Chapter 1:B

56 5 2
                                    

Maaga akong nagtungo sa bahay nila Janna para makikain! wahaha! Bakit? Yun naman sabi niya diba?

Pero habang nasa daan ako, sa dalampasigan, nakasalubong ko si Karlo.

"Magandang umaga," bati niya sa akin.

"Magandang umaga!" bati ko din. Alangan naman kasing magandang gabi diba?

"Saan ak pupunta?" tanong niya.

"Kina Janna lang. Ikaw?"

"Sasam ako ngayon kay tatay magpalaot," sagot niya.

Ang totoo niya, si Karlo eh parang kagaya din nila Janna na may kaya.

At.... eto... Siya din ang rason kung bakit galit sa akin sina Margot, Analyn, at Maria!

May ugusto kasi sa kanila kay Karlo.

Tapos etong Karlo naman kasi, dikit nang dikit sa akin! Nako. Eh alangan naman iwasan ko siya eh ang bait niya kaya! Guwapo pa! diba?

"Ah ganun ba? Og sige mauna na ako. Ingat!" kako sabay kaway paalam pa.

"Ikaw din!" kaniya tapos ginaya yung kaway paalam ko.

Wahaha! Teka lang. Gusto ko lang puriin si manunulat dahil sa kaway-paalam na yan. Galing magtagalog ah! haha!

Nang makaabot ako sa bahay nila Janna, talagang daretso kain na! haha!

Nabusog ako ng sobra!

"Nga pala kayong dalawa, gusto niyo bang sumama sa kabilang baryo mamayang tanghali? Makikipagbarter kasi kami sa kanila. Ikaw Rayne, baka gusto mong magsama ng mga tinda ninyong mga kabibe," sabi sa akin ni Aling Kala.

"Puwede po ba? Sige po!"

Pagkatapos kong kumain, agad akong nagtungo pauwi.

Napaalam ako kay Lola tapos pumayag naman siya.

Isang basket din ng kabibe ang dinala ko at sana ay mabenta ko lahat!

Sakay ng kalabaw nila Janna, nagtungo kami sa Baryo Namaymayat.

Pagkarating doon, bumaba na sina Aling Kala upang ipunta yung mga ibabarter nila.

Kami naman ni Janna, naghanap ng puwesto dun sa parang araw ng pagtitingda (market day) nila ngayon eh.

Iniayos namin ng maigi ang mga kabibe.

"Ale/Manong bili na po kayo ng mga kabibe! Magaganda po ang mga ito! Bili na po, mura lang!" pang-aayo namin sa mga taong dumadaan-daan."

At dala na din siguro ng ganda namin ng kaibigan ko, medyo mabilis ang bentahan. haha!

Eh parang mas nakakaakit pa itong mga kabibeng mga tinda namin kaysa sa samin eh! wahaha!

"Konti na lang ito Janna. Grabe! Ambilis palang makatinda dito!" sabi ko kay Janna.

"oo nga. Sa susunod, sama ulet tayo."

"oo! Sige!" masaya kong tugon. "Oh Manong, ano pong gusto niyo? Mura na lang po itong mga kabibeng tinda namin," kako sa lalaking may edad na ding tumayo sa harap namin.

"Ayaw ko ng kabibe, ikaw ang ang gusto ko," kaniya.

Ano daw? Eh sira ulo yata ito eh!

"Po?"

"Kako, ikaw ang gusto ko! Magkano ka ba?"

Abat' takte itong gagung matandang pangit na kumag na ito ah! (medyo hard? wahaha!)

"Hoy Manong! Bastos ka ah!" kako sabay tayo at dinuro pa talaga siya.

Matapang din ako noh! Sina Margot lang hindi ko pinapatulan kasi nagsawa na ako sa knaila.

"Anong bastos dun? Loko ka, dinuduro mo ba ako?" galit na sabi ng mama.

"Aong bastos don? Ang tanda niyo na po hindi niyo pa alam kung anong mali sa sinabi niyo? Ininsulto niyo po ako!" aba tanungin ba naman kung magkano daw ako? Aba'y pangit na, bastos pa, tanga pa!

"Ano yan?" tanong ng sumingit sa eksenang si Aling Kala. "Bakit Rayne?"

"Eh mokong po kasi itong si Manong eh. Tanugin ba naman kung magkano daw ako?"

"Ano?" tapos tinignan niya mula batok hanggang paa yung lalaki.

"Aba manong ang bastos niyo naman po! Galangin niyo naman sila! Mga batang babae ginaganyan-ganyan niyo? Ano na lamang ituturo mo sa mga anak mo? May mga anak ka naman po siguro diba? Ano na lang ang itututro mo sa kanila? (SPOOF! wahaha! connect ba kayo? :D)"

Napakunot lang nga noo yung lalaki.

"Umalis na po kayo bago ko kayo isumbong sa pinuno ng baryo!" bulyaw ni Aleng Kala sa lalaki.

hay nako, salamat at meron si aling Kala. Tinuring niya na dn kasi akong anak simula pa noong mbata pa kami ni Janna.

"Oh siya, tama na iyan, tara na... Baka kung sino pang manloko sa inyo kapag iniwan pa namain kayo. Uwi na tayo,," ka ni Aling Kala.

Habang pauwi, ang saya-saya ko. Binibilang ko kung magkano ang nagtindahan namin ni Janna ng kabibe.

Madmi-dami din to. Hehe!

Siguradong matutuwa si Lola.

___________________

___________________

That ends the chapter 1!

Up next, mahahanap na ni Rayne ang kakaibang nilalang sa dagat! wahaha!

Keep reading!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 12, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE LOST PRINCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon