Prologue

94 5 0
                                    

Prologue

       "Kung hindi ka magtitino, I will send you to a boot camp overseas without allowance." naririnig ko pa rin ang Daddy ko  na galit na galit na sinabi yun. Noon ko lang siya nakita na galit na galit sa akin. I never really showed interest to any of his rants. Buhay ko to kaya ako ang magdedesisyon. Who needs his money anyway? 

      Naglakad ako sa city ng mag-isa. Wala akong pakialam kung tanggalan niya ako ng pera basta ang importante, napapasaya ako ng ginagawa ko. Bumili ako ng sigarilyo at umupo sa isang bench. Habang hinihithit ko ang sigarilyo, iniisip ko kung tototohanin nga ba ni Daddy ang mga sinabi niya. As if naman na payagan siya ni Lola, eh kahit anong gawin ko naman eh di naman nila ako pinarurusahan. It's his fault anyway kung bakit ako nagkaganto. 

      I returned home late again. This time though, I'm planning to leave. Sino naman ang magtitiis sa ganitong set-up? Mawala man ako o hindi, nobody cares anyway. It's better nga kung mawala ako para wala na silang basagulerong iintindihin. They only cared about me for the heck of it. 

      Pagkapasok na pagkapasok ko, bumungad agad sa akin ang mga bodyguards ni daddy. Hinawakan nila ang kamay ko para di ako makapalag. Sinuntok ko ang tatlo sa kanila, but they are just too many to begin with. The next thing I knew, they hit me in the head with something hard and everything went dark.

      Pagkagising ko, nasa loob ako ng isang yacht at kasama ko rin ang mga kaibigan kong sina Rick at Kris. I don't know where they are planning pero iisa lang ang naiisip ko nung panahon na iyon. Tinototoo nga ni Daddy ang sinabi niya.... 

Stay (Denlou Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon