Ang pagmamahal ay hindi bagay na napupulot kung saan-saan ,hindi hinihingi at higit sa lahat hindi nililimos .Ito ay nakukuha natin sa mga taong totoong nagmamahal sa atin ,Sa mga taong kahit hindi man natin sabihin o hilingin sa kanila ay ipinaparamdam nila sa atin .
Isa na nga rito ang pagmamahal galing sa ating pamilya .Sabi nga nila "Ang Pagkakaroon ng buo at masayang pamilya ay isang napakagandang regalo mula sa diyos na hindi mabibili o matutumbasan ng mga materyal na bagay.At kung dumating man ang mga panahon na husgahan ka man tayo ng ibang tao o ng buong mundo mananatili pa rin kung sino tayo sa mga taong nakakakilala sayo at yan ay ang ating Pamilya .
Ako si samantha at ito ang aking kwento.Ako'y simpleng babae na masiyahin,mabait,matulungin,at mapagmahal lalong lalo na sa aking pamilya.Ako'y mayroong simple ngunit isang masayang pamilya .Mahal na mahal ko ang aking pamilya dahil sila ang nagsisilbi kong kayamanan at dito ko nararamdaman ang tunay na pagmamahal at pagkalinga .May ina't amang mapagmahal ,mga kapatid na kung ituring ako'y parang isang tunay na prinsesa .Siguro nga'y wala na akong mahihiling pa dahil kahit salat man kami sa mga materyal na mga bagay mayaman naman ako sa pagmamahal at meron naman akong buong pamilya na masasandalan sa gitna ng mga pagsubok sa buhay.Ngunit paano kung isang araw dumating ang araw na hindi ko inaasahan na ito ang umpisa ng lumbay at tuluyang babago sa akin at sa aming pamilya.
Isang araw dumating ang napakalaking pagsubok na susubok sa aming buhay at sa aming pamilya at ito ay noong magkasakit ang aking ina .hindi ko lubos maisip kung bakit sa dinami-dami ng tao sa mundo bakit pa ang aking ina ang nakakaranas ng ganitong uri ng sakit .Mas lalong lumala ang ang sitwasyon ng aking ina .Napag-alaman na rin na ang kanyang sakit ay kanser base na rin sa mga resulta ng pagsusuri ng mga doktor .Lungkot at awa ang aking nararamdaman sa kalagayan ng aking ina .Mahirap makita ang isang taong mahal na mahal mo na nahihirapan at wala man lang akong magawa upang maibsan ang kanyang sakit na dinaranas .At ang tanging magagawa ko lang ay ang ipakitang matatag ako at sa isang sulok ay iiyak at magdarasal na sana'y gumaling pa ang aking pinakamamahal na ina .Ngunit siguro nga ang lahat ng nangyayari ay may purpose .Hindi man natin alam sa ngayon siguro pagdating ng panahon mauunawain din natin .Isang hapon dumating na nga ang araw na babago sa aking pamilya at mas lalo na para sa akin na kung saan pakiramdam ko ay napakasama ng mundo sa akin at unti-unting guguho ang mundo ko .Dito na tuluyang nagwakas ang paghihirap at pasakit ng aking ina .Oo wala na ang aking ina tuluyan niya na akong iniwan .Wala ang pinakamamahal kong ina .Iniwan niya na ako at kailan man ay hinding-hindi ko na siya muling makikita .Wala na ang taong mahal na mahal ko ,wala na ang aking nagsisilbing bestfriend ,wala na ang taong laging nasa tabi ko ,Ang taong sumusuporta at umiiintindi sa akin.Inisip ko na wala ng silbi ang buhay ko .Wala ng dahilan para mabuhay .Wala ng rason para ngumiti ,wala ng rason para gumising ng umaga .At dito na nagsimulang mabago ang aming buhay ang dating buo at masayang pamilya ay napalitan ng magulo at walang kaisahan .Ang aking mga kuya ay nagpasyang umalis upang sa ibang lugar na magtrabaho at ang aking ama ay lagi ng lasing kung umuwi sa bahay .Madalas mag-isa sa bahay ,mag-isa kung kumain ,mag-isa sa lahat ng bagay .At minsan naisip ko ng itigil ang aking mundo upang takasan ang ang mga problema at upang takasan ang lahat ng sakit na aking nadarama .Ngunit bigla kong naisip ang mga payo at mga paalala ng aking ina at doon ako napahagulgol dahil tiyak na kung naroon ang aking ina ay magagalit ito dahil ayaw niya akong makitang nasa ganuong kalagayan .At ipinangako ko sa aking sarili na magbabago ako at magpapakatatag .Ginawa kong inspirasyon ang aking ina upang pagbutihin ang aking pag-aaral .Oo alam kong mahirap ang aking sitwasyon ngunit unti-unti kong ko itong kinakaya.Gabi-gabi pa rin akong umiiyak pero hindi ko kinakalimutan na muling babangon at harapin ang bawat umaga ng may ngiti sa aking mga labi at may positibong pananaw .
Sa paglipas ng mga panahon may mga bagong tao na dumarating sa aking buhay .mga kaklase .kaibigan na laging nandyan tumatayong pamilya upang ako ay damayan sa mga panahong lubog na lubog ako sa mga problema .Sa paglalakbay ko nga dito sa buhay marami akong natutunan isa na rito ang pagiging matatag sa gitna ng mga pagsubok wag panghihinaan ng loob at huwag susuko .Isang umaga ,habang ako ay nasa kanteen ng aming paaralan may bigla akong napansing bagong mukha sa aming paaralan na sa tingin ko'y bagong lipat lamang ito .Nagkataon namang magiging kaklase ko siya ,Sya ay mula sa maynila at lumipat lamang ito sa probinsya dahil nandito ang kanyang mga magulang .Si lance kenje ay lalaking tahimik,matangkad at gwapo .Nang magkaroon ng grupo para sa aming gagawing proyekto ay nagkataong magkasama kami kaya medyo napangiti ako dahil makakasama ko ang aking crush .oo crush ko si lance at ito ang kauna-unahang pagkakataong tumibok ang aking puso para sa isang lalaki .Sa tuwing nakikita ko si lance ay nakikita ko sa kanya ang aking kababata kaya panatag akong makasama siya dahil tulad ng aking kababata ay sa tingin ko'y mabait din si lance .Sa paglipas ng mga ilang buwan tuluyan na ngang nagka palagayan kami ng loob .Naging matalik kaming magkaibigan at para na kaming magkapatid kong magturingan .At kung gaano lumalalim ang aming pagkakaibigan ganun din lumalalim ang aking nararamdaman sa kanya sa tingin ko'y tuluyan na akong nahulog sa bestfriend ko ngunit lingid sa aking kaalaman ganun din ang nararamdaman nya para sa akin at nahihiya lamang syang aminin ito dahil ayaw nyang may mabago sa aming samahan .
BINABASA MO ANG
HANGGANG KAILAN AKO MAIIWAN??
Truyện NgắnSa pagmamahal dito tayo natututung masaktan,sumaya at higit sa lahat dito tayo nakakapulot ng mga leksyon na magagamit natin sa ating paglalakbay dito sa mundo.