*BLaire's Pov*
Nandito na ako sa school with my girls.
At nagdi-discuss na si mam risa.
"Blaire Sanchez! What is Declarative Sentence if you are listening" Mam risa
Sabi na eh may nakatingin sakin kanina pa. Si mam pala yun?
Tumayo na ako."A Declarative Sentence also known as a statement makes a statement and ends with a period. It's named appropriately because it declares or states something. These guys don't ask questions, make commands, or make statements with emotion."
Hayst. Buti talaga nakapag-aral ako in advance kanina
"Very good. Better look at me while i'm discussing. Even if you know the answer. " Mam
Ang sungit talaga.
Nakita ko naman si Vlad na nag approve.Inirapan ko lang. Psh.Nagpatuloy na si mam sa pagdiscuss hanggang sa matapos na siya.
Sumunod na pumasok si Sir Science.
"Class Dismiss muna tayo ngayon may importante kaming meeting. That's all." Sir sabay labas na niya.
Yes!
Success sa isang subject!
Ang boring kaya ng science. Duh!
Tol! Dota tayo!
Gago! Tara na!
Tsk. Kawawa naman parents nila.
"Bes. Tara na sa cantene" sabi ni Jamie sabay hawak sa kamay ko.
Nagnod nalang ako at lumabas na kami.
Gusto ko pa sanang pumunta ng rooftop pero ayaw nila akong bitawan baka daw may mangbully nanaman sakin.Nasa hallway na kami ng may madadaanan kaming mga STUPIDyanteng nagchichismisan.
Omg! Nakita ko na yung pinakamayan sa mundo!
Nandito siya!
Omg! Talaga?!
Wait! Pinakamayaman?!
Don't tell me? Si mom?! No!
Si
DAD?!!!!
Uh-oh.
"Omo! Bes. Masama kutob ko" sabi ni sendra na nakahawak sa dibdib nya.
Waaahhh!!! Ang pogi pala niya!
Sana ako nalang naging asawa niya!
Para siyang hindi matanda!
"B-bes.. S-si. P-papa m-mo" Nauutal na sabi ni Lisse.
Tinignan ko naman yung tinuturo niya.
O____O
Shit! Lumingon siya.
"Wag nyong sasabihin na ako to" bulong ko.
"B-bes. Lumalapit siya" bulong naman ni Sendra.
Takte talaga! Bakit hindi ako nasabihan na nandito siya?!
Lahat ng tao sa kanya nakatingin. Tusukin ko mga mata netong mga stupidyanteng to eh.
Nasa harapan na namin siya. Kinakabahan ako at natutuwa.
Why? Natutuwa dahil Dad ko ang nasa harapan ko at nung isang buwan pa kami huling nagkita. Kinakabahan dahil ganito itsura ko.