"Ikaw bata ka," nanggigigil na sabi ni Lola sabay kurot sa may puwet.
"Lola! Aaarrraaaay!" unas ko.
Eeh hindi na naman kasi ako bata kurot pa din ng kurot si Lola!
Naglilihi? Excuse me, matagal nang hindi siya dinadaluyan ng dugo noh! (O_o ang creepy?)
Este I mean... diba nga may buwanang labas ng dugo sa mga babae? Yun... Matagal nang walang lumalabas kay Lola! Tanda na kaya! Himala kapag nabuntis pa siya... Lalo na't wala na akong lolo. wahaha! luh!
"Ano na namang ginawa mo dito sa mga tinda nating mga kabibe?"
"Sus si Lola! Hindi mo ba nakikita? Iyan, pinampalamuti ko dito sa bahay natin! Diba ang ganda? Tinulungan nga ako ni Janna eh!" kako sabay tulak ng mahina kay Lola.
Napakamot si Lola.
"Bakit ka nagkakamot Lola? May kuto ka na naman ba?" tanong ko.
"Loko to!" sabi i Lola tapos kunwaring papaluin ako. "Hay naku! Bahala ka na nga! Oh siya, bilisan mo't kakain na tayo. Nakapagluto na ako ng paborito mong pakbet," sabi ni Lola habang patungo sa kusina.
"Ganun po ba? Sige po La, magpapalit lang po ako ng damit," kako sabay pasok sa kuwarto ko.
Ah, nga pala, magandang araw sa inyong lahat!
Leh si manunulat. Hindi pinaalala sa akin na dapat pala eh magpapakilala pa muna ako. hehe.
yaan niyo na, pasaway yan eh.
Nga pala, ako si Rayne. Bigkas, REYN. Ewan ko kung bakit. Diba dapat RAY-NE? Hmp, yaan niyo na. Basta yun ang pangalan ko. Labing-anim na taong gulang na ako. Nakatira ako dito sa Baryo Naisupsupadi. Maliit ang baryo namin. Tabing dagat, at tabing gubat na din... haha!
Nakitira ako kasama ng Lola Precy ko. Yung kumurot kanina sa akin? Oo. Wala na kasi akong mga magulang. Ganun pa man, ok lang. Naging mabait naman sila ni Lolo sa akin. Malungkot nga lang, namatay na si Lolo dalawang taon na ang nakalilipas.
Kubo lamang ang tirahan namin. Maliit lang siya. Kuwarto ko, kuwarto ni Lola, tapos kusina.
Lahat naman kami dito sa buong baryo ganun ang bahay.
"Hoy Rayne! Halika na! Huwag mong pinaghihintay ang grasya!"
Hay naku si Lola talaga! Npakamapamahiin!
"Oo na po Lola!"
Oh sige, kain na muna ako ha?
Habang kumakain kami ni lola, biglang dumating si Janna, Janna Villanueva, ang pinakamatalikmkong kaibigan.
"Magandang araw po Lola Precy!" bati niya sabay mano.
"Oh hija, bakit naparito ka?" tanong ni Lola.
"Ah, iimbitahan ko po kasi sana kayo ni Rayne sa bahay mamayang gabi. May konting paghahalu-haluan dahil sa pagkapanalo ni Tatay ng karerang baka sa kabilang baryo," magalang na sagot ni Janna.
"Talaga? Kainan?" kako naman agad na talaga namang kuminang-kinang yung mata.
"Oo! Kaso nagdadalwang isip akong imbitahan ka!"
"ha??? Bakit naman? Bakit ganun?"
"Eh kasi Rayne, ang sikmura mo, sikmura ng buong baryo!"
nikot ko mata ko. "Bastos! Hindi naman!" kako sabay upo at tuloy sa pagkain.
Lakas naman makainsulto ng kaibigan kong ito!
"Loko lang!" bawi niya. "O sha, mauna na po ako. Mag-iimbita pa po ako sa iba."
"Ha? Nako, kumain kana muna," pigil ni Lola sa kanya.
"Ahy huwag na po lola. Busog pa po ako eh. Katatapos ko pong kumain kanina bago ako magtungo dito," tanggi ni Janna. "Mauna na po ako."
"Ganun ba? O sige. Mag-ingat ka!"
"Paalam!" kako sabay kaway. "Damihan mo yung itatago mo mamayang gabi ha?" pahabol kong bilin.
Tiningnan ako ng masam ni Lola.
"Po?" tanong ko kasi naman eh... makatingin!
Pagabi na at nakabihis na kami ni Lola.
Naglakad kami patungo sa bahay nila Janna.
Ang totoo niyan, isa sina Janna sa pinakanakakaraos sa baryo namin.
Ayun nga, madaming pagkain at mga bisita.
Habang nasa gilid ako, biglang sumulpot si Janna. "Hoy! Bakit andyan ka?" Tapos tumingin sa plato ko. "Ikaw talaga! Nagtago ka na naman ng apat na pinggan na punung-puno noh?" kaniya sabay tawa.
"Ohy hindi ah!" angal ko. Ako? Nagtatao ng anim na pinggang puno? Grabe naman siya! May hiya naman ako kahit paano! "Dalawa lang kaya!"
Grabe halakhak ni Janna. "Alam mo, sa sobrang takaw mo, himalang ganyan pa din katawan mo!"
"Walang himala! Ganyan lang talaga kapag maganda ka!" sumbat ko naman. Diba? haha!
"Maganda daw?" narinig naming bulong ng isang boses tapos nagtwanan.
Pagtingin namin, tssss. Sina Margot pala.
Si Margot at ang mga barkada niyang sina Maria at Analyn.
"Grabe Ang kapal naman ng muka niya! Maganda daw siya?" ka ni Maria.
Napakunot noo si Janna. "Sira ulo mga ito ah!" ka ni Janna.
"Hayaan mo na. Di ka pa nasanay!" kako naman.
Eh kasi mga mambabasa, sila lang naman ang mga kontrabida sa buhay ko. Palibhasa'y isa kami sa mga pinakamahirap sa baryo at sila naman ay kabilang sa mga nakakaraos.
"Layo na lang tayo dito," kako.
"Lalyo tayo dito eh bahay namin to? Ano ba? Dito lang tayo. teritoryo ko dito no!" sabi naman ni Janna.
Napakamot lang ako ng buhok ng kilay ko... ehh makati kasi eh. haha!
Ilang saglit pa ang nakalipas, pauwi na sana kami ni Lola nang pigilan ako ni Janna.
"Lola dito na lang po muna matulog si Rayne," kaniya sa Lola.
"Hoy hindi puwede!" angal ko. "Walang kasama si Lola sa pag-uwi! Tsaka wal din siyang kasama sa bahay! Kahit palagi akong kinukurot nito, mahal ko ito noh! Hindi ko siya puwedeng iwan!" kako sabay hawak sa mga braso ni Lola. "Paano kung may gumahasa dito? May asim pa naman!"
*pak!
Hinampas sa akin ni Lola yung hawak niya.
"Loko ka talaga!" bulyaw niya sa akin.
Tawa naman nang tawa si Janna maging ang nanay at tatay niya.
"bakit? Ayaw niyo nun? Pinuri ko nga kayo eh!" kako.
"Loko!"
"Haha! O siya... Kung talagang hindi kita mapipigilan, agahan mo na lamang pumunta dito bukas. Madami pa kasing sobra. Tulungan mo kaming umubos!"
"oo ba! Haha! Sige. Paalam!"
"Salamat nga pala dito Pedring at Kala!" sabi ni Lola sa mga magulang ni Janna sabay taas nang pagkain na balot sa dahon ng saging.
Habang naglalakad kami sa may dalampasigan ni Lola, bigla niyang naalala si Lolo tapos nagkuwento.
Aba't kinikilig pa ang Lola! wahaha!
"O siya Lola, matulog na po kayo't mapapaginipan niyo niyan si Lolo!" kako kasi naman si lola kanian pa kami dito sa bahay, hindi pa tumigil sa pagkukuwento ng buhay pag-ibig niya! Nakow!
----------------------------
----------------------------
A/N: Hayan. Parang introduction part lamang po ito ng story. Chapter 1 pa din yung susunod kasi parang ipapakilala ko muna sa inyo yung mga characters... hehe ^^
Pagpatuloy niyo po ang pagbabasa! Salamat!
Kung guto niyong maging character ng story, just comment! ;)
IEEDIT KO PA PO ITO. TINATAMAD AKONG IREVIEW. PUBLISH AGAD! haha~
BINABASA MO ANG
THE LOST PRINCE
Teen FictionThis is a fanfic-kaeplan-story starring AUTHOR RAYNE herself! wahaha! Opo ako po ang bida dito :D EXO po ang loveinterest ko... ehemmm. makafeel naman eh? noh? wahaha! Anyway, this stroy is just for fun. Kaya naman FUNNY ito. Ok??? hehe ^^ Enjoy rea...