Chapter 2: The Girl Next Door

66 3 0
                                    

               Chapter 2: The Girl Next Door

     Umaga na ng namulat ang mga mata ko. Pinatay ko na ang alarm clock (na God knows di ko alam kung sino ang nag-set) at binuksan ko ang TV. Ang boring ng palabas at di ko trip kaya in the end, nag-sound trip na lang ako sa iPod ko. Lumabas ako sa may terrace at tumingin sa labas. Tanaw na tanaw ko ang buong Academy City, ang mga taong busy sa paglalakad sa daan. Sa pagkakaalam ko, majority ng population ng Academy City ay mga estudyante. Only ten percent lang ang mga working class/adults gaya ng mga teachers, helpers, drivers, yayas, professors, at kung anu ano pa. All in all, mga mayayaman lang ang nakakapasok at nakakapag-aral rito sa Blackburst Academy. Most are Asians, but I can also see Europeans. Iilan lang ang mga nakikita kong Pilipino kahit na sa Pilipinas naka-situate ang school. Ngayon alam ko na kung bakit dito ako dinala ng Daddy, siguro alam niya na di ko kayang makatakas sa isang bantay saradong lugar. Walang transportation pabalik, pero meron papunta. It's like I'm living a nightmare in paradise. 

       Tumugtog sa iPod ko ang kantang "Perfect" ng Simple Plan. Great... now nakakarelate naman ang iPod ko sa buhay ko. Eto pa talaga ang napiling patugtugin. Iiskipin ko na sana ang kanta ng kumanta bigla ang lead singer. Nakakarelate talaga ako sa lyrics kaya di ko naman mapatay. Hanggang sa tumugtog ang chorus ay di mawala wala sa isip ko ang mga pinapagawa sa kin ni Daddy eversince mamatay si Mama.Yung expectations... yung guilt.... at yung mga matang nanlilisik kapag tumititig sa yo. He never really cared about me.. Ako lang naman kasi ang "walang kwentang" only son niya. Kaya niya nga ako pinapunta rito sa pesteng boarding school na to eh. Kasi he's got tired of living with me. Pwes, papatunayan ko na he's wrong. May kwenta ako. Im not stupid. I will make him regret ever saying those things to me. I promise.

      Natapos ang kanta habang naaalala ko ang mga problema, the family, depression, anxiety, the blues.

     "BULLSH*T!!! BULL SH*T NA BUHAY TO!!!!" sigaw ko. I screamed at the top of my lungs para mailabas ang sakit na noon ko pa tinatago. Sana di na lang nagkaganto ang buhay ko... bullshit talaga.. bull--

      "Would you please lower your voice. I'm trying to read here." noon ko lang napansin na sa kabilang bahay ay may isang babae na nakaupo sa may terrace at nagbabasa ng libro.  

      Tumingin ako sa kanya. Nakasuot siya ng isang floral lace dress. Nakafocus lang ang attention niya sa librong binabasa. Mahaba ang buhok niya, medyo magulo. Halatang kagigising niya lang rin. Pero kahit ganon, ang ganda niya. Naisip kong magsalita.

      "Uhmmm. Sorry... I never noticed you." sagot ko.

       Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy sa pagbabasa ng libro niya. Red ang cover ng libro pero medyo malayo kaya di ko nakita kung ano ang nakasulat rito. 

      "It's okay... just next time, be mindful of your surroundings." sagot niya. 

     With that, she closed her book at pumasok sa kwarto niya. Magkaiba kami ng model ng house pero it seems na magkatapat lang ang mga kwarto namin. Di ko napansin pero noong time lang na yun ako nag-sorry sa isang babae. Nung time lang na yun ako nag apologize ng sincere... tapos di ko pa kilala... 

**********************************************************

    Bumaba ako at nagpunta sa may kitchen. Dinatnan ko si Derrick na nagluluto. Nasabi ko na ba pero magaling magluto yang si Derrick. Siguro dahil na rin sa background ng pamilya niya eh may ari ba naman sila ng maraming restaurant sa Pilipinas. Si Kris naman ay nakaupo lang at nag-lalaptop. Chinecheck kung ilang babae na ang nakaka-miss sa kaniya. Marami ngang nag-chachat eh... Playboy kasi yan. Umupo lang ako sa may sofa at kinuha ang phone ko. Marami ang mga "kaibigan" kong nag-message pero may isang unregistered number na binuksan ko. 

Stay (Denlou Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon