sa terrace. Akyat bahay kasi to e.

“Patambay lang. Ang boring sa bahay,”

“Litsi! Nagaaral ako. Magaral ka na nga lang.”

“Di na kailangan. Papasa naman ako.”

MATALINO! Suko na talaga ko sa taong to.

“Ikaw na matalio. Nahiya naman ako sayo.”

“Wag ka na mahiya. Ayos lang yan.”

ANAK NG TOKNENENG TALAGA!!! Lakas ng hangin! Shemay. Tiantangay ako ng bagyo!

“Tantanan mo ko Sammy ha!”

“Sige na nga. Di na ko manggugulo. Nagtext nadin girlfriend  ko for today.”

Kitams! FOR TODAY! Leshe to. Ginagawang laruan ang mga babae. Sira ulo pa mga babe niya aksi parang okay lang kahit pang short time lang. Parang ang mahalaga nakapagjowa lang. Tsk! Bakit sila ganun? Di ko maintindihan takbo ng utak nila.

It Was Love - ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon